Part 1 Grace Ibuna on being tagged as "mistress" of Iggy Arroyo: "Nasaktan ako because I know the truth."

IMAGE Courtesy of Garie Concepcion

Grace Ibuna on Aleli Arroyo being the real wife of Iggy Arroyo which leaves her as the other woman: "Alam naman natin ang ibig sabihin ng kabit, di ba? Buksan mo ang Oxford, Webster, Merriam Dictionary, Wikipedia... buksan n'yo. Ang ibig sabihin ng kabit, nagsasama pa ang dalawang tao sa iisang bubong, they still share one common bed at ikaw ay tinatago. Yun ang mistress. Yun ang kabit. Alam naman ng lahat at siya [Aleli] pa ang nag-announce na hiwalay na sila. At siya ang nakipag


Isang linggo pagkatapos ng live interview ni Garrie Concepcion sa The Buzz, ang kanyang ina naman na si Grace Ibuna ang nagpaunlak ng panayam sa host na si Boy Abunda

Ipinalabas ang taped interview ni Boy kay Grace kahapon, March 11.

Si Garrie ay anak ni Grace sa aktor na si Gabby Concepcion.

Naging kontrobersiyal muli ang pangalan ni Grace dahil sa biglaang pagkamatay ni Negros Occidantal Representative Iggy Arroyo noong Enero 26, 2012, sa London, England.

(CLICK HERE to read related story.)

Si Grace ang kinikilalang karelasyon at kasama hanggang sa kamatayan ng kongresista.

Pero kasunod ng biglaang pagpanaw ni Iggy ay ang paglitaw ng kanyang legal wife na si Aleli Arroyo.

Nagkaroon ng pagtatalo sina Grace at Aleli hinggil sa pagdedesisyon kung saan ililibing ang mga labi ng nakababatang kapatid ni dating First Gentleman Mike Arroyo.

Sa huli ay nagparaya na lang si Grace para si Aleli ang na ang magdesisyon sa paglilibing kay Iggy.

Pero hindi doon nagtatapos ang kontrobersiya dahil balitang halos lahat ng kayamanan ni Iggy ay kay Grace daw nito iniwan base sa last will and testament nito.

Ayon din sa balita, diumano'y idedemanda ni Aleli si Grace dahil sa pagpapatanggal nito ng life support ng kongresista .

GABBY AND GARRIE. Ayon kay Boy, kapag sinabing Grace Ibuna, ang unang pumapasok sa isipan ng mga tao ay "Gabby Concepcion" o "mommy ni Garrie."

Reaksiyon naman dito ni Grace: "It's true, what can I say? I am indeed the mom of Garrie and Gabby is the father of my child."

Sa pagkakaugnay niya noon kay Gabby, gaano kalaki ang naging partisipasyon niya noon sa showbiz?

Sabi ni Grace, "Well, marami rin naman akong naging kaibigan, I must say, and I was very much involved."

Hindi ba sumagi sa isipan nito noon na mag-artista o kaya mag-produce?

"I have offers. But I just felt at that time showbiz was not for me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I'm always nga mistaken [na artista ako]. But no, I guess, I'm just pretty much involved maybe because it's Gabby Concepcion.

"Gabby is Gabby and he was really the matinee idol that we had before."

Kumusta ang relasyon nila ngayon ni Gabby?

"We're keeping a good relationship for Garrie," sagot niya.

BREAKING HER SILENCE. Noong mga nakaraang linggo ay maraming naglabasan tungkol kay Grace, pero nanatili siyang tahimik.

Ano ang nag-udyok sa kanya para basagin ang kanyang katahimikan?

"To be consistent, Boy," sagot ng businesswoman.

"Noong kamamatay lang ni Iggy, I promised na I really wanted a dignified burial for him.

"Hindi ko naman 'to gusto. Kasi, parang ayokong patulan. What for, Boy?

"And the truth is, I was grieving.

"Sobrang sakit, hindi mo maintindihan kung saan nanggagaling yung sakit."

May time ba na nasa harapan siya ng labi ni Congressman Iggy at nagsusumbong siya dahil parang hindi na niya kaya ang sakit?

"Madalas," nakangiting sabi ni Grace.

"Natural na sa akin na kapag mabigat ang pakiramdam ko, sa kanya talaga ako tumatakbo.

"He was my knight in shining armor.

"Sa kanya ko naramdaman yung unconditional love.

"Sinasabi ko sa kanya na sana, samahan niya lang ako. Just like before, as if nandito siya."

Sa palagay kaya ni Grace ay gugustuhin din ng namayapang congressman na manahimik muna siya at huwag patulan ang isyu?

"Hindi," sagot niya.

"I know him and nagpaalam ako sa kanya na sana maintindihan niya na ginagawa ko 'to hindi para sa akin—sa pamilya ko rin, sa magulang ko na may edad na, na nagkaka-nightmare na... sa tatlong mga anak ko.

"To set the record straight, pati mga kapatid ko... for that, apektado.

"Lahat ng pamilya ko, apektado."

Galit ba ang mga ito?

"I cannot speak for them. Pero ako, sasabihin ko, hindi ako nagagalit."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At marahil, patungkol kay Aleli: "Naaawa ako sa kanya because she must have had a very bad childhood.

"She seems to be so bitter with her life."

HER LIFE. Gaano kaespesyal si Congressman Iggy sa kanya?

"He was my life, Boy."

Sa mga anak naman niya, ano sa kanila si Congressman Iggy?

"My children said anything just to make him live.

"In fact, my youngest daughter offered her liver.

"Sinabi niya lang na, 'I'm willing to give my liver in order for my Dada to live.'"

Nalaman yun ni Congressman?

"Kaharap siya. Naiyak siya," tugon ni Grace.

Bakit mahal ng mga anak niya si Congressman Iggy?

"We were family Boy, plain and simple.

"We were an unorthodox family but we were a family."

Her best time with the late congressman?

"Every day was my best time with him without a doubt."

Ano ang mga sinasabi sa kanya ng congressman?

"He loves me. Meron pa bang mas higit pa doon, Boy? Unconditionally.

"At minahal niya rin ang mga anak ko."

Ano ang pinaka-challenging part sa buhay nila?

"Just when we were in London, noong nagpapagamot na siya.

"The treatment was a radical treatment just to particularly cure that radical disease—his liver.

"But there were other complications and there will be days na he's okay but there will be days na he was not.

"Yung mga side effects kasi ng gamot was really bad.

"Kunyari, alas-singko niya kailangang kumain ng breakfast to take a medication.

"Alas-kuwatro, gising na 'ko para maghanda ng breakfast niya because it had to be taken with meal."

Dugtong pa niya, "There was a time, inabot siya ng cramp while we were watching a movie. I had to carry him literally.

"I don't know where I got my strength. Pinasan ko siya sa likod."

Sa mga ganoong pagkakataon, ano ang nasasabi niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Minsan gusto niyang mag-give up, pero madalas, sinasabi niya,'I wanted this for you.'

"Sinasabi niya sa mga kaibigan namin doon sa London na naaawa na siya sa akin.

"Na ako ang nakakapagtiis ng different phases of what he's going though."

THE BODY. Bakit sila nagtagal sa London at hindi naiuwi kaagad ang labi ni Iggy?

Ayon kay Grace, "Naka-book na kami, Boy, pauwi. Siguro four days matapos na mamatay siya.

"Pero alam mo naman na may dumating na dalawa. Sinabi pa nila na iba-ban nila 'ko... lahat.

"And the truth is, meron siyang [Iggy] iniwan na medical will. And ayokong makasakit.

"And ang bilin niya is ayaw niyang mapunta ang katawan niya sa kanya [Aleli].

"So, noong sinabi niya [Aleli] na, 'Pupunta 'ko, kukunin ko ang katawan.' Ganyan, di ba?

"I had to seek for judicial help para masunod ang wish ni Iggy.

Diin pa ni Grace, "Boy, sana maintindihan ng lahat na lahat ng ginawa ko, 'til today, lahat yun, para kay Iggy."

Labas ang usapang legal, pero nang marinig niya na merong ibang gustong kumuha ng labi ni Iggy, ano ang nararamdaman niya noon sa puso niya?

"Bakit ngayon? Hiwalay ka na, e. Hiwalay na sila, Boy.

"Siya [Aleli] ang nag-file ng legal separation of properties.

"There is an ongoing annulment. Hindi na sila nagsasama sa isang bubong.

"Siya [Aleli] ang nag-file ng TRO [temporary restraining order] for Iggy not to go near his own home for how many years.

"Siya ang lumabas sa TV. Hindi kami, hindi ako. Hindi si Iggy.

"Hindi lumaban si Iggy.

"Kung kailan patay na yung tao, saka mo kukunin? 'Tapos, patay na yung tao, iinsultuhin mo pa?

"Bakit Boy? Bakit pagkatapos ng ilang taon? Bakit ngayon?"

THE ACCUSATIONS. Sa pagkamatay ni Iggy, kung anu-ano rin ang mga ibinatong paratang o tawag sa pagkatao ni Grace.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa na nga rito tinawag siyang "kabit" o "other woman."

Ano ang masasabi niya rito?

"Alam naman natin ang ibig sabihin ng kabit, di ba?

"Buksan mo ang Oxford, Webster, Merriam Dictionary, Wikipedia... buksan n'yo.

"Ang ibig sabihin ng kabit, nagsasama pa ang dalawang tao sa iisang bubong, they still share one common bed at ikaw ay tinatago.

"Yun ang mistress. Yun ang kabit.

"Alam naman ng lahat at siya [Aleli] pa ang nag-announce na hiwalay na sila. At siya ang nakipaghiwalay.

"At ikaw ang pinapakilala sa mga tao, kabit ba yun?"

Pero masakit matawag na "kabit"?

"Ang sakit no'n, Boy. Lalo na sa magulang ko because they know the truth.

"Nasaktan ako because I know the truth.

"Tingnan mo kung sino ang mga nagsasalita.

"Tanungin mo kung ano sila.

"Baka sila, guilty sila. Hindi ako."

CLICK HERE to read Part 2.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN