Zsa Zsa Padilla very proud "stagemother" to daughter Zia Quizon; amused by Yael Yuzon's sense of humor

IMAGE Noel Orsal

"Nakakatuwa na karamihan pa na lumalapit sa akin, e, kapwa ko mga artista. Very, very impressed sila kay Zia. I think it has to do with her style and her distinct voice," says Zsa Zsa Padilla about daughter Zia Quizon.


Tuluyan nang pumasok sa showbiz ang anak nina Zsa Zsa Padilla at Dolphy na si Zia Quizon.

Unti-unti nang nagkakapangalan si Zia bilang isang singer lalo na't naging big hit ang kanyang single na "Ako Na Lang."

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Zsa Zsa kung ano pakiramdam niya ngayong nakikilala na si Zia.

"Siyempre very proud," sambit niya.

"Sabi ko nga nung Bloggers' Night na, 'Thank you for making my dream come true to be a stagemother to Zia!'

"Dream ko yun. Sabi ko, hindi ko nagawa yun sa career ni Karylle, e.

"Nakakatuwa na karamihan pa na lumalapit sa akin, e, kapwa ko mga artista.

"Very, very impressed sila kay Zia.

"I think it has to do with her style and her distinct voice.

"Kasi, alam ko kasi, alto siya. Kasi in the Philippines, karamihan ay biritera, di ba?

"Even Karylle is a soprano.

"Very rare kasi ang alto na boses... Karen Carpenter, even Sharon Cuneta, di ba?

"Bihira kasi sa artist na simula pa lang siya sa career niya ay alam niya na yung style niya. Distinct na yung boses niya."

YAEL YUZON. Ano naman ang kanyang masasabi kay Yael Yuzon, na sinasabing boyfriend ng kanyang anak na si Karylle?

Nakakasama na rin ba nila si Yael sa family gatherings o mahahalagang araw ng kanilang pamilya?

Sabi ni Zsa Zsa, "Mabait naman siya. Wala naman kaming masyadong family gatherings.

"Mahilig ako sa spur-of-the-moment outings, e. Mero'n akong ganyan, e.

"Ano ako, e, may mga a day-trip to Hong Kong. Mga ganun lang. Pero walang masyadong family gathering.

"Pero nakapunta na si Yael sa house."

Sa tingin ba niya ay si Yael na ang makakatuluyan ni Karylle?

"Hindi ko masasabi, pero so far naman, naging mabait siya sa amin at magaan siyang kasama.

"You know what I like about Yael, maganda yung sense of humor niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"You know what, 'pag sinasabi mong Yael, nangingiti ako.

"Kasi meron kang kinukuwento sa kanya, sobra yung reaksiyon niya.

"Na para siyang bata na lumalaki talaga yung mata niya na nakikinig sa 'yo."

Kuwento pa niya, "Minsan nagpunta siya sa bahay from the airport.

"Sabi niya, pagdating ng house, 'Ang ganda ng bahay n'yo, parang Jurassic [Park].'

"Kasi pala yung fence... kasi nagpalagay ako ng electric fence dahil napasok kami before. So, mero'n kaming electric fence.

"Mero'n kaming CCTV [close circuit television, o parang surveillance camera], so tingin niya sa bahay namin, Jurassic.

"So, habang lumiliku-liko siya sa telepono, nakikita namin siya sa CCTV.

"Natutuwa kami sa kanya, sobra yung fascination niya na parang bata."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN