Part 1 Jay Manalo on talent manager Annabelle Rama's legal battle with Nadia Montenegro: "Susuportahan mo lang siya dahil laban niya yun. Pero in fairness naman, hindi naman niya kami pinababayaan."

IMAGE Noel Orsal

"Hindi naman kami dinadamay. Saka sila yun, e. Wala naman kaming problema. Ako, nakasuporta lang naman. Malalaman mo rin naman kung ano ba ang tama at mali," says Jay Manalo about talent manager Annabelle Rama's ongoing legal battle with Nadia Montenegro.


Kauna-unahang daytime series ng TV5 ang Isang Dakot Na Luha at ikalawang drama series naman ito ni Jay Manalo sa Kapatid network.

Mula nang gawin ni Jay ang una niyang primetime series sa TV5 na Babaeng Hampaslupa—na pinagbidahan noon nina Ms. Susan Roces, Alice Dixson, at Alex Gonzaga—hindi na nakawala sa Kapatid network ang mahusay na aktor.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jay kahapon, Pebrero 22, sa taping ng Isang Dakot Na Luha sa Montefalco General Hospital sa Meycauayan, Bulacan.

Ibinalita niyang tatlong taon ang kanyang kontrata sa TV5 kaya hindi muna siya makakalabas sa ibang networks.

Inamin ni Jay na masaya naman siya sa kanyang kontrata sa Kapatid network.

Bukod sa guaranteed contract ang kanyang pinirmahan, tumataas daw ang talent fee niya sa bawat TV project na gagawin niya sa istasyon.

Tumawa lang si Jay sa tanong kung "millions of pesos" ba ang halaga ng guaranteed contract niya sa TV5.

Karamihan daw kasi sa mga pinapipirmang talents ng TV5 ay malalaki ang talent fees at umaabot sa milyones.

"Hindi... hindi naman!" umiiling pero tumatawang reaksiyon ni Jay.

ANNABALLE'S LEGAL BATTLES. Si Jay ay isa sa mga alaga ni Annabelle Rama.

Nang gawin ni Jay ang Babaeng Hampaslupa ay bagung-bago lang siyang hina-handle ng controversial talent manager.

Punung-puno man ng kontobersiya ngayon si Annabelle dahil sa legal battle nito kay Nadia Montenegro, hindi naman daw naaapektuhan ang kanyang talents, gaya ni Jay.

May epekto lang daw kay Jay ang pangyayaring ito sa kanyang manager.

Saad niya, "Ako, siyempre nalulungkot ako. Dahil kumbaga, sa totoong buhay, nanay mo, nadadamay sa away.

"Siyempre, naapektuhan ka rin.

"Susuportahan mo lang siya dahil laban niya yun.

"Pero in fairness naman, hindi naman niya kami pinababayaan."

Hindi itinatanggi ni Jay na kaibigan din niya si Nadia. Pero hindi naman daw siya naiipit sa isyu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi. Wala namang ganon. Hindi naman kami dinadamay.

"Saka sila yun, e. Wala naman kaming problema.

"Ako, nakasuporta lang naman.

"Malalaman mo rin naman kung ano ba ang tama at mali."

WORK CONTINUES. Patuloy na sinasabi ni Jay na normal pa rin ang daloy ng trabaho nilang mga alaga ni Annabelle kahit nga nasa kalagitnaan ng sarili nitong giyera ang kanilang manager.

"'Pag ako nangangamusta, parang sinasabi niya na busy siya sa mga nangyayari.

"Pero kung bothered ako about sa work na ibinibigay niya sa akin, wala naman."

Wala raw natatandaan si Jay na nagsumbong sa kanya si Annabelle tungkol sa galit nito kay Nadia.

"Hindi naman niya sini-share sa amin. Pero naririnig ko na lang sa mga balita.

"Ang wife ko ang nagsasabi sa akin. Yung wife ko ang nakakapanood," kuwento niya.

Saludo raw si Jay sa pamamalakad ni Annabelle sa talents nito na gaya niya.

"Hindi lang ako, pati na sa mga ibang alaga niya na nauna sa akin.

"Na bawat talent niya, may nakatutok na P.A. [personal assistant] na hindi mo na kailangang tumawag ng wardrobe.

"Nakatutok na lang yun sa iyo, siya na lang ang kukuha ng damit.

"Ako naman, wala namang problema kahit wala akong P.A. dahil mabilis akong gumalaw.

"Kasi nga, nasanay naman ako sa mabilisang galaw.

"Saka kailangan lahat mabigyan ng trabaho para hindi natetengga.

"Ako nga, no'ng Babaeng Hampaslupa at Utol Kong Hoodlum, which is nagsabay, natengga rin naman ako ng almost six months.

"Natengga rin naman ako. Pero okey lang naman sa akin dahil baka inisip ng TV5, manawa yung mga tao.

"Buti sana kung palipat-lipat ako at hindi ako contract star ng TV5. E, hindi naman, e.

"Okey lang na pagpapahingahin ka at hanapan ka ng ibang project, which is 'eto nga [Isang Dakot na Luha].

"Magandang project naman ito at nagsama kami uli ni Ms. Alice Dixson," saad ni Jay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN