Christian Bautista gives update on alleged deportation from Indonesia; hopes Kitchen Musical wins awards in New York Festivals

IMAGE Sany Chua

Christian Bautista on The Kitchen Musical's nomination in New York Festival: "Sana manalo kami."


Nagbigay ng update si Christian Bautista tungkol sa napaulat na pagkaka-deport niya sa Indonesia noong isang buwan nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang mediasa launching ng kanyang album na First Class Outbound: Expanded Edition kahapon, February 28.

(CLICK HERE to read related story.)

Ayon sa singer-actor, "Last week po, a few weeks ago, pumunta po ako sa Indonesian Embassy dito.

"'Tapos sabi nila, 'Don't worry Christian, you're not blacklisted, you're not ano...'

"Ano lang, meron lang inaayos yung mga Indonesian Embassy, plus yung Immigration din.

"So actually po, hindi ko pa po masyadong naaasikaso because of this album and the concert."

Ang tinutukoy na concert si Christian ay ang Love and Laughter nila ni Karylle na gaganapin mamayang gabi, February 29, sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World Manila.

"So, baka po March ko pa siya maasikaso ulit," sabi niya.

THE KITCHEN MUSICAL IN NEW YORK FESTIVAL. Lumaki naman ang ngiti ni Christian ang tanungin naman tungkol sa nominations na nakuha ng The Kitchen Musical sa New York Festival TV and Film Awards.

Ang The Kitchen Musical ay isang Pan-Asian TV series kung saan karamihan ng cast members ay Pinoy; kabilang na nga sina Christian at Karylle.

Nominado ang The Kitchen Musical sa mga kategoryang Best Performance at Best Writing.

Gaganapin ang awards night sa April 17.

"Sana manalo kami," sambit ng singer-actor.

"Sana ma-recognize kami sa America.

"Gusto ko kasi pumunta sa New York, e. Kahit yun lang, makapunta ako ng New York.

"Sana manalo kami."

Kailan at saan niya narinig ang magandang balita?

"Sa Twitter a few days ago.

"So, 'pag nanalo kami, 'Wow!' Ano na kayang mangyayari?"

Magkakaroon daw ng U.S. version ang The Kitchen Musical pero hindi na sila ang mga bida.

"Pero kung ito ay magpu-fuel ng second season, why not?" sambit niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN