Cesar Montano happy with career but not closing door on politics

IMAGE Noel Orsal

Cesar Montano has tried to enter politics several times, in vain, but he's not discouraged. Presently, however, his heart is not in politics, it's in showbiz.


Hindi nagkakalayo ang mundo ng showbiz at pulitika sa ating bansa.

Patunay rito ng ilang senador tulad nina Ramon “Bong” Revilla Jr., Jinggoy Ejercito Estrada, Vicente Sotto at Manuel “Lito” Lapid.

Nariyan din ang mga kongresistang sina Lucy Torres- Gomez, Lani Mercado, Shalani Soledad at Emmanuel “Manny” Pacquiao.

Isa sa mga artistang minsan nang sumubok na pasukin ang pulitika ay si Cesar Montano.

Taong 2007 nang tumakbo siya sa pagka-senador nang magbago ang isip ang Leyte Representative na si Jericho Petilla na tumakbo sa naturang posisyon sa ilalim ng TEAM Unity, ang partido ng dating Pangulo Gloria Macapagal-Arroyo.

Sumunod ay nang tumakbo siya bilang kandidato para maging gubernador ng Bohol noong 2010.

Sa mga halalang iyon ay hindi siya nanalo.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Cesar Montano noong Hulyo 2, sa pocket presscon ng Artista Academy na ginanap sa Annabel’s restaurant,T. Morato Ave., Quezon City.

Sinabi ng aktor na, sa ngayon, wala sa plano niya ang pulitika.

“Ngayon po, wala na akong time para diyan.

“Kasi dito pa lamang sa mga shows na gagawin ko sa channel 5, baka maubos na po [ang oras ko].”

Ang tinutukoy ni Cesar ay ang reality talent search ng Kapatid network na Artista Academy, na kanyang iho-host kasama si Marvin Agustin.

Ang desisyon ni Cesar na huwag munang pasukin ang pulitika ay hindi naman daw permanente.

Wala raw kasi sa pulitika ang puso’t isip niya ngayon, ngunit “I’m not saying I’m closing my doors.

“I’m happy with what I’m doing, I’m happy sa nangyayari sa buhay ko at this moment, for the next three days, for the next three weeks…

“Gano’n ako, e, nabubuhay ako sa bawat araw lamang, e.

“Kung ano ang mangyayari sa akin bukas dahil ‘yon ang binibigay ng Diyos, then, hallelujah!

“Ako, I’m where my heart is.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m happy with what I’m doing right at this moment, I go with the flow.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN