Dingdong Dantes begins shooting MMFF movie with Angel Locsin and Angelica Panganiban

IMAGE Courtesy of Perry Lansigan

Kapuso actor Dingdong Dantes gets to work for the first time with former GMA-7 talent and now Kapamilya actress Angel Locsin in the Star Cinema movie One More Try, an entry to the Metro Manila Film Festival 2012.


Nagsimula nang rumolyo ang kamera para sa entry ng Star Cinema sa Metro Manila Film Festival 2012—ang One More Try na pagsasamahan sa kauna-unahang pagkakataon nina Angel Locsin, Angelica Panganiban, at Dingdong Dantes.

Mula ito sa direksiyon ni Ruel Bayani na nagdirek ng blockbuster movie na No Other Woman.

Nagsimula ang shooting ng pelikula sa Baguio noong Sabado, June 23.

Mga eksena nina Angel at Dingdong ang mga unang kinunan sa Baguio at nagpunta rin sila ng Benguet noong Linggo naman para sa isa pang eksena.

Si Angelica Panganiban naman ay umakyat ng Baguio noong Sabado ng hapon para sa isa niyang eksena. Pagkatapos nito ay bumaba rin siya agad pabalik ng Maynila.

Base sa mga nakasaksi sa ilang lokasyon na pinagsyutingan nina Angel at Dingong, madalas daw maraming tao na nanonood.

VACATION WITH MARIAN. Sa pamamagitan ng text messages ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong.

Kagagaling lang ni Dingdong sa New York, Canada, at Spain.

Nagkaroon ng shows si Dingdong para sa celebration ng Philippine Independence Day sa New York at Canada. Nakasama niya ang kasintahan na si Marian Rivera sa show sa Canada.

Pagkatapos nito ay dumiretso na sina Dingdong at Marian sa Spain para sa maikling bakasyon.

Ayon kay Dingdong, naging matagumpay ang shows na ginawa nila abroad at naging masaya ang naging pagbabakasyon nila.

“The trip was great! Masaya ako na nakita ko ang mga kababayan natin all gathered to celebrate Philippine Independence.

“Kahit pa nasa abroad sila, damang-dama ang spirit of being a proud Filipino.

“Because of how receptive and game the crowd was in New York City, lalo kaming ginanahan nina Aljur [Abrenica] at Rachelle Ann [Go] na mag-perform para sa kanila.

“Sa Canada naman, ganoon din. Napakaraming tao sa loob ng coliseum na ‘yon.

“Masaya ang mga Filipino dahil kasabay rin ng gabing yun ang laban naman ni Manny Pacquiao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya lahat ay sabay-sabay na nanood, pagkatapos nilang sayawin ang ‘Sabay-Sabay Tayo’ ni Marian Rivera.”

FIRST SHOOTING DAY. Pagbalik ni Dingdong sa Pilipinas ay sumabak na siya agad sa shooting ng One More Try.


Noong Biyernes, June 22, umakyat ng Baguio ang Kapuso actor. Kinabukasan, Sabado, ang first shooting day niya.

Kumusta naman?

“First shooting weekend gifted us all with a relaxed environment and atmosphere to make us, actors, slowly slide in our characters.

“It was fun and, at the same time, gave me a preamble of how promising this movie will be,” sabi ni Dingdong sa text message niya sa PEP.

Kumusta naman ang pakikipagtrabaho niya sa leading ladies niyang sina Angel at Angelica?

Si Angelica ay nakasama na ni Dingdong sa Segunda Mano, habang si Angel naman ay unang beses pa lang niyang nakatrabaho.

Ayon kay Dingdong, “Meron silang kani-kanyang unique na paraan para maipakita ang kanilang galing o talent on screen. They truly are professionals.

“Again, it is a rare privilege that was given to me by my home network to work with Star Cinema again and be directed finally in the big screen by Ruel Bayani.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN