Bela Padilla on entertaining suitors: "Parang hindi ako masyadong kinikilig ngayon.”

IMAGE Melo Balingit

“Next time kung magkakaroon ulit ako ng boyfriend, gusto ko, siya na talaga. Actually, iyon naman talaga ang iniisip ko from the start—gusto ko kung sino ‘yong boyfriend ko, iyon na talaga until the end. Ayoko ng palit nang palit ng boyfriend. Ayoko na sabihin ng mga tao, ‘Nai-date ng lahat ‘yan!’ Ayoko ng gano’n. Naghihintay ako ng right person. Ayoko no’ng… parang lahat na lang, naging boyfriend


Magtatapos na ang panghapong serye ng GMA-7 na Hiram Na Puso, kung saan gumaganap si Bela Padilla bilang ipina-ampon na twin sister ng bida ritong si Kris Bernal.

Hindi pa raw alam ng dalaga kung ano ang susunod niyang project. Wala pa raw sinasabi sa kanya ang Kapuso Network.

“Kasi matagal pa naman. Hanggang June pa naman ‘yon kaya siguro wala pang nababanggit sa akin,” pahayag ni Bela nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa backstage ng Party Pilipinas kahapon, May 27.

JOINING A BEAUTY PAGEANT. Nangiti si Bela nang punahin ang mas sumeksi pa niyang katawan bukod sa maputi at flawless niyang balat.

Maiksing maong shorts kasi ang suot niya na katerrno ang isang very revealing tops na labas ang kanyang tiyan. Iyon daw ang costume nila sa kanilang production number.

Sinasadya ba niyang magpa-sexy nang husto dahil sa napapabalitang plano niyang pagsali ng beauty contest?

“Kung sasali ako, siguro next year na po. Kasi parang marami namang magagandang nangyayari sa career ko this year.

“Meron akong lumabas na endorsements. So, gusto ko munang mag-focus do’n. Kung paano ko sila mapu-promote nang tama.”

If ever, saang beauty pageant ba niya pinaplanong sumali?

“Ang dream ko talaga, sa Binibining Pilipinas.

“Pero hindi ko alam sa ngayon kung saan ako nababagay. Hindi ko pa napi-feel talaga.”

Pero pinaghahandaan na nga niya?

“Yesss! Hindi… joke lang!” sabay tawa niya.

NO BOYFRIEND. Kapansin-pansing blooming din ang kanyang beauty. May boyfriend na ba ulit siya?

“I don’t have a boyfriend!” nangiti niyang tanggi.

“Wala po. Wala talaga.”

Mga manliligaw?

“Meron naman. Hindi naman siguro ako gano’n kapangit para mawalan ng suitor!” tawa niya ulit.

Nag-e-entertain siya ng suitors ngayon?

“A… nagre-reply ako sa text kung minsan. Pero ewan ko, e... parang hindi ako masyadong kinikilig ngayon.”

Dahil ba sa kanyang past relationship with Jason Abalos kaya siya tila tinabangan na magkaroon ulit ng bagong lovelife? Kaya nahihirapan siyang mag-move on?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“No naman. Naka-move on naman ako nang tamang-tama.

“Pero I guess it’s not the right time.

“Kasi kung do’n [sa naging relationship nila ni Jason] nga, parang hindi nag-work, baka hindi pa rin ako ready ngayon.

“I feel young. Parang naaasiwa ako ngayon pagdating sa mga boys!” tawa na naman ng 21-year-old actress.

Dagdag ni Bela, “Next time kung magkakaroon ulit ako ng boyfriend, gusto ko, siya na talaga.

“Actually, iyon naman talaga ang iniisip ko from the start—gusto ko kung sino ‘yong boyfriend ko, iyon na talaga until the end.

“Ayoko ng palit nang palit ng boyfriend. Ayoko na sabihin ng mga tao, ‘Nai-date ng lahat ‘yan!’ Ayoko ng gano’n.

“Naghihintay ako ng right person.

“Ayoko no’ng… parang lahat na lang, naging boyfriend ko."

Sobra ba siyang nasaktan do’n sa pakikipagrelasyon niya with Jason?

“No naman. Hindi, e. Hindi naman. Okey naman ako.

“Matagal na rin! Two years na. Naka-move on na ako.

“Ngayon, feeling ko mature enough na naman ako.

“Pero hindi pa talaga, e. Wala akong napi-feel na right person right now.

“Sa mga nagpaparamdam sa akin, parang wala pa.

“Gusto kong mag-concentrate muna ngayon sa career.

“I know, cliché na ‘yan, na lahat ng artista sinasabi ‘yan.

“Talagang masyado akong driven ngayon. Masyado akong focused. So, ayokong sirain.

“Kaya nga hindi ako nagpapaasa sa mga nanliligaw sa akin. Hindi ako naggagano’n.

“Sa umpisa pa lang, sinasabi ko nang, ‘Ooops, ayokong mag-boyfriend!” sabay tawa na naman ni Bela.

“Kapag may nag-text sa akin, iyon na kaagad ang sinasabi ko. Para… alam mo ‘yon?

“Ang hassle kasi kung hinihintay ka. So, sinasabi ko na kaagad.”

ACTING AND MODELLING. Sumasabak din siya sa modelling. Pero acting pa rin daw ang mas binibigyan niya ng priority.

“Acting talaga. Acting above all else—iyon ang favorite ko sa lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi feeling ko, sa modelling, alanganin ‘yong height ko.

“Parang I’m in between. I’m 5’ 6”, e. I’m not tall, I’m not short.

“I mean I’m tall for a Filipina. Pero sa modelling world, sakto lang ako.

“So I don’t feel like I’m tall enough.”


TITA BB. Lagi raw silang nagkakausap ng dating uncle, pero ngayon ay tita na niyang si BB Gandanghari, na matapos hubarin nito ang katauhan bilang si Rustom Padilla ay sumasabak na rin sa modelling.

Kuwento ni Bela, “We were together nga recently.

“We’re close. Super close naman. Okey naman kami.

“Ano ang tawag ko sa kanya? Tita. Tita BB,” napabungisngis na sabi ni Bela.

Ano ang advice sa kanya ng Tita BB niya kung modelling ang pag-uusapan?

“Magpapayat daw ako!” tawa ng Kapuso young actress.

“Mataba pa raw ako sa lagay na ito kaya kailangan ko pa raw magpapayat!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN