Mariel Rodriguez reveals Robin Padilla and BB Gandanghari are not yet okay: “Hayaan muna natin sila… bigyan natin sila ng time.”

IMAGE Alquin Flores

Mariel Rodriguez has scrapped her plans to have a luau-themed gathering for husband Robin Padilla's family. Instead, she says that they plan to go Morocco for Robin's "religious recollection." Following Muslim tradition, Mariel reveals that she doesn't eat pork anymore.


Hindi na matutuloy ang naunang plano ni Mariel Rodriguez na magdaos ng kanyang Holy Week sa tahanan ng biyenang si Mommy Eva Cariño Padilla sa Nueva Ejica.

Kasama sana ni Mariel ang mister niyang si Robin Padilla pati ang ibang mga kapatid nito—kabilang si Rustom na ngayo’y kilala na bilang si BB Gandanghari.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Mariel pagkatapos mag-guest co-host sa live airing ng Paparazzi noong nakaraang linggo, ibinalita niyang malabong matuloy ang reunion ng mga Padilla ngayong Semana Santa.

“Dapat talaga magiging family affair yung Holy Week,” sabi niya.

“Dapat kasi sana I was going to put... bring the whole [Padilla] family together—yung mga anak ni Kuya Rommel, mga anak ni Kuya Royette, si BB, yung mga sisters nila, lahat ng mga anak ni Mommy Eva.

“Kaya lang, medyo hindi nga okay pa yung state ni BB at saka ni Robin.

“Hindi pa talaga sila nag-uusap… Hayaan muna natin sila, bigyan natin sila ng time.

“’Pag okey na, saka na lang ituloy uli."

HAWAIIAN LUAU. Sa pagkakaalam namin, natanggap na ni Robin si BB.

Bago pa umalis si BB patungong Amerika noon, nasasabi na ni Robin ang bagong pangalan ng kanyang utol.

“Yes. Actually, oo, totoo.

“Kaya nga medyo nagugulat nga si BB.

“Actually, medyo because yung luau [Hawaiian theme party], first time ni Robin na makita si BB na naka-skirt.”

“Feeling ko, baka may kinalaman dun,” suspetsa ni Mariel.

Dagdag pa niya, “Naka-two-piece… bikini top.

“Kasi, di ba, luau yung party? So, naka-bikini top yung lola mo, 'tapos naka-dress siya [BB].

“Nakita yung dito,” sabay turo nito sa kanyang tiyan.

“Feeling ko, doon siya [Robin] nagulat.

“Ayoko namang siguraduhin kasi baka hindi naman doon… feeling ko lang, ha.

“Parang hindi inaasahan ni Robin na makita ang kapatid niya sa ganoong ayos.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MOROCCO TRIP. Hindi na gustong mag-effort pa si Mariel na ituloy ang get-together ng buong pamiya ni Robin kaya hindi na niya itutuloy ang naunang plano.

Sa halip, isang trip abroad na lang daw ang gagawin nila ni Robin.

“We’re gonna go to Morocco na lang—ako, si Robin, si Queenie.

“Kasi si Kylie, pupunta ng Baguio, magmumuni-muni si bagets,” kwento ni Mariel.

Sina Queenie at Kylie ay mga anak ni Robin sa una nitong asawa na si Liezl Sicangco.

Aalis daw sina nina Robin ngayong Martes (April 3). Babalik sila ng Lunes (April 9) dahil live na raw ang airing ng Wil Time Bigtime, kung saan isa si Mariel sa mga co-host ni Willie Revillame.

Hindi lang pasyal ang gagawin nina Mariel at Robin sa Morocco, mayroon ding religious recollection doon ang mister niya.

Kuwento ng TV host, “Kasi actually ang Morocco is an Islamic country—98 percent, Islam ang religion nila.

“Gusto rin ni Robin na makita yung lugar… first time naming lahat!

“May Filipino kaya doon?” excited na tanong pa ni Mariel.

TRADITION. Tungkol naman sa pagkain, sinabi ni Mariel sa PEP na hindi na siya kumakain ng pork o karne ng baboy.

Ito ay bilang respeto sa relihiyon ni Robin na Islam.

“Yun lang ang ni-request ni Robin na huwag akong kumain ng pork.

“Kasi pala, ‘pag kakain ako ng pork, hindi niya ako puwedeng i-kiss!

“Ipagpapalit ko pa ba naman ang pork sa kiss?” tumatawang sabi ng host.

Dagdag pa ni Mariel, “So, ang kinakain ko na lang… beef, fish, chicken, vegetables—everything else is puwede, except pork.

“Pero na-realize ko na lahat pala laging may alternative.

“Kunwari, iniisip ko, paano na yung bacon?

"May turkey bacon. May chicken Vienna sausage... ang dami pala! Yung lechon, may lechong manok, di ba?”

Kapag kumakain daw siya sa kahit na anong restaurant, meron kaagad siyang ipinapakiusap sa food servers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi ‘pag nag-o-order kami sa restaurant, sinasabi ko na, ‘Wala pong baboy.’

“Kasi hindi naman nila sinasadya, like yung chorizo, baboy pala!

“Yung ham, ganun din.

"‘Pag naano [nakain] mo na, malalasahan mo.

“Sinasabi na talaga muna namin agad na ‘Wala pong baboy."

ABS-CBN COUNTER OFFER. Inusisa din ng PEP si Mariel tungkol sa diumano’y pagtatampo ng big bosses ng ABS-CBN sa kanya nang deadmahin niya ang counter offer ng network para hindi na siya lumipat sa TV5 at maging co-host ni Willie.

Paliwanag niya, “Kasi po, nung time po na nag-ano sila, wini-weigh namin nung time na yun… nakipag-usap na kami sa Will Prod.

“Nakapagbigay na ako ng word of honor ko… di ba, importante yun?

“Kasi 'pag wala kang word of honor, anong sinasabi sa pagkatao mo, di ba?

“Pero malinis akong umalis, walang away or samaan ng loob or anything... like yung parang ban ako?

"Wala namang ganon,” diin ni Mariel.

ROBIN’S PLANS. Tungkol naman sa mga plano ni Robin, gusto raw gawin ng asawa ang Kuratong Baleleng, ayon kay Mariel.

Gusto rin daw ni Robin na i-buildup ang kanyang mga pamangkin.

Pagdating naman sa kanyang sariling career, kuntento naman si Mariel.

Puwede siyang magdagdag ng trabaho basta’t hindi maaapektuhan ang hosting niya sa Wil Time Bigtime.

Hindi rin daw siya puwedeng tumanggap ng trabaho tuwing Linggo dahil yun ang bonding day nilang mag-asawa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN