Phil Younghusband happy to work with girlfriend Angel Locsin in his first acting experience

IMAGE Noel Orsal

Phil Younghusband on his first acting experience: “I feel very proud that [my first] experience [in acting], it's with Angel—with someone like Angel and with someone like Robin and Vhong. So, that’s the thing I enjoyed—being able to try acting with these respected actors.”


Kamakailan ay nag-guest si Phil Younghusband sa sitcom na Toda Max.

Ang naturang programa ng ABS-CBN ay pinagbibidahan nina Robin Padilla, Vhong Navarro, at ang kasintahan ni Phil na si Angel Locsin.

Ang paglabas daw ni Phil sa Toda Max ay isang paraan ng pagpu-promote ng football sa ating bansa.

Si Phil ay miyembro ng Philippine national football team, o mas kilala bilang Azkals.

“It was fun!” masayang sagot ni Phil nang kamustahin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang unang pagsabak niya sa pag-arte.

“But, uhm, I figured it was so difficult—acting.

“I admired Angel as an actress before. But seeing her in that environment, I was really awed and admired her more.

“Seeing what she goes through, it was really hard work, the talent you really need to succeed in acting.

“So, I really admire how she works.”

Nakapanayam ng PEP.ph at iba pang entertainment press si Phil kahapon, Mayo 15, sa isang mini-football clinic na naganap sa Music Hall ng SM Mall of Asia, sa Pasay City.

NEW EXPERIENCE. Bagamat nahirapan daw siyang umarte, masaya si Phil na may bago na naman siyang naranasang gawin.

Lalo pang naging masaya ang football player dahil si Angel ang kasama niya sa unang pagsabak niya sa pag-arte.

Aniya, “You need to keep trying something new.

“I mean, at that time, it was difficult. But looking back, it was a great experience.

“I feel very proud that [my first] experience [in acting], it's with Angel—with someone like Angel and with someone like Robin and Vhong.

"So, that’s the thing I enjoyed—being able to try acting with these respected actors.”

Naging mas madali rin daw ang kanyang trabaho dahil tinulungan siya ng Kapamilya actress sa mga dapat niyang gawin.

Sabay raw silang nagbabasa ng kanilang script. Tinuruan din daw siya ni Angel kung paano ang tamang pagbabato ng linya. Pinayuhan din siya nito na huwag masyadong magdepende sa script.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakatulong din daw ang mga pangungulit nina Robin at Vhong sa kanya sa set.

Kuwento ni Phil, “They really help me, Robin and Vhong.

"They are really nice to me, they make me feel at ease.

“They are very good actors.

“You know, acting with Robin, Angel, and Vhong, I feel very proud, I don’t feel intimidated.

“Vhong is very funny, and every time I will deliver a line, I’m trying not to laugh because Vhong is making me laugh.

“So I have very high respect for them, and I really admire what they do.”

Ngunit nang amin siyang tanungin kung pagkatapos ng kanyang appearance sa Toda Max ay mas magiging visible na siya sa telebisyon, ito ang naging sagot ni Phil:

“Like what I said before, if it’s about football and it’s about promoting football, who knows, maybe [I’m doing it] if the story has a link to football, something like that.

“I need to be in my comfort zone.

"So for now, it’s apparently about football.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN