Jay-R defends Kris Lawrence against criticism over Katrina Halili pregnancy; keeps mum on rumored breakup with Krista Kleiner

IMAGE Noel Orsal / Monching Jaramillo

"A… you know, ang mga relationships naman, laging may ups and downs, di ba? So, pangit din naman kung magsasalita ako ng nangyari na ganito… Ang masasabi ko na lang, you know, it’s not all happy times. You just have to work through it lang talaga," says Jay-R when asked about reported breakup with beauty queen Krista Kleiner.


Magkaibigan na si R&B Prince Jay-R at Prince of Soul Kris Lawrence mula pa noong high school.

Kaya natanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Jay-R ang tungkol sa pag-amin ni Katrina Halili na buntis siya at si Kris ang ama ng kanyang dinadala.

(CLICK HERE to read related article.)

“Gusto ko siyang i-congratulate! I’m so happy for him!" bulalas ni Jay-R nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Party Pilipinas noong Linggo, March 25.

Dagdag pa niya, “Alam ko yung magiging anak nila is gonna become very talented and very smart and successful 'tulad niya [Kris] at ni Katrina rin.

"So good luck! And kung kailangan niya [Kris] ang tulong ko, for anything, nandito lang ako.

“So, huwag siyang mag-hestitate to call me.”

PROUD FATHER. Masaya at very vocal si Katrina about her pregnancy.

Pero marami ang naiintriga kung bakit si Kris ay parang hindi proud na pag-usapan ang tungkol dito.

Sa Party Pilipinas nga last Sunday, halos lahat ng TV crew ng GMA-7 ay nakaabang dahil pumayag daw si Kris na magpa-interview.

Pero dismayado ang lahat dahil pagkatapos umere ng Party Pilipinas, biglang umayaw na ang singer.

Kung si Jay-R ba ang nasa sitwasyon ni Kris, iiwasan din ba niyang magsalita o magpa-interview sa media tungkol sa nalalapit na pagiging ama niya?

Sagot ng singer, “Uhm, ano naman… siyempre kung ambush interview, no choice.

“Pero if I’ll have a choice, you know… I’ll stay quiet na lang naman.

“Kasi nagsalita na [si Katrina].

"And kung yung intensiyon ko naman, maganda, hindi naman kailangang magsalita or anything na gano’n.”

INTRIGUES. Nagkakaroon tuloy ng intriga na baka raw duda si Kris na sa kanya ang ipinagbubuntis ni Katrina kaya ayaw magsalita o magpa-interview.

Pagtatanggol naman ni Jay-R, “Hindi. Intriga lang yun! Proud na proud si Kris!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero hindi naman… just because hindi siya nagpapa-interview, ibig sabihin no’n, e, hindi na proud.

“Ano lang kasi, siyempre ‘pag showbiz, siyempre nae-exploit yung mga private lives ng mga tao.

“You know minsan, gusto rin naming maging private.

“So, sa tamang oras lang siguro, magsasalita na si Kris.”

BREAKUP. Hindi rin siyempre nakaligtas si Jay-R na tanungin tungkol sa nababalitang breakup nila ng beauty queen na si Krista Kleiner.

Pero kung gaano siya ka-vocal sa pagtatanggol kay Kris ay tikom naman ang bibig niya nang tanungin tungkol kay Krista.

“A… no comment na lang!” nangiting sagot ni Jay R.

Parang ang kaibigan niyang si Kris, hindi pa rin ba tamang oras para magsalita siya tungkol sa napapabalitang hiwalayan nila ni Krista?

“No comment na lang ako do’n!” sabay tawa niya.

Sa ganitong reaksiyon niya, parang may pinagdadaanan nga silang dalawa ngayon?

“A… you know, ang mga relationships naman, laging may ups and downs, di ba?

“So, pangit din naman kung magsasalita ako ng nangyari na ganito…

“Ang masasabi ko na lang, you know, it’s not all happy times.

"You just have to work through it lang talaga.”

WORKING THINGS OUT. Are they both trying to work things out muna kung anuman asng problema ngayon sa relasyon nila?

“Uhm, yeah. You know… no comment muna ako ngayon,” bahagyang natawa ulit si Jay-R.

For the record, gaano na ba katagal ang relasyon nila ni Krista?

“Magti-three years na sa May," sagot niya.

How si Krista now?

“Okey naman.

“I think may sakit siya ngayon so she’s at home with her mom.”

May third party ba kaugnay ng napapabalitang hiwalayan nila?

“Hindi, walang gano’n!" tugon ni Jay-R.

“It’s just ano lang, uhm… you know, I just have to figure myself out din muna.

“So, ‘yon lang… yun lang ang masasabi ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And just, a… soul searching.”

Open ba siya ngayon to date other girls?

“Wala naman akong ano, e… I’m not looking to date anyone else.

“So, wala lang... just lay-low lang.

“And… no comment lang!” sabay tawa na naman ni Jay-R.

CAREER. Tungkol naman sa kanyang career, bukod sa regular appearance niya sa Party Pilipinas, ano pa ang ibang pinagkakaabalahan niya ngayon?

“Music… laging music.

“Ngayon, tinatapos ko ang album ng pamangkin ko, si DJ. Yung banda niya is called Clay... pop rock sila.

“Sobrang ganda ng music nila—all original music.

“And ilalabas na namin next month na. So sana magustuhan ng lahat.”

ACTING AND MUSIC. Meron din daw siyang ginagawa album with Chelo.

“Oo, ongoing ‘yon.

“And we’re nominated for Wave Awards with my artist Chelo and my other artist Q York.

“Lahat kami nominated, so sana maka-vote kayo sa Wave Urban Music Awards.

“Ito yung Wave 89.1 sa radio, yung R&B station.

“I’m nominated for Artist of the Year… And Style Icon. Gano’n.

“'Tapos kalaban ko rin yung mga artist ko, e—si Q York for Male Artist… mga gano’n.

"Meron din for Best Collaboration, kami ni Chelo.

“So, yun! Sana manalo kami.”

Kailan naman siya muling sasabak sa acting?

“Uhm… ngayon? Siguro once in a while lang muna.

“Kasi talagang focus ko lang muna… music, e.

“Kahit si Kris [Lawrence], tinatapos din namin yung album niya.

“Ang dami naming ginagawa ngayon na puro music. Iyon naman ang forte ko, di ba?

“Yung acting, medyo mahirap sa akin!” natatawang sabi ni Jay-R


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN