Lovi Poe featured in Esquire Mexico

IMAGE Noel Orsal

Lovi Poe on being featured in Esquire Magazine Mexico January 2012 issue: "I'm very thankful that I was featured in an international edition of Esquire Magazine. I feel very fortunate and blessed. I'm grateful for the creative team behind Esquire Philippines."


Napabilang si Lovi Poe sa January 2012 issue ng Esquire Magazine Mexico.

Ibinalita ng Esquire Philippines style director at TV host na si Raymond Gutierrez ang magandang balitang ito kagabi, February 22, sa kanyang Twitter account.

Sinabi ni Raymond sa kanyang post, "Guess who's featured in Esquire Mexico! @lovipoe."

Ibinahagi rin ni Raymond ang kanyang kuha sa pahina ng naturang magazine kung saan makikita si Lovi.

Isang centrefold at dalawang pahina ang nakalaan para sa artikulong isinulat tungkol kay Lovi.

Ang artikulo'y pinamagatang "Y dios creo a... Lovi Poe: Lo que un hombre puede aprender de una mujer sexy."

Kung isasalin sa Ingles, ayon sa Google translate, ang ibig sabihin nito ay: "And God created a... Lovi Poe: What a man can learn from a sexy woman."

Agad namang hiningi ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang reaksiyon si Lovi tungkol sa paglabas ng naturang artikulo sa Esquire Mexico.

Ayon sa text message na ipinadala ng manager ni Lovi na si Leo Dominguez sa PEP, ipinararating daw ni Lovi ang pasasalamat nito sa mga taong naghirap para sa nasabing isyu ng magazine.

Ani Lovi, "I'm very thankful that I was featured in an international edition of Esquire Magazine.

"I feel very fortunate and blessed.

"I'm grateful for the creative team behind Esquire Philippines."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN