Nadine Samonte on Katrina Halili's pregnancy: “Hindi na siya problemado, hindi na siya stressed, feeling ko sobrang blessing iyon para sa kanya.”

IMAGE Noel Orsal

Nadine Samonte (in photo) is in the cast of the remake of Valiente, which had moved to a later time to give way to Nandito Ako, which stars David Archuleta. When the latter serye ended, Valiente returned to its original time slot on TV5.


Nakausap namin ang aktres na si Nadine Samonte kahapon, March 30, Biyernes sa taping ng Valiente, ang primetime series ng TV5.

Una naming itinanong ay kung ano ang naging damdamin ni Nadine sa paglipat ng time slot ng Valiente to give way to Nandito Ako na mini-serye ni David Archuleta?

“Hindi ko nga alam na lumipat ng time slot e,” natatawang sinabi ni Nadine. “Nalaman ko lang sa fans," ang sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Hindi sila sinabihan?

“Ako hindi,” sabay-tawa ulit ni Nadine.

Si JC de Vera na male lead star ng Valiente, nalungkot; si Nadine?

“Nalungkot ako kasi hindi ko alam, nalaman ko sa fans tapos doon ko lang nalaman nung kinonfirm ko. Parang nakakalungkot lang na wala kaming alam.”

At ngayong tapos na ang Nandito Ako, ibinalik na ulit sa dating time slot na mas maaga ang Valiente.

“Hindi ko rin alam na ibinalik na,” ang natatawang reaksyon ni Nadine.

Samantala, masaya si Nadine na kasama sa teleserye si Tirso Cruz III.

Original cast member ng Valiente twenty years ago si Tirso kasama si Michael de Mesa na nasa 2012 remake din ng naturang serye.

“Happy, kasi nakatrabaho ko na si Tito Tirso sa Endless Love, tatay ko siya. So okay naman, masaya.”

Nang una silang nagkita ni Tirso sa taping…

“Wala naman, okay lang, bati-batian lang. Kasi hindi ko siya nakaka-eksena. Siya yung kumupkop kay JC.

“Kasi di ba si JC sa istorya, parang na-salvage siya tapos, siya yung tumulong, mayaman siya na may kinalaman siya sa pamilya ng Valiente at Braganza pala noon."

ON LEANDRO AND IWA. Ang comment ni Nadine sa relasyon nina Leandro Muñoz at Iwa Moto.

“Wala.”

Naging karelasyon ni Nadine si Leandro at produkto rin ng StarStruck ng GMA si Iwa tulad ni Nadine.

Nagulat ba siya?

“Hindi,” at muling tumawa si Nadine. “Hindi. Puwede naman kahit anong mangyari, wala nang imposible sa panahon ngayon, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So okay lang. Kung masaya naman sila sa isa’t-isa, e. Let it be, di ba? Happy ako para sa kanila.”

Pareho raw walang komunikasyon si Nadine recently with Iwa or maging kay Leandro.

“Kasi wala naman kaming pag-uusapan, e.”

Hindi pa rin daw sila nagkikita ni Iwa mula noong lumipat si Iwa sa TV5.

Halimbawang magkasalubong sila ni Iwa…

“Okay lang.”

Babatiin ba niya at tsitsikahin si Iwa?

“Oo naman, why not?

“Actually nung lumipat si Iwa hindi ko nga alam na lumipat siya, e. Kasi never pa kaming nagkita sa kahit na anong event.”

Si Leandro ay hindi pa rin daw sila nagkikita ulit.

“Huling kita ko sa kanya, event ng… yung ball ng TV5.”

Wala na raw silang relasyon noon, pero nagbatian naman raw sila, magkaibigan pa rin daw sila ni Leandro.

“Oo naman. Wala namang…”

ON KATRINA HALILI. Ang sumunod namang itinanong ng PEP kay Nadine ay kung ano ang masasabi niya sa pagbubuntis ng kapwa niya StarStruck avenger na si Katrina Halili.

“Happy ako para sa kanya! Nandito siya kanina sa taping ng Valiente, dumalaw siya kasi malapit ang bahay niya at kasi yung make-up artist ni Miss Jaclyn Jose friend niya, so dumalaw siya, nakita ko siya.”

Hindi raw sila masyadong nakapag-usap ni Katrina.

“Sabi ko lang congrats, iyon lang. Kasi nung time na dumating ako, kasi kadadating ko lang galing airport, dumiretso ako dito sa taping.

"Inaantay na nila ako kasi hindi sila makapag-take ng wala pa ako so nagmamadali ako. Pagdating ko nakita ko si Katrina, binati ko sabi ko congrats. Sabi niya ‘Thank you!'"

Galing si Nadine sa Legaspi for a show bago dumiretso sa Valiente taping.

Nagulat siya nang nalaman niyang buntis si Katrina.

“Oo, oo! Pero alam mo yung relieved na at least happy na siya.

“Iyon lang. I’m so happy for her. At tsaka ano na siya, very blooming, ang blooming-blooming niya!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi na siya problemado, hindi na siya stressed, feeling ko sobrang blessing iyon para sa kanya,” nakangiting sinabi pa ni Nadine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN