Zia Quizon on mom Zsa Zsa Padilla's bashers on Twitter: "People are just being mean for the sake of being mean. Para may masabi lang na masama."

IMAGE Melo Balingit

Zia Quizon on her desire to have her own album: "I guess, I'm just really relieved. Kasi, nag-promise ako sa sarili ko na, 'Okay, gagawa ako ng album. Kapag ayaw nila, ayoko nang i-force.' Yeah, I really promised myself because I know in this industry, especially in the Philippine music industry, it's very hard when you're different. You know, I wasn't very sure if people would embrace that. Pero hindi lang ini-embrace, people were really happy that there's something new and diffe


Si Zia Quizon ang nag-uwi ng tropeyo para sa kategoryang Favorite New Artist sa MYX Music Awards 2012 na ginanap kagabi, March 13, sa Music Museum.

Bukod sa kanyang napanalunang award, nominado rin si Zia sa mga kategoryang Favorite Female Artist at Favorite Song para sa hit song niyang "Ako Na Lang."

Bago ang pagbibigay ng awards, nakausap na ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Zia sa lobby ng Music Museum.

NEW ALBUM. Kahit baguhan pa lang sa music industry, hindi maikakailang marami ang humahanga at marami nang natatanggap na papuri si Zia.

"I guess, I'm just really relieved. Kasi, nag-promise ako sa sarili ko na okay, gagawa ako ng album.

"Kapag ayaw nila, ayoko nang i-force.

"Yeah, I really promised myself because I know in this industry, especially in the Philippine music industry, it's very hard when you're different.

"You know, I wasn't very sure if people would embrace that.

"Pero hindi lang ini-embrace, people were really happy that there's something new and different now.

"And I hope, that I can keep pleasing people with my music."

Bago pa man malaman ni Zia na siya ang nanalong Favorite New Artist, tinanong namin siya kung may expectation ba siya na makakasungkit ng award.

"A bit," pag-amin ni Zia.

"Nakatutok lang naman ang nanay ko [Zsa Zsa Padilla] at palaging nagti-text...

"'Okay, nag-start na ba? Nag-start na ba?'

"But I guess, she's just happy that I am nominated at saka alam naman niya how hard... not just I worked, but how hard she also helped and worked to help me where I am now."

Ang nananalo sa MYX Music Awards ay base sa text votes ng viewers at fans.

Pero noong mismong awards night ay hindi na nakasama ang mommy ni Zia at nasa bahay na lang dahil pagod sa shooting ng pelikulang I Do Bidoo Bidoo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TWITTER BASHING. Dahil ang ina niyang si Zsa Zsa na rin lang ang pinag-uusapan, tinanong ng PEP si Zia tungkol sa bashers ng mommy niya sa Twitter.

Matatandaang napilitang sumagot ng Divine Diva sa Twitter dahil sa panlalait ng ilan tungkol sa partisipasyon niya sa musical-variety show na ASAP.

(CLICK HERE to read related story.)

Ayon kay Zia, "Yeah, I got hurt din. Pero that's why I don't have a Twitter.

"Ako rin, I'm very sensitive.

"At saka, patapos na rin ang Budoy that time, they gotten really close, so medyo sensitive siya at that time.

"Tapos na ang Budoy and she's really tired nowadays because she's working so hard.

"I guess, talagang pumutok na lang siya.

"People are just being mean for the sake of being mean. Para may masabi lang na masama.

"And that one is not being constructive.

"If you're being honest and that's your opinion, then just fine.

"But if you're being mean just for being mean, then that hurts."

Hindi naman niya sinabihan ang mommy niya na tigilan na lang ang pagtu-Twitter?

"Hindi naman. I guess, she also enjoys kasi using Twitter.

"But I guess, that's the price you get for being open to people. You're also open to their criticisms."

DOLPHY'S HEALTH. Kinumusta rin ng PEP kay Zia ang health condition ng ama niyang si Mang Dolphy.

"He's okay naman. He's at home—relaxing at home.

"Just taking it easy rin kasi, you know, may edad na nga siya.

"He's just mostly at home at talagang kapag may gusto siyang makita, pupuntahan na lang siya and stuff like that.

"He's okay naman. He's doing fine."

Aware naman at nakikita ni Zia na may pagmamalaki ang ama sa mga positibong feedback na natatanggap niya sa pagpasok sa music industry.

"Naku, talagang... yung MYX nga kasi, there was this time na since he's at home na lang, then tapos, yung ako na lang... medyo bumu-boom na siya, palagi siyang nanonood ng MYX.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"As in hindi MYX ang tawag niya—'yung channel na may Zia.'

"'Papa, MYX yun ha, MYX ha? Huwag mo namang angkinin!'" natatawa niyang kuwento.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN