Yoga instructor Al Galang insists he has nothing to do with Vicki-Hayden breakup; admits to "flirting" with Dr. Belo

IMAGE File photo / Noel Orsal

"You know, I did that letter. Back then, we had some flirting going on. No malice, walang intention," says yoga instructor Al Galang (main photo) about the letter (inset) he wrote for Dra. Vicki Belo.


Nagpaunlak ng live interview ang yoga instructor na si Al Galang sa The Buzz noong Linggo, February 26.

Naging prominente ang pangalan ni Al nitong mga nakaraang araw dahil sa pagkakadawit niya sa breakup nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho, Jr.

(CLICK HERE to read related story.)

Si Toni Gonzaga ang nag-interview kay Al, na katulad ni Dra. Belo ay yoga instructor din ng TV host-actress.

Ang unang tanong ni Toni kay Al ay kung ano ang pakiramdam nito sa pagkakadawit ng pangalan niya sa breakup nina Dra. Belo at Hayden.

"Same. With all this noise about it, nothing, really. Nothing changed at all," nakangiting sagot ng yoga instructor.

Ayon kay Toni, "one of the weirdest interviews" niya si Al dahil yoga instructor nga niya ito; gayundin ng kapatid niyang si Alex Gonzaga at iba pang mga artista.

Pero bago maging yoga instructor, naging commercial model at sumali rin si Al sa isang contest.

Kuwento niya, "I did one, isa lang. When I came to the Philippines, I joined Mossimo Bikini Summit.

"And it's fun. I guess everybody should try kahit isang pageant.

"Kahit talo ka talaga, kahit hindi bagay do'n, try mo kasi iba ang experience."

Bago siya naging yoga instructor, ano talaga ang career na gusto niyang i-pursue?

"As soon as I got to the Philippines, yoga ang reason ko talaga.

"Pumunta ko sa Pilipinas, December, after of 2006.

"And yung plano ko dati, yoga. I-spread ang yoga sa Pilipinas.

"Pero kung may free time ako, gusto kong i-try..."

SEXY PHOTOS. Sabi ni Toni, seksi at may hitsura raw si Al. Karamihan din daw ng sexy pictures niya sa Internet ay puro nakahubad o sexy.

"Oo nga, akala ko yung mga photos ko, may mga damit. Pero parang sa Internet, wala. Ang weird.

"Siguro ang mga tao, gusto nila i-spread na wala akong damit," biro naman ni Al.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, sino ang nag-spread ng mga litrato niya sa Internet?

"Hindi ako siyempre," sagot niya.

Bakit siya nagpa-picture ng ganoon?

"For buying!" natatawa nitong sagot.

YOGA INSTRUCTOR. Sideline lang daw talaga ni Al ang pagdi-DJ at pagpo-pose ng sexy o modelling. Yoga instructor daw talaga ang trabaho niya.

"I've been doing yoga for eight years na. I'm a teacher six years na.

"Yung studio ko, September 2007 hanggang ngayon," banggit ni Al.

Ang una raw naging kliyente ni Al ay si Cristalle Henares bago ang ina nito na si Dra. Belo.

Paano niya nakilala si Cristalle?

"Yung studio ko, neighbor ng Belo Medical sa Greenhills.

"Then, yung kaibigan ni Vicki, parang batchmate niya, nag-set up sa akin kay Vicki for private class."

Magmula nang naging kliyente ba niya si Dra. Belo ay madalas na ang pagkikita nila at may private session class sila?

"Hindi naman private class, it's a private group.

"Kasama niya kaibigan niya, kasama niya daughter niya. Kasama niya si Ruffa [Gutierrez]."

Gaano naman kadalas ginagawa ni Al ang one-on-one session with Dra. Belo?

"Dati pa. Once-a week before. Sobrang busy si Vicki so kung may time siya."

THE CLIENT. "Very personal" raw kasi si Al, ayon kay Toni, na nararamdaman niya kapag may session sila.

So, yun ba ang time na nakilala niya si Vicki?

"Siyempre you get to know your client."

Gaano siya ka-close kay Vicki?

"Close. I'm aware and I'm always been aware with personal matters to that extent," sagot ni Al.

Personal ba like nag-o-open up si Vicki sa mga problema nito 'tulad na lang kay Hayden?

"Not naman problem. It's not like she has many problems.

"Pero you know, 'Meron akong bad days,' sabi niya.

"'Okay, let's make it better.' Stuff like that."

Pero totoo ba na lumalabas sila ni Vicki, like group date?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Never group date. Dinner with friends, sa family niya," sagot ni Al.

Kuwento ni Toni, naalala raw niya minsan na noong nag-dinner sila ni Dra. Vicki ay dumaan daw si Al.

Dagdag naman ni Al, "Isang beses sabi niya, 'Al, may dinner ako kay Toni Gonzaga.' 'Sali ako,' sabi ko, 'I haven't seen Toni for a while.'

"So, I came there to check on you. Make sure you're doing okay."

Nag-o-open up din ba si Dra. Vicki tungkol kay Hayden?

"Actually hindi," sagot ni Al.

"Kasi, as far as I knew at that time, she hasn't really been having many problems. She's been doing well.

"Actually, they are engaged and will gonna get married.

"Actually all this issue about breakup, it's kinda new to me."

A FAVOR FROM DRA. BELO. Pagkatapos ng commercial break, kasama na ni Toni ang co-hosts niyang sina Charlene Gonzalez at Boy Abunda sa live interview ni Al.

Kuwento ni Toni, noong Thursday raw dapat ang interview nila ni Al. Pero mas ginusto raw ng yoga instructor ang live interview para walang ma-edit sa sasabihin niya.

Dagdag na impormasyon naman ni Charlene, backstage, kasama raw ni Al ang ilan sa mga empleyado ni Dra. Belo. Paano niya ito ie-explain?

Sabi ni Al, "You know, I asked Vicki a favor. 'I'm gonna be on TV, Vicki. Do me a favor and let me hire your make-up person so I will not look so... you know.'

"So they are just helping me."

CONTROVERSIAL TWEET. Binalikan ni Boy ang controversial tweet ni Dra. Belo kunsaan sinabi nitong okay na sina Nancy Castiglione at Hayden to go out.

Pagkatapos nito, sunud-sunod naman ang tweets ni Hayden upang patunayan na hindi siya nagkakaroon ng ibang affair.

At bigla ngang lumitaw ang pangalan ni Al.

Ano ang naging reaksiyon niya rito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I didn't have any reaction.

"I'm not into it. I got nothing to do with it.

"And that's the wildfire that Twitter came into it," sagot ni Al.

Hindi ba siya nasorpresa, nagalit? Hindi ba niya tinawagan si Hayden o si Vicki?

"I don't really care of the intriga."

Magkakilala ba sila ni Hayden?

"Yes. We actually have each other's number. "

THE LETTER. Ipinakita naman ni Charlene ang kopya ng sulat na diumano'y isinulat ni Al para Vicki—na ang tawag niya ay "Baby."

Ayon kay Al, "You know, there's a quick little funny story about it.

"You know, I did that letter.

"Back then, we had some flirting going on. No malice, walang intention."

Sabi ni Toni, bagamat sinabi ni Al na "harmless" ang personal handwritten letter niya, aware ba siya na noong panahon na yun ay sina Dra. Belo at Hayden pa rin?

"Yeah, we kinda did that as a joke," sabi ni Al.

May ideya ba si Al paano napunta kay Hayden ang sulat?

"No. You know, I don't know nothing about it.

"Like I said, I was going to the States and the joke was, 'Hey, you'll gonna miss me?' I was like, 'Sure, of course, like prove it.'"

Hanggang ngayon ba ay ganoon pa rin ka-close ang friendship nila ni Dra. Belo?

"Ah no, it's just a weird mood sort of thing," sabi niya.

NO AL-VICKI THING. Pagkatapos i-post ni Hayden ang letter ni Al, binawi nito ang kanyang naunang tweets at sinabing "there was really no Al and Vicki thing."

Sabi ni Al, "I guess the reason why he put that [letter] is because there's really nothing to it.

"He really knows that and I have nothing to do with the breakup."

Ayon kay Boy, kung babasahin daw nito ang sulat na ginawa ni Al, masasabing "serious flirtation" yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakangiting sabi naman ni Al, "I guess, sometimes, I can be kind of a flirt. But you know, there's nothing to it."

Is he being reciprocated?

"No, no, not at all," mabilis na sagot ni Al.

"Vicki is very much or has always been a very good girlfriend to Hayden and she's always been a consistent all throughout.

"So, there's no reaction or anything from her with that letter. You know what I mean?"

Pero kumusta ba ba sila ni Vicki, ni Hayden?

"Vicki, you know, we're friends. I got her back and she knows that.

"Hayden, I really respect the last tweets he post and clear everything.

"And now, you know, I just want both of them to clear the mess, really."

Totoo ba na hinihintay lang niyang mag-cool down ang lahat at saka niya liligawan si Vicki?

"You know, I'm not waiting for it.

"I just go with things as they are. Go with the flow.

"But if there's something down the line, I won't rule it out after all."

Liligawan ba niya si Vicki ngayong single ito ngayon?

"At present, no I'm not. She's single but not ready to mingle.

"Would I? Surely I could, she's the kind of girl that I would like.

"She's a complete package and anything that I would want.

"Go, if ever."

MESSAGES. Ano ang message ni Al kay Vicki?

"My message to her? Well, all people here—Toni, Charlene, Boy, and I—people like us, we got your back.

"Everybody wants best for her.

"You know, she's loved and I want her to heal because I know she got pain and we want to take away that pain."

What about with Hayden, ano ang message niya rito?

"I'm excited for Hayden because I don't know... I think people are not giving him enough credit these days.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But he's so talented, he's so goodlooking and he got a lot going for him and he's a doctor for God's sake.

"And after all this kind of settled down, I could see he's really taking off whether... in any industry that he choose."

Sa tingin niya, mas okay ba na over na ang relationship nina Vicki at Hayden?

"I think so and I hope so, only because I think, she'd be better off as independent woman without any messes going around..."

Umaasa siya na maging single na lang si Vicki?

"No, I hope she can be free. I hope she can fly. I hope she can grow."

Hayden is not good for Vicki?

"I think drama is not good and they've been with it for too much," sagot ni Al.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN