Gladys Reyes on marriage with Christopher Roxas: "Ay, perfect 10 na tumataginting!"

IMAGE File

Gladys Reyes on how happy she is as a wife to Christopher Roxas: “At hindi lang yung buhay may-asawa kundi yung sa kabuuan ng family life ko ay masayang-masaya. At isa ito sa mga ipinalangin ko sa Diyos nung hindi pa ako nag-aasawa na ibinigay Niya nang bonggang-bongga sa akin."


Sa June 23 ay ipagdiriwang ni Gladys Reyes ang kanyang ika-35 taong kaarawan.

Para sa TV host-actress, marami siyang dapat ipagpasalamat sa Diyos dahil hanggang ngayon ay aktibo pa rin siya sa kanyang pag-aartista na naging bread and butter niya at ng kanyang pamilya sa mahabang panahon.

Happily married si Gladys at sobrang ini-enjoy ng aktres ang pagiging ina sa kanyang tatlong anak at pagiging maybahay ni Christopher Roxas.

Ngayong madadagdagan na naman ang kanyang edad, ano pa ba ang wish o mga gusto pa niyang gawin sa buhay?

Saad ni Gladys, "Sobra-sobra na talaga ang mga blessing na ibinibigay ng Diyos sa akin.

“Maganda pa rin hanggang ngayon ang itinatakbo ng career ko at hindi ako nawawalan ng projects.

“Siyempre, hindi naman nawawala yung mga gusto pa natin sa buhay.

"Marami 'yan, e, pero maghintay lang at darating at darating ang mga ‘yan sa takdang panahon."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment portal) si Gladys noong June 7 sa taping ng kanyang show na Moments sa studio ng Net 25.

Dagdag niya, "Lagi ko namang ipinapanalangin na kahit hindi ko birthday, na sana God always protect my family and loved ones, maintain good health, at huwag mawalan ng trabaho dahil lumalaki na rin ang pamilya ko."

TV HOST. Isa sa ini-enjoy ngayon ni Gladys ay ang paghu-host. Regular siyang napapanood sa talk show na Moments ng Net 25 at semi-regular naman siya sa programang Juicy! ng TV5.

Sa pagiging aktres niya ay makailang ulit na rin siyang nabigyan ng award mula pa sa pagiging child star niya, pero gusto rin niyang ma-recognize bilang isa ring magaling na host.

"Isa sa mga goal ko, or sabihin na rin nating wish ko na rin sa birthday ko ay manalo ako bilang Best Celebrity Talk show Host this year.

“Marami na ring napanalunan ang Moments na awards at ang latest nga ay sa Star Awards for TV as Best Celebrity Talk Show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ayun, parang lalo akong na-inspire kasi ibang field na ito, e. Hindi na ito aktingan. Hindi na pag-arte.

"Kumbaga, hosting na ito na matagal ko na ring gustong gawin noon pa.

“Dahil talaga namang by nature ay madaldal ako. Mausisa ako na tuwang-tuwa naman ako dahil nagagamit ko ito ngayon sa trabaho as career.

“So sana lang, mabigyan din ako ng opportunity na makapag-host din ng ganitong tipo ng show na gaya ng Moments sa ibang network.

"Siyempre, Moments, dito na yun, e, Net 25 na yun. Siguro forever na ito at forever na ‘ko dito.

“Kaya nagpapasalamat ako sa management na binigyan ako ng ganitong tipo ng programa na malaking tulong sa ‘kin.

"Kasi, di ba, ang tingin na lang sa akin ng tao ay kontrabida sa mga palabas?

“Kumbaga, binago ng show yung sabihin na nating image ko bilang kontrabida.

"At sobrang natutuwa ako dahil malalaking personalidad na ang mga naging guest namin, na sa kanila ay hindi question kung magkano ang ibabayad sa kanila kundi makapag-share lang sila ng mga insights nila, ideas, family life, advice....

"At halos malalaking artista ay umapir na sa aming show."

DIFFERENT FIELD. Maraming naging karanasan at natutunan si Gladys sa pagiging TV host niya.

Aminado siya na minsan ay nakaramdam siya ng takot at pangamba lalo na noong nagsisimula siya sa bagong larangan na kanyang pinasok.

“Pero dahil na rin sa kanyang determinasyon at pagpupursigi, nalampasan niya ang mga problema na puwede niyang maranasan sa pagiging TV host.

"Sobra, talagang nangapa ako at kasama na doon yung kaba at takot kasi hindi naman talaga ito yung nakasanayan ko.

“Mula pagkabata ko kasi, sanay na sanay talaga ako na umarte.

"Pero alam mo, kailangan pala i-enjoy mo lang yung ginagawa mo at yun ang naging sikreto ko.

“At the same time, ibinigay ko yung sarili ko sa show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung ano yung mga mga experiences ko as mom, kung ano yung mga puwede kong i-share na tips, ibinahagi ko lahat sa audience ko.

“At unti-unti ay naging kumportable na ako. Of course, kailangan ko ring mag-aral, magbasa, para naman hindi ako mapahiya sa mga nanonood sa akin at sa mga guest ko.

“Hindi rin ako naging pormal masyado sa show kasi para maging kumportable yung mga iniinterbyu ko."

Sa mga naging guest niya sa show, kanino siya kinabahan nang husto?

"Kay Madam Imelda Marcos," sagot ni Gladys.

"Siyempre, kasi sino ba naman ako, di ba, na haharap sa isa sa malaking pangalan dito sa Pilipinas?

“’Tsaka noong ginawa ko yung interbyu, bago pa lang ang show nun at halos kakasimula lang.

“Pero she was very accommodating. She was very cooperative.

"At habang tumatakbo ang aming tsikahan ay nawawala na yung kaba ko.

"Akala ko masyado siyang mataas at mahirap i-please, pero mabait pala siya.

“At yung pag-welcome niya sa amin ay ramdam na ramdam ang kanyang sincerity.

“And after ko siyang mainterbyu, naramdaman ko na kaya ko nang humarap kahit na sino pang ipa-interbyu sa akin. Lumakas yung self-confidence ko after that."

DREAM GUESTS. Sinu-sino ba ang mga gusto pa niyang maka-one-on-one bukod sa mga malalaking personalidad na umapir na sa kanyang show?

"Halos lahat na ng big stars ay nainterbyu ko na... siguro gusto ko naman this time sina Senator Loren Legarda, Senator Miriam Santiago...

“Si Congressman Manny Pacquiao ‘tsaka misis niyang si Jinkee.

"Feeling ko, ‘andami nilang mase-share, lalo na yung ano ba sila sa likod ng pagiging politicians nila. Yung mga ganun.

"Looking forward na sana makatsikahan ko rin sila."

GLADYS AT HOME. Sa kabilang banda, masaya ring ikinuwento ni Gladys sa PEP ang kanyang buhay may-asawa.

Kahit busy silang pareho ng husband niyang si Christopher Roxas ay hindi nila nakakalimutan ang panahon at palaging may oras sila sa isa't isa sa piling ng kanilang mga anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, "Pinakaimportante mong maibibigay mo sa mahal mo sa buhay ay yung time.

“Yung materyal na bagay, secondary na lang iyan, e.

"Yung paggugol ng oras, panahon ng isang tao ay napakalaking bagay nun at yun ang hindi namin nakakalimutang mag-asawa.

"'Katuwa nga dahil kahit busy ang asawa ko sa taping niya ay palagi pa rin siyang may oras sa amin.

“Napansin ko nga na kina-career na niya ngayon ang pag-arte. Pero ang maganda kahit nasa trabaho siya ay palagi niya kaming tsine-check na mag-iina.

“Parang kasama lang namin dahil panay ang tawag at text.

"Nakikita ko namang nag-eenjoy siya kaya okay lang sa 'kin na naging active siyang muli.

“At take note, sunud-sunod ang mga projects niya at gustung-gusto niya ang mga character roles na napupunta sa kanya.

“’Tsaka yung asawa ko naman, puwede naman siya kahit anong roles.

"At ngayon ko lang nakita sa kanya na seryoso na siya sa kanyang pag-aartista.

“Pero lagi ko siyang pinaaalalahanan na dapat once a week ay may date kaming dalawa, na nagagawa naman namin linggo-linggo.

“Watching movies, kakain sa labas minsan with the kids. Pero maraming beses kaming dalawa lang or else!" natawa pang pahayag niya.

"Mga ganun lang, sine kasi mahilig ako manood. ‘Tapos siya mahilig kumain at alam niya yung mga kinakainang masarap kaya pinabaubaya ko sa kanya yung ganung bagay."

Kung ire-rate niya ng 1 to 10 ang pagsasama nilang mag-asawa? Ilang puntos ang maibibigay niya?

"Ay, perfect 10 na tumataginting!

"Of course, hindi maiiwasan na minsan may mga problema at hindi pagkakaunawaan, pero masasabi kong maligaya ako ngayon.

“At hindi lang yung buhay may-asawa kundi yung sa kabuuan ng family life ko ay masayang-masaya.

“At isa ito sa mga ipanalangin ko sa Diyos nung hindi pa ako nag-aasawa na ibinigay Niya nang bonggang-bongga sa akin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN