Hayden Kho, Jr. insists there is "NO infidelity issue" between him and Dra. Vicki Belo; apologizes to Nancy Castiglione

IMAGE Jerome Ascano (Vicki and Hayden)/Noel Orsal (Nancy)

"This issue stemmed not fr facts not rumors; but fr mindless & loveless faultfinding wc occasionally happens when 2 people hv a disagreement," Hayden Kho, Jr. posted on his Twitter account explaining the intriguing post of his fiancé, Dra. Vicki Belo, earlier today, February 10.


Ikinagulat ng mga followers ni Dra. Vicki Belo ang nai-post niya sa micro-blogging site na Twitter kaninang tanghali, Pebrero 10:

"nancycastilogne you can now openly date @haydenjr . You have my blessings . Hope you'll both be happy."

Ang tinutukoy ni Dra. Belo sa kanyang Twitter post ay ang singer-actress na si Nancy Castiliogne, na kilala rin bilang Nancy Jane.

Marami ang nagtaka sa tweet ni Dra. Belo at napaisip kung may problema na naman sila ulit ng fiancé niyang si Hayden Kho, Jr.

Marami rin ang naghinala na may kinalaman si Nancy dito.

HAYDEN EXPLAINS. Hindi rin nagtagal pagkatapos lumabas ang tweet ni Dra. Belo ay sumagot si Hayden tungkol sa isyung ito, gamit din ang Twitter.

Ani Hayden, "Before things go out of hand: Vicki and I are just having a misunderstanding. Don't make conclusions. There's NO infidelity issue here."

Ilang oras pa ang nakalipas, sunud-sunod na nag-post ng mga mensahe si Hayden sa kanyang Twitter account:

"I'd like to appeal to everyone to please hold your judgement. There has been a misunderstanding and it's gone out of proportion."

"I feel that the public doesn't have to get involved in this but since names have to be cleared and this issue involves the welfare of two innocent toddlers, I will have to speak out my piece, but at the right time. Thank you."

Paglilinaw pa ni Hayden, hindi sila nag-aaway ni Dra. Belo dahil kay Nancy.

Ito ang mga Twitter posts ni Hayden tungkol sa isyu kanina lamang:

"First off, I'd like to make it very clear that Vicki and I are not fighting because of Nancy.

"I have already apologized to Nancy for getting her name dragged into this minor bump in my relationship w/ Vicki.

"This issue stemmed not fr facts not rumors; but fr mindless & loveless faultfinding wc occasionally happens when 2 people hv a disagreement.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I understand that some will hv d urge to comment in jest or mockery to flame d issue; but I appeal 2u to keep ur jokes 2 urself."

"NO INFIDELITY ISSUE." Sa mga sumunod pang Twitter post ni Hayden, muli niyang nilinaw na walang "infidelity" issue sa pagitan nila ni Dra. Belo.

Sa halip, inihayag niya ang kanyang pagmamahal sa celebrity cosmetic surgeon.

"There is NO issue of infidelity here. As a matter of fact, Vicki & 1 have been doing very well in our relationship.

"And finally, since this is already public, I might as well say this in public- @vicki_belo, I love you.

"Let's all have a happy valentines day on the 14th.

"And yes, I love you more than Temple Run. @vicki_belo."

THE PROBABLE CAUSE. Hindi malinaw kung ano ang pinag-ugatan ng "misunderstanding" na ito sa pagitan nina Hayden at Dra. Belo.

Pero may ilang nagsasabi na nag-ugat ito dahil naging madalas ang interaksyon sa pagitan nina Hayden at Nancy kamakailan sa Twitter din.

Nagkainteres sa isang produkto ng Belo Medical Group si Nancy at nauwi ito sa pagbigay niya ng kanyang cell phone number kay Hayden upang mai-refer umano siya sa isang nagngangalang Dr. Lipana.

Ipinakilala pa ni Hayden si Nancy kay Dra. Belo gamit ang Twitter nang i-tag nito ang username ng kanyang nobya.

(CLICK HERE to read related article.)

May kaugnayan din marahil ang hindi pagkakaunawaang ito nina Hayden at Dra. Belo sa balitang hindi na raw matutuloy ang kanilang kasal.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN