FIRST READ ON PEP: Phil Younghusband declares Angel Locsin is now officially his girlfriend

IMAGE Noel Orsal

“I’ve always said we fall more and more in love with each other. And I think love and happiness are the real words that could describe our relationship,” says Phil Younghusband on his relationship with girlfriend Angel Locsin.


Sa wakas ay umamin na rin si Phil Younghusband sa tunay na estado ng relasyon nila ni Angel Locsin.

Kahapon, June 25, sa press launch ng Clear Dream Match sa Rockwell Tent, Makati, kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa 24-year-old Filipino-British football player si Angel.

“We’re very, very good. We’re very, very happy.

“She’s started her new movie, so she’s gonna be very busy, but we’re very, very happy,” nakangiting sagot ni Phil sa tanong ng PEP, matapos na makipag-usap sa ilang sports writers na dumating din sa event na iyon.

Pero kung noon ay palaging malabong mga sagot ang sinasabi nina Phil at Angel kapag tinatanong sila sa tunay na estado ng kanilang relasyon, ngayon ay sigurado na at confident na inamin ni Phil na officially on na sila ng 27-year-old actress.

“We’re officially together. We’re girlfriend and boyfriend,” buong pagmamalaking balita ni Phil.

“I’ve always said we fall more and more in love with each other. And I think love and happiness are the real words that could describe our relationship,” dagdag ni Phil.

Kailan naman ibinigay ni Angel ang matamis niyang “oo” kay Phil?

“A few weeks ago… May 27,” nakangiti pa ring sagot ni Phil.

Isang taon na ang nakalipas mula nang unang mag-tweet si Phil kay Angel. Tinanong nito ang dalaga kung may pagkakataon ba itong lumabas sila at mag-date.

Matapos nga ang isang taon, nagbunga na ang panunuyo ng Philippine Azkals top striker sa Kapamilya.

At hindi nagbabago ang mga sinasabi niya noon tungkol sa kanyang pagmamahal kay Angel.

“I want a future with Angel and I want to have more happiness with Angel,” deklara uli ni Phil.

Sa ganitong tono ng pagsasalita ni Phil, susunod na kaya sa pagkakuha niya ng matamis na "oo" ni Angel ang paghingi na ng kamay nito para sa kasal?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s too early to plan that. I’ve always said I want to have a future with Angel, but no plans of wedding yet.

“We have to work first, and things like that.

"But, as I’ve said, I want to have a future with Angel and I look forward to more happiness with her,” pag-ulit pa ni Phil sa tinuran niya kanina.

PHIL VS. JAMES. Samantala, nakatakdang umalis sina Phil at ang kapatid nitong si James patungong England upang asikasuhin ang ilang bagay sa kanilang pamilya roon.

Ngunit pagkatapos daw niyon ay balik-practice siya para sa Loyola Meralco Sparks at sa Philippine National Football Team na Azkals.

Nakatakda ring makipagpaligsahan si Phil sa kanyang kapatid na si James sa pamumuno ng dalawang koponan ng football players na maglalaban sa August 25 sa University of Makati football field.

Binansagang Clear Dream Match, pipili sina Phil at James ng tig-dalawampung football players mula sa Top 40 na iboboto ng mga pupunta sa Facebook page ng Clear.

Hindi basta-basta ang mga magiging miyembro ng teams nila, dahil hindi lang top football players kundi mga celebrity pa ang mga kasali sa mga pagpipiliang players.

Kabilang sa celebrities na maglalaro sa football match for a cause na ito—para sa Tuloy Sa Don Bosco Foundation—ang Brazilian models na sina Daniel Matsunaga, Fabio Ide, at Hideo Muraoka; United Football League players na sina Anton del Rosario, Nate Burkey, Freddy Gonzales, at Eric Dagroh; Philippine Volcanoes members na sina Andrew Wolff at Eric Tai; at maging ang Kapuso actor na si Steven Silva at TV5 executive and TV host na si Paolo Bediones.

Sabi ni Phil, “I need to look at the list thoroughly and to know who the players are.

"I want to know how they look physically and what sports they do, things like that.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So I need to look at the list and think about it, so I can beat my brother."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN