Bela Padilla hopes to maintain current spot in FHM Philippines' 100 Sexiest Women partial vote rankings

IMAGE Sany Chua

Nang mabalitaang magdadaos ng voting party si Ellen Adarna para ikampanya ang sarili sa FHM Philippines 100 Sexiest Women, nagbiro si Bela Padilla na kailangan din niyang magpa-party upang hindi matanggal sa Top 10 ng listahan. Ayon kay Bela, nasa ika-walong puwesto siya ngayon base sa partial votes. Umaasa naman siyang makapasok pa rin sa Top 10 sa pagtatapos ng botohan sa Hunyo 5.


Bukod sa pag-arte at pagmo-modelo, isa rin sa pinagkakaabalahan ngayon ni Bela Padilla ang pagsusulat.

Isa siyang kolumnista sa youth section ng daily broadsheet na Manila Bulletin at di kalaunan ay magkakaroon na rin siya ng blog sa isang website.

Matagal na palang hilig ni Bela ang pagsusulat at masaya siya dahil matutupad na niya ang isa sa kanyang pangarap.

“Actually, what I want nga, kasi the first article I wrote for Bulletin was an interview type, so I want din something like that [for my blog].

“Parang ‘A day in the life of,’ iyong gano’n.

“I know a lot of people have been doing that, pero I feel like if it comes from the point of view of an artista also, you can relate more to the other artista I’m interviewing.”

Bukod sa pagsusulat ay mahilig din daw magbasa si Bela.

Isa nga sa kanyang paborito ay ang Cosmopolitan Philippines Magazine na nagdiwang ng ika-15 anibersaryo sa NBC Tent sa The Fort, Taguig, kagabi, Mayo 17.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Kapuso actress, sinabi nito na nais niya sanang maging cover girl din ng naturang magazine.

“I hope so. I love reading Cosmo so I hope [they’ll put me on their cover]. Maybe one day. Let’s see.”

FHM SEXIEST. Samantala, isa pa rin sa pinagkakaabalahan ni Bela ngayon ay ang pangangampanya para sa FHM Philippines 100 Sexiest Women of the World.

“Right now po, I think I’m at number eight.

“I’m very happy [because] this is the first time na nakapasok ako sa Top 8.

“Well, actually, last year lang naman ako unang naka-join sa list so, at least, second time ko pa lang ay nasa Top 10 na ako.

“So, I’m hoping, alam mo 'yon, na mag-stay ako sa Top 10.”

Ano ba ang mga hakbang na ginagawa ni Bela upang ikampanya ang sarili?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“As much as I can, like kapag nakikita ko na nagtu-tweet sila Sam [Pinto], sila Ellen [Adarna], nagtu-tweet na rin ako ng, ‘Okay, please vote for me.’

“Kasi parang hindi ko alam kung gaano kadami lang ba iyong puwede kong gawin [para sa kampanya].

“Parang nahihiya naman akong mag-effort ng todo. Pero, ayun, sana i-vote nila ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN