FHM cover girl Bela Padilla: "I'm gonna have my own moment, but it's not here yet."

IMAGE Noel Orsal

Bela Padilla on controversial FHM cover: "I'm not sure if that is a good thing or a bad thing. But a lot of people are telling me it's good. So by nature kasi I'm a very positive person. So I want to forget first all the negativity I'm hearing and I'm trying to focus on everything positive right now. So, I don't know, I'm just taking things one step at a time, and I don't know, e, I feel like it's all gonna pass din naman."


Masaya si Bela Padilla sa sunud-sunod na proyekto niya sa GMA-7.

Bukod kasi sa kanyang afternoon soap opera na Hiram na Puso ay ipapalabas na ang pelikulang My Kontrabida Girl, kung saan makakasama niya sina Aljur Abrenica at Rhian Ramos.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Bela kaninang tanghali, Marso 1, sa presscon ng My Kontrabida Girl sa 17th floor Executive Lounge ng GMA Network sa Timog Avenue, Quezon City.

NOT YET HER PEAK. Sinabi niya sa amin na bagamat sunud-sunod ang kanyang proyekto sa Kapuso network, pakiramdam niya'y hindi pa ito ang "peak" ng kanyang career.

"I can honestly say na I haven't reached my peak yet, this is not my peak yet.

"I'm climbing up pa lang.

"So, mas aabangan siguro nila 'yong talagang 'pag moment ko na... hindi ko pa feel na moment ko na ngayon.

"I'm gonna have my own moment, but it's not here yet," saad ng 21-year-old Kapuso talent.

SEXY BELA. Samantala, bukod sa kanyang mga proyekto sa GMA-7, naging abala rin si Bela para sa cover shoot niya sa nangungunang glossy men's magazine na FHM.

Si Bela ang cover girl para sa March at anniversary issue ng FHM ngayong taon.

Ayon sa young actress, noong nakaraang taon pa siya kinukuhang maging cover girl, pero ilang beses niya raw itong tinanggihan.

Paliwanag ni Bela, "I backed out the last minute because I wasn't ready yet.

"I don't want to give people half-big performances.

"So, it's unfair to FHM kasi they'll gonna spend a lot, 'tapos mukha kang hindi ready, di ba?

"So, I wanted to give them a performance na they'll remember—and I think I've achieved that naman."

CONTROVERSIAL COVER. Marami ang nakapuna sa magandang pangangatawan ni Bela sa nasabing cover ng FHM.

Wala naman daw masyadong naging preparasyon ni Bela dahil nalaman niya ang tungkol dito dalawang linggo bago ang photo shoot nila sa Batangas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero thankfully, I wasn't trying to lose weight at that time, medyo prepared naman 'yong body ko.

"Actually I don't gain ng weight naman ng too much, kaya I was ready naman.

"I jogged a couple of times sa UP... that was my preparation."

Kung marami ang pumuri, naging kontrobersiyal din ang original cover photo niya.

Naging usap-usapan ang pagiging "racist" diumano nito dahil sa pagkakasama ng black models sa cover at sa blurb na "Bela Padilla: Stepping Out Of The Shadows."

(CLICK HERE for related article.)

Gayunman, nanatiling positibo si Bela sa likod ng mga kontrobersiyang ito.

Aniya, "I'm not sure if that is a good thing or a bad thing. But a lot of people are telling me it's good.

"So, by nature kasi I'm a very positive person.

"So, I want to forget first all the negativity I'm hearing and I'm trying to focus on everything positive right now.

"So, I don't know, I'm just taking things one step at a time, and I don't know, e.

"I feel like it's all gonna pass din naman."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN