Iza Calzado gears up for projects as a Kapamilya—a movie with John Lloyd and Sarah plus a soap with Direk Wenn

IMAGE Noel Orsal

"Si Piolo yun, si Piolo ay si Piolo. Kung gusto ko ba siyang makatrabaho? Oo naman. Ang tanong, gusto ba niya akong makatrabaho?" says Iza Calzado when asked about her crush Piolo Pascual and if she wants to work with him.


Sa paglipat ni Iza Calzado sa bakuran ng ABS-CBN, isang pelikula na pagsasamahan nila nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo ang kumpirmadong nakalinyang gawin niya para sa Star Cinema.

Ito bale ang magiging third installment ng mga pelikulang pinagtambalan nina Sarah at John Lloyd—A Very Special Love (2008)at You Changed My Life (2009).

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Iza sa backstage ng ASAP 2012 last Sunday, February 19, kinumpirma ng aktres na may mahalaga siyang papel na gagampanan sa nasabing pelikula.

Ayon kay Iza, hindi siya nababahala na baka maging kontrabida siya sa paningin ng fans ng Sarah-John Lloyd tandem, lalo na't balitang magiging ka-love triangle siya ng dalawa sa istorya.

"It's a movie with John Lloyd and Sarah. Sobrang saya ko.

"It's an honor that I'll be working with two very established stars.

"At alam ko na ito yung ikatlo sa kanilang pelikula. Marami silang fans, mga sumusubaybay sa kanilang istorya.

"Kung anuman ang role ko dito, I'm sure sisiguraduhin naman ng Star Cinema na hindi naman nila ako iipitin.

"Pero kung ano man yun, role lang yun. Gagawin ko lang yung aking trabaho.

"Sana lang, magawa ko lang siya nang matino. Yun ang pinakaimportante sa akin sa kahit na ano."

Nakakaramdam din ba siya ng pressure?

"Pressure? Sila na ang bahala, walang pressure sa akin," sagot ng aktres.

NEW TELESERYE? Kilala siya bilang isang mahusay na dramatic actress kaya marami ang nag-aabang kung may teleseryeng gagawin si Iza sa Kapamilya network.

Saad ng dating Kapuso actress, "Marami na nga ang nagtu-tweet na mga followers ko asking that.

"March or April yata sisimulan na yung teleserye. Inaayos pa rin. So, ayun.

"I cannot divulge kahit na ano yung show. Basta ito ay sa direksiyon ni Direk Wenn Deramas.

"Iibahin natin siyempre. Sa bawat role, inaasahan mong maging kakaiba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Basta... hindi pa ako nag-play ng ganitong role."

MMK. Dapat ay lalabas si Iza sa isang episode ng drama anthology na Maalaala Mo Kaya (MMK), pero hindi ito natuloy dahil sa ilang "technical problems" na dapat munang ayusin.

Pero ani Iza, "Ina-assure lang na totoo, maganda, at maaayos ang istorya na ibibigay namin sa mga manonood.

"Sobra akong excited para gumawa ng MMK.

"Sabi ko nga, parang nakakabitin kasi ready na ako. Nagme-memorize na ako ng script.

"Pero siyempre, hindi natin maiiwasan ang mga ganyang bagay.

"So, I think this March, mabubuo na yung aking episode ng Maalaala Mo Kaya."

ADJUSTMENT PERIOD. Nakapag-adjust na ba si Iza sa bagong kapaligiran niya at sa mga tao sa ABS-CBN?

"Pangalawang beses ko pa lang mag-ASAP ngayon, e. Napaka-warm naman nila. Masaya naman dito.

"Siyempre, tuwang-tuwa ako na nakasama ko uli si Karylle.

"Ang tagal ko na siyang hindi nakakasama.

"Si Kaye [Karylle], sinasamahan muna ako sa dressing room.

"Sabi ko nga, puwede na siyang bumalik sa dressing room ni Tita Zsa Zsa [Padilla, Karylle's mom].

"Siyempre yung mga tao, natutuwa din ako 'pag gini-greet nila ako ng, 'Welcome.'

"Yung iba sa kanila, wala dito nung nag-perform ako, nung ni-launch ako sa ASAP last week of January.

"So, I'm really just excited at the idea of being on TV again."

HER REASON. Sa pag-alis ni Angel Locsin sa bakuran ng GMA-7 noon, nabanggit nito na isa sa malaking rason ng kanyang paglipat ay dahil gusto niyang mag-grow as an actress. Gusto rin daw niyang makatrabaho ang mga mahuhusay na aktor at direktor.

Ganito rin ba ang rason ni Iza sa desisyon niyang lumipat sa ABS-CBN?

"I would rather not make that my reason. Di parang sinasabi ko naman na..." napatigil niyang sabi.

"Ang sa akin naman, ang sinasabing rason ko sa paglipat after ten years of working in that station [GMA-7], I really wanted to change my environment.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, it would really challenge any person to be taken out in their comfort zone.

"Then you will learn, then you will hopefully grow in more ways than one.

"Not only as an actress, but maybe as a person. Hopefully also as a person.

"I just think na siguro dito, iba rin yung may makakatrabaho ka na mga bagong artista, bagong director.

"Kasi bawat isa sa atin, iba yung atake, it's always different.

"So, working with new people will mean getting new ideas.

"Getting something different na hindi mo alam, 'Ay, may ganito pala akong side na puwedeng 'di pa na-explore.'

"New people, new environment, new ideas."

PIOLO PASCUAL. Naging very open si Iza sa pagsasabi noon na "ultimate crush" niya sa showbiz ang Kapamilya heartthrob na si Piolo Pascual.

At hanggang ngayon, hindi pa rin nawawala ang crush na ito ng aktres sa aktor.

"Hanggang sa kamatayan yung crush ko sa kanya.

"Si Piolo yun, si Piolo ay si Piolo," sabi niya.

Gusto rin ba niyang makatrabaho ang aktor?

"Oo naman... Ang tanong, gusto ba niya akong makatrabaho?

"Excited ako sa thought na makatrabaho ko ang lahat dito—mapa-babae man, mapa-lalake.

"I mean, hindi naman puwede na puro leading man lang ang isipin mo.

"Dapat isipin mo rin kung sino yung mga makakasama mo sa soap opera na siyang magiging susi sa pagiging successful ng isang istorya or ng kahit na anong proyekto."

MATTERS OF THE HEART. Nauwi sa hiwalayan ang ilang taon ding relasyon ni Iza sa business-musician na si Atticus King.

Ngayon ba ay bukas na uli ang kanyang puso para sa bagong mamahalin?

Pag-amin ni Iza, "I'm just dating, hangang doon lang. Non-showbiz [siya].

"I'm open to a lot of things.

"Basta ako, ibalato na lang ninyo siguro muna sa akin hangga't hindi pa ito 100 percent na pangmatagalan na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kumbaga, ayoko ring ma-traumatize sila na sasabihin ko tuwing mayroon, 'tapos magbi-break... Ako rin.

"Ang hirap, ha. Ang hirap magsabi na, 'Oo ganito,' 'tapos sasabihin mo wala na kayo.

"Masakit din kasi people look at you hoping it will work.

"And if it didn't work, it will affect other people also because they want to believe that relationship really last.

"Kaya ako, masaya na ako kung anuman ang mayroon ako ngayon sa buhay ko.

"Basta masaya lang tayo lagi."

HER DAD. Tinanong din ng PEP kay Iza kung ganap na ba niyang natanggap ang pagkawala ng amang si Lito Calzado, na sumakabilang-buhay noong nakaraang taon.

"Very... may mga araw talaga na binubulaga ka lang ng emosyon mo, hindi mo ine-expect. May mga ganun.

"Pero sa pang-araw-araw na buhay, hindi naman ako every day na binabagabag.

"Masakit siya 'pag dumating," sabi niya.

SHARON CUNETA. Si Iza ang papalit kay Sharon Cuneta bilang host sa Season 2 ng Biggest Loser Pinoy Edition.

Sabi ni Iza tungkol dito, "I'm really extremely excited to start the project.

"Siyempre when it comes to star value, she is the Megastar.

"So, I would just have do my best without having to pressure myself considering it came from someone her stature.

"Sa akin na lang, I want to inspire people and change their lives.

"You would be shocked what kind of changes can come with... especially with obesity.

"It's not just because matakaw ka, e. It can be because of stress, sadness, there's something wrong at home, or really a habit.

"Yung habit mo sa pagkain, nakakaapekto sa ibang tao, so maraming puwedeng panggalingan.

"So excited ako the mere fact na nanggaling din ako sa ganung situation before."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN