Erich Gonzales: "Ayaw ko po talaga mag-entertain or mag-boyfriend or mag-settle down sa showbiz po."

IMAGE Noel Orsal

"Ayaw ko po talaga mag-entertain or mag-boyfriend or mag-settle down sa showbiz [personality] po," says Erich Gonzales explaining why she's not attracted to her Corazon leading man Derek Ramsay.



Kakaibang Erich Gonzales daw ang makikita ng mga manonood sa main-indie film na Corazon: Ang Unang Aswang.

"Masasabi ko po na ito po ang pinaka-challenging na role ko so far," dagdag na paglalarawan ng young actress sa press conference ng pelikula sa loob ng Dolphy Theater ng ABS-CBN kagabi, Pebrero 29.

Patuloy pa ni Erich, "Hindi ho siya 'yong typical na horror movie na mapapanood natin. It's a love story-horror po.

"May transformation po ako dito. Kumbaga, kakaibang tema ho 'yong tina-tackle namin dito po."

Paano naman niya pinaghandaan ang kanyang role sa pelikula?

"Pinaghandaan ko po 'yong script. Pinag-aralan ko po talaga kung paano si Corazon, kung ano 'yong nasa puso niya, kung ano 'yong mga gusto niyang gawin.

"Nakatulong po talaga nang mabuti 'yong pag-explain ni Direk Richard Somes kasi kilalang-kilala niya ho 'yong characters naming dalawa," sabi ni Erich patungkol sa kanila ng kanyang leading man na si Derek Ramsay.

Sobrang naging interesado raw si Erich sa istorya ng Corazon kaya naman, "Kapag sinabi na nilang 'roll, action,' bigla na lang po akong nag-iiba talaga.

"Siguro dahil na rin po sa sobrang ganado po ako at sobrang inspired ako na gawin itong movie na ito."

Bagamat ilang beses nang naging bida sa mga programa sa telebisyon at sa mga pelikula si Erich, hindi naman niya ikinaila na paminsan-minsan ay nararamdaman pa rin niya ang kaba.

Aniya, "Honestly po, 'yong kaba sa akin, kahit anong project pa po 'yan, kahit sino po ang kasama ko, hindi po talaga nawawala 'yong kaba po.

"Siguro mas kakabahan po ako kapag hindi na ako kinakabahan.

"Sabi nga po, 'yong pressure is the law of progress.

"Naniniwala ako na parang maganda ang project at kapag ibinigay mo ang hundred percent mo, ipanagkatiwala mo na kay God ang outcome, wala na po sigurong dapat ikatakot pa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NOT INTERESTED WITH SHOWBIZ GUYS. Sa pelikulang Corazon, gumaganap na asawa ni Erich ang kapwa Kapamilya star niyang si Derek Ramsay.

Kaya naman tinanong sa press conference na kung sakaling single ngayon si Derek, magkakagusto kaya si Erich sa kanya?

"E, nasa showbiz po siya," sagot ng Maria la del Barrio actress.

"Ayaw ko po talaga mag-entertain or mag-boyfriend or mag-settle down sa showbiz [personality] po."

Nang biruin siyang huwag magsalita ng tapos, nakangiting sinabi ni Erich na, "Tapos na po [ang usapan].'"

OKAY NOW WITH ANGELICA. Matatandaan na dahil sa pagsasama nina Erich at Derek sa pelikulang ito, nagkaroon ng usap-usapan noon na may hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng aktor at ng girlfriend nitong si Angelica Panganiban.

Muli itong binigyang linaw ni Erich.

Aniya, "'Yong reaction ni Angelica before po, I think normal po 'yon sa isang girlfriend.

"Siguro may nakarating sa kanya na mga malicious na kuwento.

"Hindi ko po siya masisisi kasi boyfriend mo, 'tapos kung anu-anong mga malisyosong balita ang nakarating sa 'yo.

"I don't blame her po.

"Naayos na po ang dapat ayusin at nasagot na [ni Derek] 'yon sa The Buzz or sa mga past interviews.

"Ako po, inimbitahan lang po ako ng mom niya at ng kapatid niya, 'yon lang ho 'yon," saad niya.

Nagbigay rin ng paliwanag si Derek tungkol dito.

Sabi ng aktor, "I was very honest about that, ginawa lang namang issue.

"Si Angel, talagang hindi naman nagalit. Siguro nakarating kay Erich ay nagalit.

"I was very vocal na my mom wanted to meet Erich kasi halos every day kaming magkasama."

Bukod sa Corazon ay magkasama rin noon sina Erich at Derek sa teleseryeng Magkaribal.

Noong panahong lumabas ang usap-usapang ito, nanatiling tahimik si Erich.

Paliwanag ng Star Circle Quest grand questor, "I think that's the best thing to do.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"'Yon po ang naging decision ko and decision ng Star Magic para hindi na lang lumaki ang para hindi na lang lumala."

Maayos na raw ngayon sina Erich at Angelica, na magkasama pa nga sa TV commercial ng isang shampoo brand.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN