Angel Locsin reacts to Arnold Clavio's comments about Azkals not being pure Pinoys

IMAGE Allan Sancon / File photo

"Hindi ko kayo kakultura. Kasi wala dito (sabay turo sa kanyang puso) at wala dito (sabay turo sa kanyang ulo). Hindi naman kayo Filipino. Nagpapangap lang kayong kayumanggi. Hindi kayo dito lumaki, mahirap yun. Insensitive," says Arnold Clavio (right) while giving his opinion about the sexual harassment complaint against two members of Philippine Azkals.

Angel Locsin (left), rumored girlfriend of Azkals member Phil Younghusband, reacted to Arnold's sta


Photo by Allan Sancon / GMA-7


Naging mainit na usapin sa iba't ibang social networking sites ang binitiwang opinyon ng GMA-7 broadcaster na si Arnold Clavio tungkol sa sexual harassment complaint laban sa dalawang miyembro ng Philippine Football Team, ang Azkals, na sina Lexton Moy at Angel Guirado.

Matatandaan na noong unang linggo ng Marso ay lumabas ang balitang pag-alma ng anak ni dating Pangulong Fidel Ramos na si Cristy Ramos ukol sa pambabastos diumano na inabot niya mula kina Moy at Guirado.

Si Cristy ang kasalukuyang match commissioner ng Federation Internationale de Football Association (FIFA).

Nang magsagawa raw siya ng mandatory team check sa Azkals noong Pebrero 28, naringgan daw ni Cristy si Moy na sinabing "must be a B cup."

Maaaring ang tinutukoy raw ng football player ay ang size ng kanyang bra dahil siya lamang daw ang babaeng naroon noong oras na iyon.

(CLICK HERE to read related article.)

Subalit sa isang panayam sa team manager ng Azkals na si Dan Palami, sinabi nitong maaari umanong na-misinterpret lang ni Ramos ang naging pahayag ni Moy.

"They [players] were talking among themselves. There was a comment made by Denis Wolf about the flatness of Carli's [De Murga] chest, to which Lexton Moy replied, 'Just because you are Cup B you say that to Carli,' or something to that effect. Denis and Carli even hugged each other. It was all a joke," sabi ni Palami sa panayam sa kanya ng ABS-CBN News.

Inireklamo rin ni Ramos ang pagharap sa kanya ni Guirado na naka-underwear lamang.

Kaugnay ng mga reklamong ito ay nagbigay na ng kani-kanilang pahayag sina Moy at Guirado.

(CLICK HERE to read related article.)

ARNOLD CLAVIO AIRS HIS OPINION. Sa isang segment ng morning show ng GMA-7 na Unang Hirit kahapon, March 13, hindi naman napigilan ni Arnold Clavio na magbigay ng komento sa isyung sexual harassment na kinasasangkutan ng dalawang Azkals members.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Talagang aral na sa inyo 'yan. Ang yayabang n'yo.

"Akala n'yo porke't dinadagsa kayo ng mga fan, ang gaguwapo n'yo, e. Parang God's gift to women.

"E, alam ng lahat... ikinukuwento nga ni Cristina, lahat ginawa para ipaalam na may babaeng papasok sa locker, ilang katok nga sila, e.

"E, malapit na yung match, e. Kailangan ma-check na yung dalawang koponan. Dahil nauna yung Philippine Team bago yung Malaysia na team.

"Ngayon, nag-sorry para dun sa isa nilang kasamahan.

"Saan ka nakakita nga Azkals na may suso? Wala naman akong ma... Anong Cup B, maybe a Cup B, sa isa nilang kasama.

"Sana nag-sorry, sorry na lang talaga."

Naging mabigat din ang pahayag ng news anchor tungkol sa kaibahan ng kulturang kinalakihan ng karamihan ng Azkals.

Sa kaso ni Moy, purong Pinoy ito pero lumaki sa New York, U.S.A.; samantalang si Guirado ay Filipino-Spanish naman na lumaki sa Spain at hindi nakakapagsalita ng Tagalog o Ingles.

Pahayag ni Arnold, "Hindi ko kayo kakultura. Kasi wala dito [sabay turo sa kanyang puso] at wala dito [sabay turo sa kanyang ulo].

"Hindi naman kayo Filipino. Nagpapanggap lang kayong kayumanggi.

"Hindi kayo dito lumaki, mahirap yun. Insensitive."

Gayunman, nagbigay pa rin ng pagbati si Arnold para sa Philippine Football team na kasalukuyang lumalaban sa AFC Challenge Cup sa Kathmandu, Nepal.

Sabi ni Arnold, "Congratulations, hiwalay naman ito [ang sexual harassment complaint] sa kanilang ginagawang pakikipaglaban.

"So, good luck din sa inyong susunod na laban.

"Sana mapunta kayo sa Final 4 ha—na bihira pong narating ng Pilipinas sa matagal na panahon, ngayon lang."

ANGEL LOCSIN. Agad namang nakapukaw ng atensiyon ang Twitter post ng aktres na si Angel Locsin tungkol sa mga sinabi ni Arnold.

Si Angel ang napapabalitang girlfriend ng Azkals player na si Phil Younghusband.

Kaninang madaling-araw, March 14, ay nag-post ang Kapamilya actress ng mensaheng ito sa Twitter:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I think arnold clavio's a good person. But this time, sobrang foul lang. That's his opinion. This is mine. Madali lang sumira ng reputasyon, mahirap ibalik. Konting sensitivity lang sana."

Ang tinutukoy ni Angel dito ay ang naging pahayag ni Arnold tungkol sa hindi pagiging purong Pinoy ng karamihan sa Azkals.

Sinagot din ni Angel ang isang Twitter user ng: "hindi naman po isang tao lang ang azkals. At hindi naman po yung issue yung pagiging pinoy nila. Unfair po yun."

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa anumang pahayag na gustong ipalabas ng magkabilang kampo tungkol sa usaping ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN