Lovi Poe on release and return of ex-boyfriend Ronald Singson: "God knows how much I waited for this day."

IMAGE Noel Orsal

"There are some things that you do kasi. You know, you just can't... Well, I'm the type of person kasi talaga na kapag may inano ka sa buhay mo, hindi ko naman talaga, you know, kahit naging kaibigan ko, hindi ko binibitiwan, ganoon," says Lovi Poe.


Last January 9 ay nag-post si Lovi Poe ng mensaheng ito sa kanyang Twitter account: "Reading the script of legacy feels so weird. I can relate. As in! Its like.. Dear writers! Do you know my life story?! Ahaaha! :)"

Kagabi, January 10, sa grand press conference ng Legacy sa Studio 6 ng GMA Network, ang tweet na yun ni Lovi ang isa sa mga unang tinanong sa kanya.

Paano niya nasabing nakaka-relate siya sa character niyang si Natasha Alcantara sa primetime series na ito ng GMA-7?

"Ayokong i-explain. Nakaka-relate...nakaka-relate ako sa bawat characters," sabi ni Lovi.

Ano ba ang role niya sa Legacy?

"Ang story kasi, she's the daughter of Cesar Alcantara.

"Tapos, how do I say this...medyo boss siya. Tapos siya ang tagamana ng Legacy [a fictitious company].

"But then, she finds out, meron pala siyang sister, illegitimate child, parang anak sa labas.

"At first, she won't take it well. But since mahal na mahal ng character ko yung father ko, tinanggap niya yung sister niya, si Heart [Evangelista].

"Kami ni Heart dito, we love each other. Parang may mga conflicts lang na darating.

"Hindi siya yung usual story na magkaaway silang dalawa."

Ano ang kaibahan ng mapapanod sa kanya ngayon sa Legacy kumpara sa mga nagawa na niyang teleserye at pelikula?

"This one, iba ang atake sa role rito because, ang atake rito, she's just a real person.

"She's nice to the people. Parang normal na tao.

"Mabait ka sa taong mahal mo, mga kaibigan mo. Pero sa mga taong ayaw mo, you show them.

"Di ba, ganoon naman talaga? And she's that type of girl.

"Marunong siyang lumaban. Hindi siya nagpapaapi.

"Kapag may nang-aapi sa kanya, she knows. Pero never na nanakit ng tao.

"Only pangpasira lang ng emosyon, ng damdamin."

SAMPALAN SCENE WITH ALESSANDRA. May ekesanang magsasampalan sila ng kanyang co-star na si Alessandra de Rossi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May balitang nagka-pisikalan raw silang dalawa. Totoo ba ito?

Kuwento naman ni Lovi, "Masaya. Nahulog si Alex.

"Meron siyang pasa rito, meron akong kalmot dito.

"Hindi naman siya totohanan.

"But once you're on the scene kasi, plus kaming dalawa ni Alex na ang nagsabi na okay lang.

"Kasi, unfair naman sa mga tao kapag daya-daya, arte lang. We don't want that way naman."

Pareho naman daw silang nagtatawanan at nagtatanungan ni Alex pagkatapos kung okay lang ang isa't isa.

RONALD SINGSON. Hindi na rin nakapagtataka na marami sa entertainment press ang gustong makausap si Lovi upang tanungin tungkol sa paglaya at pag-uwi ng bansa ng dati niyang boyfriend na si Ronald Singson.

Tinatayang uuwi ito sa January 14.

Nakulong ng isa't kalahating taon si Ronald sa Hong Kong dahil sa illegal drug possession.

Ano ang gagawin ni Lovi sa January 14?

"Nasa Cebu yata ako...," nakangiting sagot ng aktres nang makuha kung ano ang meron sa January 14.

Hindi ba siya sasalubong?

"I won't be there. I have work kasi for Legacy," sabi niya.

Magkikita na lang sila pagkatapos?

"I don't know...bahala na."

GETTING MARRIED? Aware si Lovi na nabalita sa isang talk show na pag-uwi ni Ronald, may plano raw itong pakasalan na si Lovi.

Pero sabi ng Kapuso actress tungkol dito, "Hala! Hindi ko alam.

"I heard lang...but no naman, it's not true.

"There's so much that I want to do in life.

"But then, hayun."

Noong marinig niya yung tungkol sa pagpapakasal, ano ang pumasok sa isipan niya?

Natatawang sagot naman niya, "Ayoko nang sabihin.

"Basta, the one with me and Ronald, we had a lot of things.

"We talked a lot about things before, not regarding that, but then certain things kasi changed along the way.

"So much happened in a day.

"But then, nandiyan pa rin naman ang suporta ko sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It's never gone."

Masaya ba siya na makakauwi na sa bansa si Ronald?

"Well, you know, I'm happy that he's coming out.

"I may not be there by his side when he goes out, but you guys saw naman my support sa kanya sa beginning.

"It may be in a different way now, but then, yun—God knows how much I waited for this day."

May plano ba siya ngayong makakalaya at makakauwi na sa bansa si Ronald?

"I don't have any plans naman. Walang plans. Wala..."

BLOOMING CAREER. Nang mahuli at makulong si Ronald sa Hong Kong, ito rin ang panahon na masasabing nag-boom nang husto ang career ni Lovi.

Magagandang projects ang naibigay sa kanya at nanalo pa siya ng acting awards.

Ayon kay Lovi, "Parang naging thankful naman ako.

"Parang with what's happening to me, kahit gaano man kasakit yung nangyaring yun, ang Diyos naman, binigyan ako ng napakaraming trabaho, so hindi ko rin naiisip.

"Parang it helped me a lot, ganoon."

Posible bang balikan niya ang relasyon nila ni Ronald?

"I don't know. Bahala na.

"God has His ways naman, e.

"This happened, I don't know, for some reason."

CHRISTMAS AND NEW YEAR. Noong nakaraang Pasko at Bagong Taon ay nandito lang daw sa bansa si Lovi.

"I have work. I'm with my family.

"I didn't even spend New Year with my friends.

"Usually kasi, New Year, I spend it with my friends.

"Pero, I spent it with my family kasi na-realize ko, medyo I lost time with them.

"Medyo hindi ako masyadong nakakasama.

"So, family first muna ko."

Pero nagde-date naman daw siya.

"Di ba, enjoy-enjoy muna ang peg ko?" tawa niya.

Noong Pasko at Bagong Taon, may ka-date siya?

"Yes! Iba noong Pasko, iba noong Bagong Taon! Joke lang!

"Basta nasa dating game ako. I love it!" sabi ni Lovi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SECRET... Pero nabalita na noong November, birthday ni Ronald, nakita raw siyang dumalaw sa Hong Kong.

Totoo ba ito?

"Basta, secret ko na yun," mabilis na sagot ni Lovi.

"There are some things that you do kasi. You know, you just can't...

"Well, I'm the type of person kasi talaga na kapag may inano ka sa buhay mo...

"Hindi ko naman talaga, you know, kahit naging kaibigan ko, hindi ko binibitiwan, ganoon."

Ano ang mga napansin niyang pagbabago kay Ronald noong huli niya itong dinalaw?

"I can't elaborate. You'll gonna see it naman when he comes back.

"And Ronald is a very good person. It's just that, this thing happened.

"I don't know, but God knows why these things happened.

"But then, ever since naman, since the beginning, he's a good person," saad ni Lovi.

Ano naman ang mga pagbabago sa kanya?

"So much!" sambit niya.

"So many things I realized [during the] alone time I had.

"There's a lot of things naman that changed sa akin and I won't lie.

"That's why I'm here and I'm not going anywhere.

"That's why focus ako sa sarili ko because those were one of the things I realized."

CLOSER TO HER FATHER. Kung saka-sakali, handa na ba siyang magpakasal sa edad na 22?

Ayon kay Lovi, "Ang dami ko pa kasing gustong ma-achieve sa buhay ko, like self-fulfillment.

"There's so much that I want to do. Like ito, it's the start of it.

"Ngayon, last year, nag-start lahat ng bagay na gusto kong mangyari with my career.

"Kasi, parang being in this business makes me a lot closer to my father [the late Fernando Poe, Jr.].

"Kasi, every single show, I got to work with someone who's close to my dad.

"Like here sa Legacy, ang sarap lang ng feeling.

"It makes me feel a lot closer. Like sa story rin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung buhay pa ang kanyang ama ngayon, sa palagay ba ni Lovi ay magiging proud ito sa anumang meron siya ngayon?

"I believe, yes.

"I'm very, in a way, I'm such a strong girl and I get to handle things."

Pero hindi raw sigurado si Lovi kung sakali at buhay nga ang ama ay artista siya ngayon.

"Maybe. Kasi, matigas din ang ulo ko. Pinagpipilitan ko.

"Kung matigas ulo niya, matigas din ulo ko.

"May pinagmahanan din ako—siya!" natatawa niyang sabi.

Noong buhay pa si FPJ, nasabi ba niya rito na gusto niyang mag-artista?

"Well, before, that was one of the things that I told him.

"Sabi niya, hindi naman siya nag-no, pero ano lang, not yet.

"Kasi, bata pa lang ako. And I started din really young.

"My God, nakita n'yo ba ang hitsura ko when I started? Nakakahiya!" natatawa niyang pag-alala.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN