Katrina Halili on her pregnancy: "Blessing po ito, e. Ito na ang ibinibigay sa akin na bagong chapter sa buhay ko, e."

IMAGE Gorgy Rula

Katrina Halili on marrying Kris Lawrence: "Hindi naman po namin kailangang i-rush. Like sabi nga po ng Papa ko, hindi porke't may nangyaring ganyan, e, kailangan ma-pressure si Kris na pakasalan ako. Ako rin, ayoko muna kasi ibang usapan na po yung kasal. Siguro 'pag dumating na yung time na talagang gusto na naming dalawa... na ready na kami. E, hindi pa po kami ready."


Kinumpirma ni Katrina Halili na mahigit tatlong buwan na siyang nagdadalang-tao.

Ang singer na si Kris Lawrence ang ama ng kanyang dinadala.

Ginawa ni Katrina ang pag-amin sa panayam niya sa showbiz talk show ng GMA-7, ang Startalk, na ipinalabas ngayong hapon, March 24.

THE DISCOVERY. Ayon kay Katrina, bandang February niya nalaman na buntis siya.

Hindi raw agad nag-sink in ang kanyang kalagayan kaya isang araw siyang nag-isip.

"Yun ang naisip ko na, 'Ready na ba ako na ibang tao na ang iisipin ko?'

"So, isang araw ko inisip yun, okay naman po.

"Blessing po ito, e. Ito na ang ibinibigay sa akin na bagong chapter sa buhay ko, e," tila medyo naaalangan pa niyang sagot nang tinanong namin kung paano niya tinanggap ang kanyang pagbubuntis.

Una raw niyang ipinagtapat ang kanyang pagbubuntis sa kanyang personal assistant.

Pagkatapos nito ay sinabi na niya kay Kris.

Sabi ni Katrina, "Masaya si Kris. Siyempre blessing yun, e."

Mga ilang linggo pa raw ang lumipas bago niya ito ipinagtapat sa mga magulang niya at sa magulang ni Kris.

Paliwanag ng 26-year-old actress, "Tiyenempuhan ko na kasi.

"Una kasi nasabi niya [ina ni Katrina] sa kaibigan ko na gusto na raw niya magkaapo... 'Sige, sabihin ko na nga!'

"Pati ang parents ni Kris, parang gusto na rin nila magkaapo kaya sinabi na rin namin."

Kaya excited daw sila dahil magiging first apo raw ito ng mga magulang ni Kris at bale pangalawa naman sa mga magulang ni Katrina.

NO FOOD CRAVINGS. Natatawang ikinuwento rin ni Katrina na hindi siya dumaan sa mahirap na stage ng paglilihi.

Nainggit nga raw sa kanya si LJ Reyes nang ikinuwento niya na hindi siya nagsuka o laging nahihilo.

Si LJ ay mayroon na ring anak sa Kapamilya actor na si Paulo Avelino.

Kuwento ng two-time FHM Sexiest Woman, "Nung two months pa lang, mga one week ako hindi nakapaglakad, sobrang masakit kasi ang likod ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero ngayon, okay na po."

Wala rin daw siyang pagkaing pinaglihian. Sa halip, nagkahilig daw siya sa pagluluto.

"Siguro mga two months, pagkagising ko at bago ako matulog, luto lang ako nang luto.

"Mga kare-kare, kaldereta... yung mga hindi ko alam lutuin, tina-try kong lutuin 'tapos mga tao sa bahay pinapakain ko.

"Sa isang araw, mga tatlong putahe ang niluluto ko!"

Si Kris daw ang nahihirapan dahil mas nag-e-enjoy daw siya sa pagluluto kesa sa makita ang singer.

"Actually, nahirapan din siya kasi parang feeling niya, wala siyang kuwenta kasi ayoko siyang makita.

"Gusto ko magluto lang nang magluto, ayaw ko pa-istorbo!" natatawa niyang kuwento.

BABY FIRST. Sabi pa ni Katrina, sa magiging baby daw muna nila ni Kris sila naka-focus.

Hindi raw nila napapag-usapan ang kasal.

"Hindi naman po namin kailangang i-rush.

"Like sabi nga po ng Papa ko, hindi porke't may nangyaring ganyan, e, kailangan ma-pressure si Kris na pakasalan ako.

"Ako rin, ayoko muna kasi ibang usapan na po yung kasal.

"Siguro 'pag dumating na yung time na talagang gusto na naming dalawa... na ready na kami.

"E, hindi pa po kami ready," saad ng aktres.

Sa September manganganak si Katrina.

NOT WORRIED ABOUT HER CAREER. Masaya si Katrina sa kalagayan niya ngayon at nawala na raw ang pangamba niya kung ano ang mangyayari sa kanyang career.

Nagpaalam na nga raw si Katrina sa My Beloved, pero ayaw naman daw siyang payagan.

Puwede pa rin naman daw kasi siyang lumabas bilang mabubuntis naman siya sa kuwento ng naturang teleserye ng GMA-7 na pinagbibidahan nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

"Actually, nagpaalam ako sa production na sana tanggalin na lang nila ako kasi baka hindi ko naman magampanan ang role na gusto nila.

"Like, baka hindi na ako makapagsuot ng sexy... siyempre magge-gain ako ng weight.

"Bawal pa ako magpuyat, kailangan kong alagaan ang sarili ko din.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Baka hindi ko magampanan ang ibibigay nila sa akin na trabaho.

"Hindi naman nila ako pinayagan kasi kailangan nga po nila ako sa show.

"Willing naman po ako mag-stay kung sasabihin nila ang ganun. At least, maalagaan nila ako.

"Ang akin lang, gusto ko lang iparating sa kanila kung ano ang sitwasyon ko," saad ni Katrina.

Kaya sa ngayon ay tuloy pa rin daw siya sa My Beloved.

IN PALAWAN. Kapag tapos na raw siya sa naturang drama series, baka magbabakasyon daw muna siya sa bahay nila sa Palawan ng mga dalawa o tatlong buwan.

Gusto raw niya sa Manila siya manganganak, kapiling si Kris.

Kung si Katrina ang tatanungin, gusto raw sana niya na babae ang magiging baby nila ni Kris.

Pero kung ano man daw ang ibibigay sa kanila ng Diyos ay tatanggapin nila ito, basta safe lang daw sana ang panganganak niya.

KRIS LAWRENCE. Samantala, nakakuha naman ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng maikling pahayag mula sa kampo ni Kris Lawrence.

Ayon sa publicist ng singer na si Tinnie Esguerra, nagkaroon daw sila ng meeting noong nakaraang linggo kaugnay ng isyung ito.

Mayroon lamang dalawang bagay na nais idiin si Kris:

"1. They are not getting married anytime soon.

"2. He will support her [Katrina] and the baby through the full term."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN