TV5 Chairman Manny Pangilinan reportedly makes offer to buy GMA-7 for P45 billion; GMA-7 President Jimmy Duavit clarifies Kapuso network "is not for sale"

IMAGE Abigail Mendoza & GMA-7

Manny V. Pangilinan (left) who heads TV5, PLDT and Smart Communications, reportedly made an offer to buy the GMA network for a cool P45 billion.


Mukhang matutuloy na ang balak na pagbili ng business tycoon na si Manny V. Pangilinan, o MVP, sa GMA-7.

Ito ay ang ipinapahiwatig ng balitang inilathala sa Philippine Star
noong Sabado, April 14.

Tumataginting na P45 billion pesos umano ang offer ni MVP para mabili ang Kapuso network.

Si MVP ang isa sa mga pinakamayamang tao sa Pilipinas.

Siya ang chairman ng ilan sa pinakamalalaking kompanya sa bansa—'tulad ng PLDT, Smart Communications, at TV5.

Ang GMA-7 naman ay isa sa mga pinakamalaking TV networks sa bansa.

Tatlong pamilya ang key shareholders nito: ang mga Gozon, Jimenez, at Duavit.

Matatandaang matagal na ang mga usap-usapang balak bilhin ni MVP ang GMA-7.

Sa katunayan ay tila inamin ito ng businessman sa isang panayam sa kanya noong nakaraang buwan, sa pagsasabing matagal na siyang nakikipag-negosasyon para rito.

(CLICK HERE to read related story.)



Ngunit kahit malakas ang bali-balita, ay itinanggi ito ng mga
stockholders ng Kapuso network.

Sa isang pahayag ay sinabi ni Atty. Felipe Gozon, chairman at CEO ng GMA-7, na wala pang diskusyong nagaganap.

(CLICK HERE to read related story.)

Aniya, “We are flattered by the expression of continued interest on the part of MVP. However, there has been no price offered that could form the basis of discussion between the parties.”

Kaya naman hindi na nakakagulat ang balita ngayon na may ino-offer na presyo na umano si MVP para bilhin ang network.

Ayon muli sa Philippine Star, ang P45 billion ay para umano sa
100-percent stake sa kompanya.

Ibig sabihin, makukuha ni MVP kung sakali, ang shares nina Gozon, Jimenez, Duavit, at iba pang maliliit na shareholders.

Ngunit idinagdag ng pahayagan na P55 billion ang hinihingi ng majority na mga shareholders.

Payag na rin umano ang mga Jimenez at mga Duavit na pakawalan ang kanilang shares, samantalang hindi pa pumapayag si Atty. Felipe Gozon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagpapatuloy ng report, nag-offer na umano ang PLDT group ng P14 billion para sa GMA-7 noong 2001, ngunit hindi ito kinagat ng shareholders ng network.

Bukod pa rito ay sinabi pa ng report na halos 40 percent ang ibinagsak ng kita ng network noong 2011, dahil sa pagbawas ng malalaking kompanya ng ad spending, at pagkawala ng political advertisements, na talamak noong 2010 national elections.

Thirty-nine percent ang ibinagsak ng kita ng GMA-7, mula P2.8 billion noong 2010 hanggang sa P1.715 billion noong 2011.

GMA NETWORK ISSUES STATEMENT. Samantala, nilinaw naman ni GMA Network President and Chief Operating Officer Gilberto R. Duavit, Jr. ang inilabas na artikulo ng Philippine Star sa pamamagitan ng official statement na ipinada sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong araw, April 16.

Pinabulaanan ni Mr. Duavit na dalawa sa tatlong major stockholders daw ng GMA-7 “are already amenable to selling their respective 33-percent stake.”

Diin niya, “We are presently not in serious negotiations with the PLDT group as we have not yet received an offer price that is acceptable to us.

"The Network is not for sale but that is not to say it may not be sold, depending on the offer price."

Nilinaw rin ni Mr. Duavit na ang pagbenta ng GMA-7 sa PLDT group ay muntik nang mangyari noong 2001 dahil sa pagpirma ng Memorandum Of Understanding sa pamamagitan ng mga may-ari ng network at ng nasabing grupo.

Nabanggit din ng Kapuso executive na may mga napagkasunduan na noon ang owners kaugnay ng pricing at sale ng majority stake, taliwas sa report na lumabas sa national daily.

Pero hindi raw natuloy ang transaksiyon dahil sa "issues encountered by the buyer, and not because of a disagreement on the indicated P14 billion price."

Narito ang kabuuang statement ng GMA Network:

GMA Network President and Chief Operating Officer Gilberto R. Duavit, Jr. clarified certain points raised in a news article by Mary Ann Ll. Reyes published in the Philippine Star last April 14 headlined "MVP offers up to P45 B for GMA Network.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Duavit said that it is not true that two out of the three major stockholders of GMA “are already amenable to selling their respective 33-percent stake."

He added that the major and controlling shareholders have not yet received a price that is acceptable to them. “We are presently not in serious negotiations with the PLDT group as we have not yet received an offer price that is acceptable to us. The Network is not for sale but that is not to say it may not be sold, depending on the offer price,” Duavit reiterated.

Duavit also clarified that the sale of GMA to the PLDT group nearly occurred in 2001 with the signing of a Memorandum Of Understanding between the owners and the said group. He mentioned that there were agreements already reached then among the owners on both pricing and a sale of a majority stake, contrary to the news article. The transaction, however, did not materialize due to issues encountered by the buyer, and not because of a disagreement on the indicated P14 billion price.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN