Charlene Gonzalez still gets "kilig" by husband Aga Muhlach after 10 years of marriage

IMAGE Noel Orsal

"Gusto ko lang sabihin sa kanilang lahat yung pagkatao mo talaga. Like nakikita ka nilang ganyan. Minsan may nagsasabi na parang ang hirap kang abutin. But, narinig naman nila yung mga sinabi ng mga friends mo from the industry, that is while you're working... Imagine, while you're not working, mas totoong tao ka pa talaga. Yun lang ang gusto kong ipaalam sa kanila. Kung gaano ka kabuting tao talaga. Coming from me and even from the kids," says Aga Muhlach about wife Charl


Birthday celebration ni Charlene Gonzalez-Muhlach sa The Buzz kahapon, May 1—ang mismong araw ng kanyang 37th birthday.

Nasorpresa ang TV host dahil ang impromptu na iinterbyuhin daw niya ay ang asawang si Aga Muhlach.

Pero instead na siya ang magtanong sa mister, si Aga ang nagbato ng mga tanong kay Charlene sa kanyang segment na "Straight From The Heart."

Narito ang naging usapan nila:

Aga: "Straight from the heart, happy hirthday. Happy birthday, my love.

"But really, it's your birthday. Ang daming nagmamahal sa 'yo.

"Yung hard work na ibinibigay mo rito, lahat ginagawa mo 'yan, and it's paying off. Ang gaganda ng mga sinabi.

"Pero bukod sa mga sinabi, ano ang feeling mo na napapansin nila ang hard work mo, ang dedication mo? How do you feel?"

Natatawa na tila hindi naman makapaniwala si Charlene na ini-interview nga siya ng asawa.

Charlene: "Seryoso 'to?"

Kumuha tuloy ng cue card si Aga para ipakita kay Charlene na totoong siya ang magtatanong sa asawang host ng The Buzz.

Charlene: "Hindi ko kasi alam kung pini-playtime ako ni Aga, or kung totoo.

"Okay, seriously, alam naman kasi ng asawa ko how much I love my work, and he sees that it's a big sacrifice para sa family natin, di ba?

"Na pagdating ng Saturday and Sunday, talagang you don't...you leave me alone. You give me time to know my materials.

"And, of course, ngayon pa lang, nagpapasalamat na ako because that's a very big sacrifice on your part at sa mga anak natin. Totoo 'yan..."

Aga: "Well, you know, ang gusto kong malaman ng tao talaga, na yun ang ginagawa mo.

"Sa amin, we will always be here to understand and support you.

"But then, ang sa akin lang, gusto kong malaman ng mga tao, yung hindi nila nakikita, yung work na ibinibigay mo rito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, ngayon 10 years na tayong magkasama. Gusto ko lang malaman—probably gusto rin nilang malaman—kung kailan ka huling kinilig?"

Charlene: "Kanino pa ba? Heto, ngayon..."

Aga: "Kinikilig ka ngayon?"

Charlene: "Oo...teka muna. That's 10 years of marriage, ha. Sa May 28 ang wedding anniversary namin ni Aga.

"Tingnan n'yo, hanggang ngayon, kinikilig ako. Tingnan n'yo, namumula ako."

Aga: "I'm really serious. Kapag sa gabi na matutulog tayo, bago matulog, yung mga moments like that, ano ang naiisip mo talaga?"

Charlene: "Ang bango-bango ng asawa ko! Ang guwapo niya! (laughs)

"Of course, alam mo naman 'to, na araw-araw nagpapasalamat ako sa Diyos. He gave me a good husband like you and wonderful children.

"Alam mo 'yan, araw-araw pinag-uusapan natin 'yan, that it's our dream to really make what we have work, at yun ang priority natin sa buhay."

Aga: "Sa dami na ng nangyari sa buhay mo, ano pa ang mga ina-attain mo, ang mga gusto mong mangyari sa buhay mo?"

Charlene: "I stopped wishing a long time ago. All I do is dream.

"Because when you dream, you live life like no expectation. And when you dream, that motivates you and inspires you to be a better person.

"At kung anuman ang dumating sa buhay mo, you will always appreciate and expect everything and be grateful with whatever life offers you.

"So, hindi na ako nagwi-wish ng kahit ano pa."

Aga: "Okay...ganun pala...nice...thank you. Ang ganda! Sabi ko sa 'yo, ang hirap pala nito!"

Charlene: "Pinapawisan tuloy ang asawa ko!"

Aga: "Sabi mo nga sa buhay mo ngayon, wala ka nang mawi-wish pa. Pero, marami kang gustong pasalamatan. Kung meron kang isang taong pasasalamatan, sino yun?"

Charlene: "Well, sa palagay ko, ang number one priority is your God and everything follows. Of course, your family.

"When you try to live a life that is straight, to be on that path, with good intentions, with the love in your heart, lahat na, susunod na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero alam n'yo kasi, siguro nagtataka sila kung bakit ako sumagot ng ganito. Kasi, on our daily talks, ganyan kaming mag-usap ni Aga. We always talk about life.

"Talagang pinag-uusapan namin ang mga blessings at mga things na nangyayari sa buhay.

"We don't talk about work. It's just life."

Aga: "I'm just happy lang kasi I'm guesting here live.

"Gusto ko lang sabihin sa kanilang lahat yung pagkatao mo talaga. Like nakikita ka nilang ganyan.

"Minsan may nagsasabi na parang ang hirap kang abutin. But narinig naman nila yung mga sinabi ng mga friends mo from the industry, that is while you're working...

"Imagine, while you're not working, mas totoong tao ka pa talaga.

"Yun lang ang gusto kong ipaalam sa kanila. Kung gaano ka kabuting tao talaga. Coming from me and even from the kids.

"And you know what, we will always be forever grateful and thankful sa Panginoong Diyos na kasama ka namin sa buhay namin talaga.

"And that's the whole truth and nothing but the truth, so help me God!

"And now that it's your birthday, ano pa ang gusto mong mangyari sa buhay mo talaga?"

Charlene: "Ito na 'to, e. Like I've said, I already stopped asking.

"You can't change the path. You can only hope for the future.

"Pero itong present is the only time that you can make a difference.

"So, niyayakap ko lang ang moment na ito na bihirang mangyari."

Bukod kay Aga, may VTR surprise din ang kambal nila na sina Andres at Atasha.

Si Andres played "You Belong With Me" by Taylor Swift on guitar.

Sa umpisa, sinabi pa nitong, "I love you mommy—more than Taylor Swift."

Si Atasha naman, kumanta ng "Sana Maulit Muli."

Pareho ring present sa studio ng The Buzz ang kambal. Bukod sa kanilang mga VTR performances, may dala ring painting ang kambal para kay Charlene at tig-isang birthday card na binasa nina Aga at Charlene sa show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Present din si Luigi Muhlach, anak ni Aga kay Janice de Belen, kasama ang asawa nitong si Patty Muhlach—now seven months pregnant with their second child.

Si Charlene mismo ang tumawag kina Luigi at Patty sa stage para raw kumpleto na ang pamilya nila.

Dala rin nila ang birthday gift naman ni Aga para kay Charlene, na napa-react na lang ng 'Bongga!" nang makita kung ano ang regalo ng mister sa kanya.

Nahiyang ipakita ni Charlene ang gift ni Aga sa telebisyon na, obviously, mamahalin.

After mag-greet ni Luigi, kunsaan nagpasalamat ito sa kanyang Tita Charlene "for always being there," sinabi ni Charlene:

"Alam n'yo kasi kami ni Luigi, we had a long journey when he was a teenager, di ba? Nagkaroon kami ng ups and downs.

"But for now, Luigi is such a responsible person and a responsible boy.

"At para patunayan sa lahat na walang animosity between me and Luigi, ever. At mahal kita, alam mo 'yan."

Sa pahayag naman ni Charlene, naging teary-eyed si Aga.

Sa huli, nasambit ni Aga, "My Love, happy birthday. Happy birthday to you.

"And you know what, we just love you. We love you and we thank you. We thank you for everything. Salamat.

"We are what we are right now because of you."

Sabi naman ni Charlene, "Thank you...and thank you for being part of our lives.

"And let me say thank you also to my mom. Na talagang sobrang nandiyan siya para sa akin.

"She's not just my manager, but she's my mom. I can't live without my mom.

"Maraming-maraming salamat sa mommy ko who joins me every Sunday. Although hindi siya nagpapakita, nandito lang siya kasama ko all the time."

Dagdag naman ni Aga, " And you are what you are because of your mom."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN