Ai-ai delas Alas carries on with benefit show despite mom in hospital; Derek Ramsay a no-show

IMAGE Noel Orsal

Puno ang Zirkoh sa Tomas Morato, Quezon City kagabi (Saturday, October 29). Show kasi ni Ai-Ai delas Alas na The Biggest Laffter, isang fund-raising project ng Philippine Movie Press Club (PMPC). Special guest sana niya si Derek Ramsay. Pero last minute ay nagpasabi ang aktor na hindi makakasipot dahil may sakit daw.


Puno ang Zirkoh sa Tomas Morato, Quezon City kagabi (Saturday, October 29). Show kasi ni Ai-Ai delas Alas na The Biggest Laffter, isang fund-raising project ng Philippine Movie Press Club (PMPC).

Special guest sana niya si Derek Ramsay. Pero last minute ay nagpasabi ang aktor na hindi makakasipot dahil may sakit daw.

Balitang may mga nag-refund ng kanilang biniling ticket nang malamang wala si Derek. Pero ang nakakatuwa, may mga walk-in customers na nagbilihan ng ticket dahil gusto nilang mapanood mag-perform si Ai-Ai at ang pumalit kay Derek na si Erik Santos, na kasama rin ang Sakto Boys na sina Rodun Cruz at Lucky Mercado.

"Naintindihan ko kasi 'yong part na ang hirap no'ng gano'n," ani Ai-Ai sa PEP.ph (Philippine Enetrtainment Portal) matapos ang nasabing show.

"Kasi what if... kunyari lang, ha... kunyari siya 'yong bida, ako lang 'yong guest... paano mo i-i-explain?

"Mahirap kasing mag-explain sa tao, e. Mahirap talaga.

"Lalo na kapag nando'n sila, bumili sila ng ticket kasi gusto ka nilang makita, di ba?

"Natensiyon ako."

Paano siya naka-cope sa gano'ng nakakatensiyon na pakiramdam?

"Ay, kaya ko 'yon. Pero sinasabi ko talaga na... inapologize ko si Derek sa mga tao. Para... para for him din."

Nangyari na ba 'yon sa kaniya na may commitment siyang hindi sinipot dahil masama ang kanyang pakiramdam o nagkasakit siya?

"Kapag hindi ko talaga kaya, sinasabi ko agad-agad, palitan na ako."

Todo energy si Ai-Ai sa pagpe-perform at pagpapatawa. Pero after the show, saka lang lumabas sa bibig niya na bago siya dumating sa Zirkoh, may sakit pala ang kanyang ina at isinugod niya ito sa ospital. Naitago niya na meron siyang iniinda kaugnay ng kalagayan ng kanyang ina.

"Nakaka-stress actually pero... gano'n talaga, e. Di ba?

"Alangan namang... hindi ka naman puwedeng mag-perform at umiiyak ka diyan na... nagbayad ba sila para sabihin mong may sakit ang nanay mo? Siyempre hindi naman, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Minsan iyon ang ano ng artista, e. Gano'n talaga."

DEREK'S TWEET. Umaga pa lang, nag-tweet na sa Derek ng...

"I'm sorry Ms. Ai Ai, hindi talaga ako makakarating sa show."

"Ang sagot ko nga nang tumawag si Derek sa cellphone para mag-sorry sa mga tao na nag-expect na darating siya at makikita nga siya... 'No apology, just kiss me and don't dare fall in love with me!'" birong reaksiyon ni Ai-Ai na hiniram pa ang linya ni Anne Curtis na sinabi nito kay Derek sa pelikulang, No Other Woman.

Ipinarinig nga ni Ai-Ai through speaker ng cellphone ang paghingi ng paumanhin ni Derek na sinundan niya ng joke sa aktor na... 'Sayang, hindi ko mata-touch ang puwet mo!'

May mga pabirong nagku-comment tuloy sa mga naroon sa Zirkoh na... hindi raw kaya natakot na pumunta si Derek at nagdahilan na lang na may sakit dahil baka i-touch-touch ni Ai-Ai gaya ng nakaugalian na niya sa ibang hunk actors na nakasama na niyang mag-show?

"Aba! It's his honor! Na... ma-touch ko siya!" ang biro ni Ai-ai.

KISSING SCENE. Si Vic Sotto pala na katambal niya sa sinu-shoot nila ngayong Ang Tanging Ina Meets Enteng Kabisote, may nasabi kamakailan na... nagkatusukan na raw sila ni Ai Ai.

Ano bang tusukan na nangyari?

"Naghalikan na kami!" napahalakhak na sabi ni Ai Ai.

"Kaso may twist do'n. Kaya do'n kayo manood kung bakit kami nagkatusukan."

Masarap ba ang sinasabi nila ni Vic na tusukan na iyon?

"Oo, masarap!" sabay tawa ulit niya.

Matagal?

"Ah... very very light lang."

May preparation pa ba siyang ginawa bago kunan ang tusukan scene nila na 'yon?

"Meron naman.

"Siyempre nahihiya pa rin ako kay Bossing. Boss ko iyon, e.

"Di ba Boss ko 'yon? Amo ko iyon, e.

"Nakakahiya pa rin.

"Siyempre parati akong nagtu-toothbrush," napabungisngis si Ai-Ai.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nakakatawa kasi panay ang toothbrush ko talaga."

BEST ACTRESS. Sa part 1 at part 2 ng Tanging Ina, nanalo siya ng best actress award.

Dito kaya sa movie nila ni Vic, pang-award din ang performance niya?

"Okey lang.

"Okey na 'yong box office lang," sabay tawa niya.

"Okey na iyon. Meron na akong sa Metro Manila Film Festival, e," patungkol niya sa napanalunang acting trophy sa Tanging Ina N'yo, Last Na 'To last year.

"Okey na iyon na kahit isa, meron na ako."

Nakakadalawang best actress trophy na rin siya sa PMPC Star Awards For Movies (2007 for Ang Cute Ng Ina Mo and 2010 for Ang Tanging Ina N'yo, Last Na 'To). Ngayon naman, nominated siya for Best Single Performance By An Actress sa nalalapit na PMPC Star Awards For Television para naman sa mahusay niyang pagganap sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya.

"Thank you po. Marami pong salamat. Thankful ako at na-nominate ako."

Sa ilang beses na niyang pagkapanalo ng acting award, na-i-excite pa ba siya na muling tumanggap ng best actress trophy sakaling suwertehin na naman siyang magwagi?

"Siyempre naman. Kasi iyan 'yong pampalakas ko.

"At saka looking forward ako na magkaroon ng award kasi mas lalo ko pang ginagalingan.

"Sa isang artista kasi, ang sarap-sarap na nagkakaroon ka ng award. Kasi inspirasyon mo iyon.

"Na... napapansin ng mga taong magaling ka. Na... pinaghihirapan mo 'yong ginagawa mo. Masarap 'yon."

Bibihira ang kagaya niyang identified bilang mahusay na komedyante and yet, kapag nag-drama siya, kinikilala rin at siniseryo siya ng mga kritiko bilang isang mahusay na aktres.

"Masaya ako. Kasi kahit komedyante ako, nakikita nila na... 'Ah, itong baklang ito marunong naman palang umarte!' May gano'n.

"Nakakatuwa talaga na na-a-appreciate nila. Na... marunong naman akong umarte."

Sa bawat proyekto na kayang gawin o kada roles na i-portray niya, hindi naman daw siya nag-i-expect ng award. Ang nasa isip lang daw niya lagi ay pagbutihin ang anumang ginagawa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagkakataon lang na... marami akong awards!" nangiting biro pa ni Ai-Ai, patungkol niya sa Box Office Queen at ilang acting awards na kanyang napanalunan at maging sa titulong ikinabit sa kanya na Comedy Concert Queen.

"Kaya nga sobrang thankful ako. Lahat po ito ay blessings ni God."

BIRTHDAY PLANS. Birthday niya ngayong November 11, anong plano ?

"Wala. Dinner lang sa bahay."

Meron ba siyang birthday wish?

"Yon nga, maging successful sa box-office itong movie namin ni Vic. At sana rin, 'yon nanay ko mag-recover agad."

Ang love life?

"Wala! Waley. Dedma."

Wala sa hitsura niya na loveless siya ngayon?

"E... siyempre, gano'n talaga."

Siya ang itinanghal na Box Office Queen last year. At 'yong pelikulang pinagtatambalan nila ni Vic ngayon, inaasahan na magiging blockbuster sa takilya.

If ever, sila ni Anne Curtis (na female lead ng mega hit movie, No Other Woman) ang magiging mahigpit na magkatunggali sa gano'ng titulo.

"Okey lang 'yon.

"Maganda nga 'yon, e.

"The more the merries. The more the merrier!" natawa ulit na sabi ni Ai-Ai.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN