Isabel Oli opens up about coping with her dad's death

IMAGE Allan Sancon

One of the people who gave Isabel Oli words of encouragement was Iza Calzado, who lost her dad to liver cancer last November 11, 2012.


Hinding-hindi makakalimutan ni Isabel Oli ang Hunyo 21, 2012.

Nasa kalagitnaan siya ng taping para sa Faithfully nang makatanggap siya ng tawag mula sa kanyang kapatid, na nagbalitang kritikal ang kondisyon ng kanilang ama.

Dali-daling pumunta sa ospital si Isabel, ngunit noong araw ding iyon pumanaw ang kanyang ama na si Jorge Tan So.

Nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Isabel sa ikalawang gabi ng urn viewing, bakas sa mukha ng dalaga ang kalungkutan.

Aniya, “Medyo okay na medyo hindi, kasi, nami-miss ko pa rin ang daddy ko.”

Kahilingan daw ng kanyang ama na i-cremate siya kapag binawian na siya ng buhay.

"Yun ang gusto niya, yun ang napag-usapan nila ng mom ko dati pa, noong okay pa siya. Siyempre, nag uusap sila kung paano... yun ang bilin niya sa mommy ko."

Ang kanyang Daddy rin daw ang pumili ng lugar kung isasaboy ang abo nito.

Noong June 23, "Five a.m., pupunta kami Subic, sa beach... Isasaboy namin sa dagat yung ash ng Daddy ko. Kasi yun ang gusto ng daddy ko.”

Ano ba ang ikinamatay ng kanyang ama?

“Hindi nga nila masabi rin, e, kung ano ang talagang nangyari. Kasi meron na talaga siyang sakit na cerebral degeneration for four years na, yung sakit na yun, wala pa daw talagang cure till now.

"Kung ano ang symptoms, di rin namin nakikita at di rin namin alam kung saan nanggaling. Sabi lang nila, baka na-expose sa toxic ang father ko kasi utak ang tama ng sakit na yun, e.”

“Wala rin kaming nakikitang pain mula sa kanya, basta bigla na lang hindi nagpa-function ang ilang sistema niya sa katawan. For example, hindi na lang siya bigla makakasulat. Sumunod din na hindi na rin siya makalakad, tapos yung dumating nga sa point na bigla na lang rin siyang nagkaroon ng critical comatose for eleven months before it happened.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

STILL HARD TO LET GO. Pero kahit matagal na naratay sa karamdaman ang kanyang ama, hindi pa rin daw madaling tanggapin ang pagkawala nito.

“Halos labing-isang buwang coma ang aking daddy na nasa bahay lang at may nurse na nag-aalaga.

"Siguro sa halos eleven months na yun, inihanda na rin namin yung sarili namin sa pangyayaring ito.

“Actually, inihanda na rin namin yung sarili namin nung dumating yung time na hirap na hirap na siya, halos di na siya kumakain.

"Sabi namin sa sarili namin na 'eto na talaga yun... parang sabi namin na, 'Sige, hayaan na natin.'

"'Tapos nung nangyari na nga yun, hindi pa rin pala kami handa. Iba pala yung andun na at nangyari na mas mahirap tanggapin,” ang mahaba nitong pahayag.

At hindi rin niya masabi kung kelan magiging normal ang lahat.

“No. Hindi pa! Maybe in time... Medyo malungkot pa rin," ang mabilis niyang sabi.

Ang madalas niyang ipagdasal dati, kung sakaling dumating ang oras na lisanin na ng kanyang ama ang mundong ito, sana ay maging masaya ang huli sa pupuntahan niya.

Ang kuwento ni Isabel sa PEP, “Parang yun talaga yung prayer ko na kung hirap na hirap na siya kunin na rin siya, pero sana kung kukunin Mo siya, sana sa heaven siya pumunta at kasama Niyo po. Pero kung di pa siya mapupunta sa heaven, huwag Niyo po muna Siya kunin. Yun lang prayer ko that time.

“We’re Christians kasi, dati kasi, wala siyang pinapaniwalaan na God, so yun ang struggle namin at prayer namin na sana makilala niya si God.

"Noong nagkasakit naman na siya, nagsimula na siyang sumama sa church.

"Pero siyempre yung relationship between my dad and God, siyempre, siya lang ang nakakaalam nun.”

CLOSE TO DADDY. Ginunita ni Isabel ang ilang bagay na hindi malilimutan tungkol sa kanyang ama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We're so close talaga ng daddy ko. Lahat kaming magkakapatid, lahat ng nangyayari sa buhay naming magkakapatid, alam na alam niya, walang sikreto.”

Maging sa showbiz career ni Isabel, masyado raw involved ito.

“Yung kontrata ko sa mga showbiz projects ko, binabasa niya... ganun siya ka hands-on at concerned sa aking showbiz career.”

Paano pag may tsismis tungkol sa kanya?

Sagot ni Isabel, “Sa intriga, pag alam niyang hindi totoo, wala! Wala lang sa kanya."

May pakialam din ba ito sa lovelife nilang magkakapatid?

"Pag may gusto kami at ayaw niya, sinasabi niya sa amin. Pero hindi naman siya yung sinasabi na, 'O, ayaw ko sa kanya, hiwalayan mo 'yan. Di siya ganun."

Nangilid ang luha sa mga mata nito nang tanungin kung ano ang mami-miss niya sa kanyang ama.

“Yung kakulitan niya... siya yung madalas magpatawa sa amin. Saka madalas siyang sumasama sa shooting ko. Mami-miss ko yun, siyempre.”

Bagamat close siya sa mga magulang niya, "kaso, si daddy yung mas nag-i- spoiled sa akin dahil nga bunso ako."

"Dati, pag may chocolates siyang pasalubong, yung mga kapatid ko hati-hati sila, yung sa akin buo kasi nga bunso ako. Ganun ako ka-spoiled kay daddy.

"Si mommy naman, close din kami pero siya yung more on disciplinarian sa amin."

Dahil sa labis niyang kalungkutan, naitanong ng PEP kung may lalaki bang makakapagpasaya sa kanyang puso?

“Nope, I’m not dating anyone, matagal pa yun, lalo na po at nangyari ito sa daddy ko,” pahayag ng commercial model turned actress.

Sa ngayon, gusto niyang maka-recover sa nangyari.

Aniya, “Siguro by God’s grace... Of course, I will ask the Lord to help me, siguro balang araw matatanggap ko rin na wala na yung daddy ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN