Toni Gonzaga on working with Robin Padilla again: “Sabi ko naman before, kahit naman noon-noon pa, I’m open to work with anybody.”

IMAGE Noel Orsal

Toni Gonzaga openly says that she has moved on, so has everyone else involved, after the events that happened two years ago. Toni is involved in various projects and personal activities that keep her busy nowadays and she says she'd be delighted to do more if given the opportunity.


Nag-guest si Toni Gonzaga sa sitcom ng ABS-CBN na Toda Max, na pinagbibidahan nina Robin Padilla, Vhong Navarro, at Angel Locsin.

Marami ang nakapansin sa nakatutuwang chemistry nina Toni at Robin.

Matatandaang may pelikulang pagtatambalan dapat ang dalawa sa Star Cinema, pero nagkaroon ng aberya at mga intriga kaya na-shelve ang proyekto.

Marami rin sa mga tagahanga ng dalawa ang nadismaya dahil mukha sanang papatok ang pelikulang ito kung natuloy lang.

MOVING ON. Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Toni sa ASAP noong Linggo, May 6, sinabi niyang bukas siyang makatrabaho uli si Robin kung mabibigyan siya ng pagkakataon na makasama ito sa proyekto ng ABS-CBN.

“Sabi ko naman before, kahit naman noon-noon pa, I’m open to work with anybody.

“Wala naman akong problema, basta okay ang schedule namin.

"Hindi naman tayo namimili ng katrabaho—okay ako kahit na ano.

“Saka that was two years ago, 2010 pa nangyari yun—2012 na.

“Actually nung 2010 pa lang, nakapag-move on na kaming lahat.

“E, hindi na naman iniisip pa yung mga issues before, hindi na kami nag-dwell dun so everything was so smooth na.

“Nakakatuwa nga kasi naaalala ko nung mga first shooting days namin ng mga movie with Robin, coma ako, hindi ako nagsasalita.

"Sabi nga niya sa akin, ‘Wow, in fairness ngayon nagkakabatuhan na tayo ng linya.’

“Sabi ko, ‘Oo nga e. Yun ang una niyang sinabi sa akin.

“Saka sa tingin ko, hindi na magkakaroon ng issue. Siguro noon nagkaroon ng kung anu-anong mga issues…

“Pero siguro feeling ko naman, wala na, tapos na yun.

"Nag-move on na tayong lahat, masaya na ang lahat sa kanya-kanyang buhay.

“Hindi na natin inaaalala kung ano ang mga nangyari noon.”

ALL’S WELL. Tiniyak din ni Toni na wala siyang pagkailang na naramdaman sa unang eksena nila ni Robin sa Toda Max.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala, e, kasi nakikita ko na siya sa compound ng ABS, nagkakabatian na kami, so it’s not like the first time na nagkita kami ulit.

“Although it was our first time after two years na nagkaeksena kami uli.”

BILLING ISSUES. Nabalita noon na isa sa pelikulang nakalinyang gawin sa Star Cinema ay ang pagsasama nina Toni, Angel Locsin, Angelica Panganiban, at Bea Alonzo sa isang pelikula.

Paano kung hindi pumayag ang kahit isa sa kanila kung sino ang dapat na mauna sa billing o mahuli?

“Wala akong problema sa billing, sa check ako magkakaproblema!" natatawang biro ni Toni.

Pero bawi niya, “Hindi, wala akong problema sa billing.

“Basta malaking karangalan na yun na makatrabaho ko ang tatlong magagaling na aktres ng henerasyon na ito.

“It’s once in a lifetime opportunity na mapagsama kami sa isang proyekto.

“Siyempre, alam naman ng Star Cinema yun, so maaalagaan kaming lahat dahil alam naman nila ang forte ng isa’t isa.

“Nag-usap nga kami ni Angel nung nag-guest ako sa Toda Max, sabi niya, ‘Kumusta ka naman? Nakarating ba sa iyo na may pelikula tayong gagawin?’

“Sabi ko, ‘Oo nga.’

"Nasa trabaho ako nung nabalitaan ko na magkakasama sila nina Bea at Angelica.

“Tinanong ko siya kung totoo bang kasama ako.

“Naku, siguraduhin ninyo, naka-ready na ang mga requirements ko, call time na lang ang hinihintay!”

HOSTING BLUES. Bukod sa Pinoy Big Brother Teen Edition 4 at ASAP, napapanood din every Sunday si Toni sa The Buzz.

Aminado ang TV host/actress na may disadvantages at advantages kapag isang artista rin ang host sa ganitong showbiz-oriented show.

Aniya, “Okay naman kami sa The Buzz, masayang-masaya pa rin kami.

“I learn something every week from Tito Boy [Abunda], Ate Charlene [Gonzalez] at mga isyung tinata-tackle namin.

“May advantages at disadvantages din.

"Siguro yung advantage ay may mas alam ka sa nangyayari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro yung disadvantage naman, you know too much na minsan, mas mahirap pa... mas marami kang alam sa kapwa mo artista.”

EXTRA LESSONS. Nabalita rin na nag-aaral magluto si Toni na inakala tuloy ng iba ay preparasyon niya para sa nalalapit na pag-aasawa.

Pero paglilinaw niya, “Sobra naman kayo, pagluluto lang asawa na agad? Di ba puwedeng paglilinis muna ng bahay?

“Kasi kapatid ko yung una na nahilig sa pagluluto so sumunod din ako.

“Marami akong inaaral—nagbo-ballroom dancing ako, cooking lessons... lahat ng lessons.

“Ang sarap pala ng feeling na marunong kang magluto kasi favorite channel ko yung Lifestyle Network.

“Saka ang pag-aasawa, hindi naman ‘ata pinaghahandaan ang pag-aasawa, dumarating talaga ‘yan… darating tayo diyan," saad niya.

GOING STRONG. Bukod sa maaayos ang takbo ng kanyang relasyon sa boyfriend na si Direk Paul Soriano, very proud din si Toni sa mga awards na tinatangap ni Paul para sa pelikulang Thelma.

“Okay na okay naman kami," nakangiting sabi ni Toni.

"He’s leaving for the States sa buong month ng June.

“’Tapos sa Mexico, he would be attending the filmfest in Mexico.

“Marami ng napalanunang awards si Kumpadre [Paul].

“Recently sa Pasado Awards, pumasa rin naman sa hurado.

“Natutuwa naman ako sa kanya kasi he’s also doing well in advertising and in his chosen craft, so dun muna kami naka-focus.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN