GMA-7 PR officer: "There is no negotiation going on between GMA and Mr. Pangilinan regarding the latter's acquisition of GMA-7"; MVP keeps mum

IMAGE Noel Orsal

Manny Pangilinan (in photo), according to current business buzz, is negotiating with the big bosses of GMA-7 to buy the Kapuso network.


Mainit na usap-usapan sa iba't ibang social networking sites ang balitang bibilhin ni businessman Manny Pangilinan ang GMA-7 Network.

Si Manny V. Pangilinan, o mas kilala bilang MVP, ang bumili noong nakaraang taon sa TV5, ang dating Associated Broadcasting Company (ABC 5), na pagmamay-ari ni Antonio "Tonyboy" Cojuangco.

Sinasabing may investments din si MVP sa ilan pang media establishments, gaya ng Philippine Star at Philippine Daily Inquirer.

At nito nga ay nababalitang gusto naman niyang bilhin ang Kapuso network, na sinasabing No. 1 or No. 2 television station ng bansa, depende sa kung sino ang nagbibidá.

Ang pinakamahigpit na kalaban ng Kapuso network (GMA-7) sa ratings at income ay ang Kapamilya network (ABS-CBN) ng mga Lopez. Ang Kapatid network (TV5) ay sinasabing third major player naman.

Ayon sa everythinginbudget.com, isang nagpapakilalang "marketing website," nakikipag-negosasyon sa kasalukuyan si MVP kina Atty. Felipe Gozon, GMA-7 chairman and CEO; Gilberto Duavit, Jr., GMA-7 president and COO; at Joel Marcelo Jimenez, GMA-7 board director.

Ito raw ay para bilhin ang GMA Network sa halagang "500 bilyong piso."

Gayunman, hindi pa raw natatapos ang negosasyon dahil ang ilang stockholders daw ay naghihintay ng mas maganda pang offer mula kay MVP.

Ayon naman sa sources ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), totoong may negosasyong nagaganap sa pagitan ni MVP at ng tatlong pamilyang may majority stocks sa GMA-7, ngunit di hamak daw na mas mababa ang offer sa table.

Nasa bilyones din daw ito, ngunit malayong-malayo raw sa 500 billion pesos.

RUFFA'S TWEETS. Tinatayang nagsimula ang usap-usapan nang mag-tweet sa kanyang Twitter account si Ruffa Gutierrez, isang TV5 talent, tungkol sa isang diumano'y "confirmed" property na bibilhin ni MVP.

Ayon sa kanyang post noong Disyembre 25, "Guess what MVP is buying next?? Found out last week through a little birdy but the few people I told didn't believe me. Now its CONFIRMEDDD."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matapos ng post na ito'y wala nang sinabi tungkol sa isyu si Ruffa, hanggang sa kumalat na ang usap-usapan na ang Kapuso network ang binibiling property ni MVP.

Ngunit ngayong araw, Disyembre 27, bandang alas dos ng hapon, may pahabol si Ruffa sa pamamagitan muli ng Twitter, na wala raw siyang binanggit sa kung ano ang bibilhing property ni MVP.

Aniya, "READ my tweet again. I never confirmed what MVP is buying! Kaya sa mga assuming, don't put words in my mouth. Yes and that includes you!"

Dagdag pa nito, "The possibilities of MVP's buying power is endless. At this point, his next investment could be ANYTHING."

May mga nagkomento naman na may pagka-self-serving ang mga tweet na ito ng Kapatid showbiz talk-show host.

Kapag pinuri raw kasi ni Ruffa ang sariling boss, lumalaking lalo ang imahe ng Kapatid network na kinabibilangan niya.

Pinalalabas rin daw ng mga tweets na ganito na ang may pondo upang makipaglabanan sa network war ay ang Kapatid station.

Maaari raw itong magdulot ng bandwagon effect, kung saan maaaring masuyo ang mga advertisers at stars na pumunta na sa TV5.

"NO NEGOTATION GOING ON." Kaugnay ng isyu ng pagbili at pagbenta ng GMA-7, naglabas na ng statement ang Kapuso station.

Sa pamamagitan ng text message ngayong araw, sinabi ng press relations officer ng GMA-7 na si Angel Javier sa PEP managing editor na si Karen Pagsolingan na walang katotohanan ang mga usap-usapan.

Ayon sa kanya: "There is no truth to the rumor going around in social media sites and the internet that Mr. Manny Pangilinan has bought GMA Network.

"In fact, there is no negotiation going on between GMA and Mr. Pangilinan regarding the latter's acquisition of GMA-7."

Bagama't itinanggi na ng Kapuso network ang naturang isyu, ayaw namang magbigay ng komento ni MVP tungkol dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa tweet ng ANC reporter na si Coco Alcuaz ngayong umaga: "Pangilinan declines to comment on GMA speculation, saying he's on 'half vacation mode.'

"Official statement to come in due course."

Mananatiling bukas ang PEP.ph sa paglathala ng reaksyon ng mga taong makakapagbigay-linaw sa isyung ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN