Robin Padilla and his brothers still in "state of shock" over BB Gandanghari; still calls BB "Rustom"

IMAGE Noel Orsal / Alquin Flores

Robin Padilla (left) says he cannot turn his back on his brother Rustom Padilla/BB Gandanghari (right) despite what he/she did to himself/herself. "Bilang kapatid, oo..." says Robin about accepting BB as still a family member. "Pero sa mga paniniwala... magkaiba kami ng tinatahak."


Aminado si Robin Padilla na hanggang ngayon ay nasa "state of shock" pa rin siya at ang kanyang mga kapatid dahil sa nangyayari ngayon sa kapatid nilang si Rustom Padilla—o mas kilala ngayon bilang BB Gandanghari.

"Shocking pa, e... nasa state of ano pa kami... shock. Kaya medyo..." nabanggit nga ni Robin sa harap ng nag-iinterbyu sa kanyang mga miyembro ng press, kabilang na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), kaninang hapon, Marso 21, sa presscon ng Moneygram International sa Crowne Plaza Hotel, Pasig City.

Si Robin ang celebrity endorser o brand ambassador ng nabanggit international payment services company.

"Lalo na ako," dagdag pa ni Robin sa pagiging shocked nga ng magkakapatid na Padilla kay BB Gandanghari.

Ibig bang sabihin ay talagang hindi pa rin tanggap ni Robin si BB?

"Naku, napunta na sa ano..." biglang baling ni Robin sa photo wall na may logo ng bago niyang iniendorsong produkto na ikinatawa naman ng mga kausap niya.

Bago kasi ang interview portion ng press sa action star ay sinabihan na ang press na kung maaari ay huwag nang magtanong tungkol kay BB.

Pero dahil nabanggit na rin lang ni Robin si Rustom/BB ay tinuluy-tuloy na ng press ang pagtatanong tungkol sa kapatid niyang ito.

"Darating tayo diyan, isang araw.

"Sa ngayon, hindi kami okey ni Rustom," pag-amin ng Toda Max star tungkol kay BB.

Pero hindi naman daw ibig sabihin nito na tatalikuran niya ang kanyang kapatid dahil sa ginawa nito.

Sa kabila kasi ng lahat ay kapatid pa rin daw niya ito.

"Bilang kapatid, oo, siguro," ani Robin tungkol sa pagiging kapatid pa rin niya nito. "Pero sa mga paniniwala... magkaiba kami ng tinatahak."

MARIEL WANTS ROBIN TO BE HAPPY. Sa ngayon daw, ang asawa ni Robin na si Mariel Rodriguez pa lang ang nakakausap nang husto ni BB.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Obserbasyon nga ng mga nakapanood sa interview ni Mariel kay BB sa showbiz talk show ng TV5 na Paparazzi noong Linggo, March 18, tila close na ang maghipag.

(CLICK HERE to read related story.)

"Hindi siya papayag," kontra naman ni Robin.

"Sasabihin sa 'yo ni Mariel, 'Hindi. Concerned lang ako sa asawa ko.'

"Si Mariel, ginagawa niyang lahat 'yan, kasi gusto niya, masaya ako.

"Hindi dahil gusto niyang makipag-close kay BB, o gusto niyang makipag-close kay Royette [Padilla, nakatatandang kapatid ni Robin].

"Ano siya, e. Para siyang ano ng pamilya, daan, para magkausap-usap," pag-appreciate pa ni Robin sa asawa.

MOMMY EVA. At kung silang magkakapatid naman daw ay shocked kay BB, ang pinaka-relaxed naman daw sa kanila ay ang itinuturing ngayon na "best friend" ng asawa niya sa pamilya na si Mommy Eva Cariño.

"Si Mama, siya ang pinaka-relaxed sa lahat.

"Siyempre, ano na siya, e... Alam naman niyang ang kanyang mga anak ay matatanda na... Alam na yung mga ginagawa.

"So, si Mama na lang yung tagangiti, tagapayo...

"At si Mama pala yung partner ni Mariel. Best friend ni Mariel.

"Sumbungan ni Mama si Mariel," bida pa ni Robin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN