Part 2. Mariel Rodriguez on asking "sister-in-law" BB Gandanghari about sex change: "I don't have to ask it anymore."

IMAGE Alquin Flores

Mariel Rodriguez on acceptance of Padilla family to BB Gandanghari's new personality: "Kung siya nag-no comment, e, di sino ba naman ako para mag-comment, di ba? Mas lalong ako ang pinakawalang karapatan para mag-comment on her behalf para sa family nila. So, kanina, nasasagot ko dahil yung tungkol kay Robin. Yun, may kaunting karapatan doon."


Matapos ang interview ni Mariel Rodriguez kay BB Gandanghari sa Paparazzi kahapon, March 17, muli siyang humarap sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at nagpaunlak ng pagpapatuloy ng panayam sa kanya.

BB INTERVIEW. Bakit nga ba siya ang natokang mag-interview kay BB?

"Kasi yun talaga ang napagkasunduan talaga nilang dalawang magkapatid [BB and Robin] na uuwi siya dito, 'tapos mai-interview ko siya.

"So, very thankful ako kasi grinant niya yung interview yun sa akin."

Marami ang nabitin sa interview niya kay BB sa show. Feeling ng mga nakapanood, marami pang puwedeng itanong at sagutin si BB kaya lang ay kulang na sa oras.

Nabitin din pala si Mariel sa ginawa niyang panayam kay BB.

"Sayang nga, e, kasi we were pressed for time.

"Pero feeling ko naman, yung important na questions, naitanong ko. Yung tungkol sa kanyang ano... sex change.

"Kasi yun talaga yung maraming gustong makaalam at gustong tuldukan, siyempre.

"Kanina naman, she said na ang nakakaalam lang what's in between her legs ay siya and, hopefully, yung partner niya.

"Dahil doon sa sinabi niyang 'hopefully yung partner,' doon ko na nakuha na I don't have to ask it anymore, wala."

Napag-usapan ba nila ang tungkol sa sex change noon?

"Tinanong ko rin siya before, sabi niya... Ano bang sabi niya sa inyo?" putol niya sa susunod na sasabihin para marahil i-check kung may sinabi bang kumpirmasyon o mas malinaw na pahayag si BB tungkol dito nang kausapin siya ng press pagkatapos ng one-on-one interview niya.

"Ang alam ko, right now, she's single," halatang umiiwas na sagot ni Mariel.

Muli naming tinanong si Mariel kung napag-usapan ba talaga nila ang tungkol sa sex change nang dumating si BB sa bansa.

"Ahm, sinabi ko sa kanya na 'I'm gonna have to ask you.' Kasi nahihiya ako... I don't know how to start it, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ka naman maggu-go up to anyone and say na, 'So, ano? Nagpaano ka ba?' Di ba? Hindi mo yun gagawin.

"What more your sister-in-law. Siyempre, may respeto ako dahil kapatid ito ni Robin.

"May respeto ako sa lahat ng ini-interview ko, mas lalo yung respeto ko dahil kapatid ito ni Robin.

"Medyo nagbigay ako ng kaunting pasintabi... I wil have to ask what people want to know.

"And bilang hindi naman bago si BB Gandanghari sa industriya, alam niyang kasama naman yun."

ACCEPTANCE. Kumusta naman ang pakikitungo ni Robin kay BB nang makita niya ulit ang kapatid sa get-together party nila?

"Siyempre, nagkagulatan. Hindi naman mawawala yun.

"Siyempre, love ni Robin si BB bilang kapatid.

"So, siyempre, kung ano yung magpapasaya kay BB, sino ba naman siya para hadlangan yun?" sabi ni Mariel.

Sa palagay ba ni Mariel ay tanggap na ni Robin ang pagkatao ngayon ni BB?

"Uhm... ako ang pananaw ko... personal view ko ito, ha? Robin, bilang isang kapatid, tanggap niya yun dahil kapatid niya yun, e.

"Pero Robin, bilang isang Muslim, mahirap. So, doon nagkakaroon ng... may kaunting...

"Siyempre ano, even on my part, hindi ko naman siya puwedeng, 'Okey ka lang ba?'

"Hindi ko naman siya puwedeng ganunin. 'Game ka ba? Okey ka ba?'"

Mababanaag sa mukha ni Mariel ang pagkaaliw at pagtanggap nito kay BB.

"Siyempre, wala namang hindi... kasi hindi ko naman nakilala si Rustom, e, you know? Si BB ang kakilala ko.

"I mean, si Rustom, na-meet ko siya sa PBB kasi naghu-host ako nun. Doon ko siya nakilala.

"Pero yung nakausap, never ko talagang nakausap si Rustom.

"Since nung pumasok ako sa pamilya nila [Padilla], si BB na po ang nakilala ko.

"So, parang bakit hindi naman ako matutuwa, e, yun ang kakilala ko? So, hindi ko alam ang difference."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi sinagot ni Mariel ang tanong kung okey lang ba si BB sa ibang miyembro ng pamilya Padilla dahil nag-no comment si BB sa tanong ni Mariel kung tanggap ba siya ng buong pamilya.

Sabi ni Mariel, "Kung siya nag-no comment, e, di sino ba naman ako para mag-comment, di ba?

"Mas lalong ako ang pinakawalang karapatan para mag-comment on her behalf para sa family nila.

"So, kanina, nasasagot ko dahil yung tungkol kay Robin. Yun, may kaunting karapatan doon."

BB'S MANAGER? Sa kanya ba ipinagkatiwala ni Robin si BB habang nandito ang kapatid? Halos lahat kasi ng events niya ay si Mariel ang nag-aayos at namamahala.

"Uhm, hindi, hindi. Dito po nagtatapos sa interview na ito para lang maitawid yung interview na ito.

"Actually, she's staying with the other sisters, si Ate Rema.

"Yun naman si Ate Rema ang nagbigay sa kanya ng BB Gandanghari [na pangalan]. They're very close, sinundo pa siya sa airport."

Sino ba ang manager ni BB?

"Feeling ko nga, at point, kasi ang daming nagti-text sa akin, manager ba ako ni BB?

"Ang daming nagti-text sa akin, 'Puwede ba namin ma-interview si BB? Can I get in touch with BB?'

"So, ako naman, reply naman ako.

"Pero yung time na yun, hindi ko masabing sa akin ang first interview. Siyempre, si BB na yung nag-ano."

PASSPORT INTERVIEW. Ginagamit pa rin ba ni BB ang dati niyang pangalang Rustom Padilla sa kanyang passport?

Ang karamihan kasi sa mga transvestite, hindi ang aliases o bago nilang pangalan ang ginagamit nila sa passport kundi ang dati nilang pangalan.

"Alam mo, napakagandang tanong 'yan... Actually, I know, but I don't know if I should say kasi she's now BB Gandanghari.

"May alam ako, pero... sana tinanong ninyo siya kanina.

"Actually, marami ang nagtatanong sa akin niyan.

"Yun talaga ang mapaisip ka sa passport. Pero yung picture, paano na yun?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero, di ba, kahit sunglasses, eyeglasses, cap, pinatatanggal sa Immigration?" iwas niyang sabi.

Pinatotohanan naman ni Mariel na tunay na buhok ni BB ang nasa ulo niya.

Pero umiwas siyang sagutin kung totoo ba o hindi ang dibdib ng hipag.

Pero hindi raw ang boobs ang napansin ni Mariel kundi ang kabuuang babae ni BB.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN