Lovi Poe on Ronald Singson: "Ano naman ang pinagdaanan namin noon, hindi naman talaga mawawala na 'yong pagkakaibigan namin."

IMAGE Manila Galang

Lovi Poe on Ronald Singson's return: "Marami pa naman siyang bagay na kailangang mag-focus pa, e. It's not just about me. 'Yong pagbabalik naman niya, hindi lang naman 'yan tungkol sa akin. Marami pa siyang ibang gagawin."


Iba ang sigla at saya ni Lovi Poe kanina nang humarap sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang crew ng mga talk shows ng GMA-7.

Katatapos lang ng Party Pilipinas kung saan bukod sa mga song and dance numbers ay naghu-host din siya.

Walang bakas ng pagod na makikita sa kanya. She looks very much inspired.

Nangiti nga siya nang mapag-usapan ang tungkol sa good reviews at mataas na rating ng bagong tinatampukan niyang primetime series, ang Legacy, kung saan kasama niya sina Heart Evangelista, Alessandra de Rossi, at iba pang mahuhusay na Kapuso stars.

"It feels so good!" aniya.

"Kasi people appreciate the fact na mabilis 'yong istorya. And siyempre pinagpapaguran naming lahat. Kumbaga, plus na sa amin iyon, e.

"It's just that... the thought lang na maganda 'yong story. Do'n pa lang masaya na kami.

"Pero mas nadagdagan pa no'ng sinabi na... marami nga ang nanonood."

Titindi pa ba 'yong mga tagpong may tarayan at awayan ng mga pangunahing characters ng pinakabagong primetime series na ito ng GMA 7?

"Oo. Kasi masyadong malalim 'yong mga pinag-uugatan ng mga galit pero meron din namang pagmamahal.

"Makikita n'yo 'yon. At magugulat kayo sa mga mangyayari pa sa story.

"Mabilis talaga ang takbo ng story. Kahit ako nga, one time I was watching.

"Do'n sa abangan para this week, napasigaw ako kasi do'n ko lang nalaman... ay, gano'n pala!

DRINKING SCENE. "At saka meron akong eksena na... I was drinking in that scene.

"And I was actually drinking so... may tama nga ako!" sabay tawang kuwento ni Lovi.

"Abangan n'yo ang eksenang 'yon. I literally drank para sa eksenang 'yon to get it right.

"During the scene, when we were taping it, totoong bote ng wine ang hawak ko. And... I drank a little bit more before the take para mas totoo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naka-ilang take naman siya sa eksenang iyon?

"One!" napahalakhak ang young actress.

Na-pressure ba siya na kailangan take one lang? Kasi kung hindi, malalasing siya talaga kapag nagpaulit-ulit i-take ang tagpong iyon?

"Hindi naman ako na-pressure. And... maganda kapag tuloy-tuloy 'yong take. Maganda 'yong eksena talaga.

"Excited ako. 'Yon."

Puna ng iba, parang hindi raw maka-reach 'yong masa sa Legacy. Kasi maraming English dialogues at sosyal ang karamihan sa major characters.

"Uhm... nababalanse naman namin. Because si Heart [Evangelista] naman dito, laging nagta-Tagalog.

"So kailangang makita 'yong contrast namin since ano ako rito... matapobre ang aking character.

"Pero abangan ninyo... hintayin n'yo si Heart, malapit na siyang lumabas na fashionista.

COLOR-CODED FASHIONISTAS. "May kanya-kanya kaming stylist dito. At ang dami ngang nagtu-tweet sa amin na nagi-gets nila 'yong color coding namin sa Legacy.

"Like ako... lagi akong naka-yellow. Si Heart laging naka-green.

"Si Alex [Alessandra de Rossi]... ay hindi pa. Hindi pa siya nakikita.

"Pero malapit nang lumabas si Alex. Iyon ang abangan ninyo.

"Kung sino ang mas mataray sa aming dalawa."

Sa isang eksenang may sabunutan sila, nadulas daw si Alex at nahulog?

"Nadulas siya dahil naapakan niya ang gown niya! Ha-ha-ha!

"Paglingon ko... wala na siya sa likod ko.

"Sabi ko sa kanya... 'Oy, wala pa akong ginagawa niyan, ha!'

"And... masaya naman sa set."

NO DATE ON V-DAY. Malapit na ang Araw Ng Mga Puso. Nasaan siya sa mismong Valentine's Day?

"Wala. Magtatrabaho ako."

No one asked her out on a date?

"Wala. Lahat aayawan ko!" sabay tawa ulit ni Lovi.

"May taping ako."

Pahinga muna ba ang puso niya sa lovelife?

"Oo. Ano lang... trabaho muna. Enjoy muna ang life."

Kung sabagay, no'ng ipinahinga niya ang kanyang puso, gumanda nang husto ang takbo ng kanyang career.

"Gano'n!" nangiting pagsang-ayon ng dalaga.

"Mas gusto kong mag-enjoy ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Isang magandang payo na nakuha ko... live your life first. You won't be 22 [years old] forever."

RONALD SINGSON. May lumabas na balita recently, magkasama raw sila ng ex-boyfriend niyang si Ronald Singson sa birthday ni Tim Yap? Nagkita na pala sila?

"Oo."

Kumusta ang pagkikita nila?

"It was good. It was good.

"Uhm, at least, na-maintain namin 'yong friendship naming dalawa.

"Of course, ano naman ang pinagdaanan namin noon, hindi naman talaga mawawala na 'yong pagkakaibigan namin.

"I think that will stay."

Walang anumang paramdam coming from Ronald na parang... he wants to win her back?

"Ah... no.

"Marami pa naman siyang bagay na kailangang mag-focus pa, e.

"It's not just about me.

"'Yong pagbabalik naman niya, hindi lang naman 'yan tungkol sa akin.

"Marami pa siyang ibang gagawin," panghuling nasabi ni Lovi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN