Toni Gonzaga gets emotional during interview with Joey de Leon

IMAGE Noel Orsal

Toni Gonzaga on the possibility of transferring to another network: "Alam mo, isa lang ang natutunan ko dito sa industriyang ito—na hindi mo maipapangako ang loyalty mo sa kahit na anong istasyon at kahit anong programa. Ang loyalty ko ay nasa pamilya ko. Kasi, at the end of the day, showbiz industry...this will all come and go—'yong kasikatan o 'yong karangyaan. Pero ang maiiwan sa lahat, 'yong pamilya mo. Kaya kung saan masaya ang pamilya ko, kung saan nil


Napakasarap daw ng pakiramdam ni Toni Gonzaga dahil sa kanyang panalo bilang Best Female TV Host sa nakaraang 25th Star Awards For Television ng Philippine Movie Press Club (PMPC).

Nanalo si Toni para sa ASAP Rocks.

Masayang-masaya siya na mabigyan ng recognition sa larangan ng TV hosting kung saan siya natuto at nahasa nang husto.

"Isang malaking karangalan iyon para sa akin," ani Toni nang makakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa The Buzz kahapon, November 27.

INTERVIEW WITH JOEY DE LEON. Nakausap ng PEP si Toni pagkatapos niyang ma-interview nang live si Joey de Leon, na first time nag-guest sa The Buzz para mag-promote ng pelikulang Won't Last A Day Without You nina Sarah Geronimo at Gerald Anderson.

Ginagampanan ni Joey sa naturang pelikula ang papel bilang ama ni Sarah.

Dati namang magkasama sina Toni at Joey sa Eat Bulaga! bago lumipat ang TV host-actress sa ABS-CBN.

Sa umpisa pa lang ng panayam niya kay Joey ay naiiyak na si Toni. Bakit nga ba siya emotional sa paghaharap nilang iyon?

Paliwanag ni Toni, "Kasi, hindi ko naman akalain na darating ang araw na mai-interview ko siya, e. At magkakasama ulit kami sa iisang entablado."

Inamin ni Toni na noong umalis siya sa Eat Bulaga! at lumipat sa ABS-CBN, iniyakan niya na nagalit sa kanya si Joey.

Paano ba nagalit sa kanya ang veteran comedian-TV host noong mga panahong yun?

"Hindi...Sinabi naman sa akin ni Ate Ruby [Rodriguez, isa sa mga co-host sa Eat Bulaga!] na, 'Hindi naman talaga galit sa 'yo si Tito Joey, inaasar ka lang no'n.'

"Na siyempre raw, sa loob-loob ni Tito Joey, masaya siya na malayo pa ang puwede kong marating.

"Na...nangyari naman. Nakarating ako dito sa Mother Ignacia!" natawang biro ni Toni, na ang tinutukoy ay ang lugar kung nasaan ang ABS-CBN compound.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung sabagay, nasabi rin ni Joey na kung hindi umalis si Toni sa Eat Bulaga! para lumipat sa Kapamilya network ay baka wala siya sa kanyang estado ngayon bilang si Toni Gonzaga.

"Baka daw EB Babes ako... sabe!" tawa ni Toni.

"E, totoo naman talaga 'yon. Di ba, sometimes you have to take risks in life para malaman mo kung hanggang saan 'yong kaya mong abutin?

"So, iyon din lang naman ang ginawa ko.

"And gaya nga ng sinabi ni Tito Joey, sila rin naman, nanggaling din sila doon sa mga risks na tineyk nila from different channels—from Channel 9, Channel 2, Channel 7.

"I think I've also learned so much from him."

SWAP GUESTING. Nag-guest si Joey de Leon sa The Buzz. Puwede rin kaya siyang mahiritang mag-guest minsan sa Eat Bulaga!, lalo't hanggang ngayon ay itinuturing pa rin siyang kapamilya sa nasabing noontime show ng GMA-7?

"Ang tagal ko nang hinihintay ang pagkakataon na 'yan," nangiti si Toni.

Pahabol niya, "Pero hindi ko alam kung possible dahil may Happy Yipee Yehey!. Parang sinagasaan ko niyan ang sarili ko!"

Magkatapat ang timeslot ng Eat Bulaga! ng GMA-7 at Happy Yipee Yehey! ng ABS-CBN.

Speaking of Happy Yipee Yehey!, bakit hindi mamatay-matay ang tsismis na nanganganib nang mamaalam sa ere ang kanilang programa?

"Ay, hindi ko alam!" bulalas ni Toni.

"Kasi ako naman, e, nagtatrabaho lamang. At kung ano lang ang ibinibigay sa akin na trabaho ay pinagbubuti ko.

"Kung hanggang saan, hanggang kailan, it's management's decision.

"Basta ako, ang abot ng aking makakaya ay ang trabaho ko, ibigay ko 'yong best ko at ibigay kung ano ang nararapat sa programang iniatas sa akin.

"At masaya ako sa estado ko ngayon.

"Kasi, may Pinoy Big Brother, may The Buzz, may ASAP...

"So, I feel really blessed na malagay sa ganitong kalagayan."

BONGGANG LOVELIFE. Bukod dito, may bonggang lovelife pa siya. Ano pa nga ba ang mahihiling ng isang Toni Gonzaga?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"A... okey!" napabungisngis na reaksiyon niya.

Kailan naman kaya ang kasal nila ni Direk Paul Soriano?

"A...hindi ko pa alam.

"Kasi lagi kong sinasabi dati, in two or three years.

"Actually, na-realize ko, I'm 27, pero ayoko namang magpadala do'n sa pressure na it's about time."

Paano kung mag-propose na sa kanya si Direk Paul?

"Ay, e, di go!" sabay hawi ni Toni ng kanyang buhok.

"Naku, go! Go agad!

"Agad agad! Ang dami pang arte...go rin naman pala!" sabay tawa niya.

Proposal lang pala ang kulang?

"Oo. Darating tayo diyan.

"Pero sa ngayon, wala pa...wala pa nga akong singsing."

Career pa rin at magpapayaman muna siya nang husto?

"Iyon naman ang importante...mag-impok sa bangko para sa kinabukasan. Iyon ang importante."

SISTER'S ADVICE. 'Yong payo sa kanya ni Joey de Leon dati at ng iba pang malapit sa kanya na huwag mag-boyfriend ng kapwa-artista, in-extend pala niya yung advice sa younger sister niyang si Alex Gonzaga.

Ibig sabihin ba nito ay no'ng time na nali-link kay Alex si Kean Cipriano ay hindi siya boto?

"Hindi naman," sabi ni Toni.

"Nothing personal naman 'yong akin.

"Basta ako, sa kapatid ko, ang payo ko sa kapatid ko, lalo na kung nagsisimula ka [sa showbiz], e, mag-focus ka sa trabaho mo kasi iyon ang hinawa ko naman noon.

"Kaya hindi ako naabala sa mga lalakeng kung anu-ano na umaaligid."

Aware ba siya na laging kinakantiyawan lately si Alex ng mga ka-close nito dahil sa rebelasyon nitong nahilig siya sa panonood ng X-rated films kasama ang ilang kaibigan no'ng high school days nito?

"Aba!" nanlaki ang mga mata ni Toni, na hindi pa pala alam ang tungkol do'n.

"Luku-lukong Alex 'yan na kung anu-ano ang pinagsasasabi!" sabay tawa niya.

"Hindi ko alam 'yon.

"E, siguro lahat naman ng teenager...kasi mga bata...lahat naman siguro dumaan sa ganyang stage.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang kalokohan lang niya, e, sinabi niya sa tao!" sabay tawa ni Toni.

"Puwede namang hindi na sabihin, e, sinasabi pa ang mga gano'n.

"Luka-luka talaga! May batok siya sa akin pag-uwi ko.

"May batok talaga siya pag-uwi ko!"

LIPATAN ISSUE. Marami nang naglilipatang artista from the Kapamilya and Kapuso networks to TV5.

Paano kung magkaroon din ng tempting offer sa kanya ang Kapatid network, tatanggapin ba niya?

"Alam mo, isa lang ang natutunan ko dito sa industriyang ito—na hindi mo maipapangako ang loyalty mo sa kahit na anong istasyon at kahit anong programa.

"Ang loyalty ko ay nasa pamilya ko. Kasi, at the end of the day, showbiz industry...this will all come and go—'yong kasikatan o 'yong karangyaan.

"Pero ang maiiwan sa lahat, 'yong pamilya mo.

"Kaya kung saan masaya ang pamilya ko, kung saan nila gusto para sa akin, do'n ako."

Honestly, may paramdam ba sa kanya coming from TV5?

"Ayoko nang sabihin 'yon. Hayaan na lang natin, oo.

"Sa ngayon, ang alam ko, magre-renew ako sa ABS. So, walang problema sa akin ngayon.

"I'm happy where I'm at right now. And I feel really blessed."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN