A birthday surprise for Milkcah Wynne Nacion!

IMAGE Ruel Mendoza

Milkcah Wynne Nacion, the child star in My Daddy Dearest, celebrates her 7th birthday with her family and series co-stars.


Nag-celebrate nga ng kanyang 7th birthday ang Kapuso child star na si Milkcah Wynne Nacion sa Fun Ranch, Frontera Verde, Tiendesitas, Pasig City, noong July 18.
Kahit medyo sumama ang panahon, tuloy pa rin ang “pixie” party ng bida ng early primetime series ng GMA-7 na My Daddy Dearest.
Ang kuwento ni Milkcah, nagtulung-tulong daw ang staff ng serye, ang daddy ng kanyang karakter na si Ogie Alcasid, at ang kanyang mga magulang para bigyan siya ng isang surprise party.
“Sinorpresa po nila akong lahat,” ngiti pa ni Milkcah.
“Akala ko mamasyal lang kami ng mommy at daddy ko, pero may party na pala silang inayos para sa akin.
“Hinanda na po nila ang lahat pati ang isusuot ko at invited din ang mga close friends ko.
“Ito na nga po ang pinakamasayang birthday party ko kaya thank po sa mga nagbigay ng party ko.”
Bukod kay Ogie ay dumating din ang ibang cast ng My Daddy Dearest na sina Sherilyn Reyes, JC Tiuseco, Pinky Amador, at Ehra Madrigal.
Dumating din ang close friend ni Milkcah, ang Kapuso child star din at bida ng Luna Blanca na si Mona Louise Rey.
BIRTHDAY WITH DADDY. Sobrang happy rin si Milkcah dahil nakasama niya sa kanyang party ang kanyang ama na si Joey Nacion.
Seaman kasi ang trabaho ng kanyang tatay kaya may mga birthday ang anak na hindi niya kasama ito.
Ang masayang lahad ng child star, “Nandito po si daddy kaya super happy po ako. Magkasama po sila nila mommy ngayon.
"Dati po nagbi-birthday ako, wala si daddy. Ngayon, nandito po siya kaya masaya kami ni mommy."
May hiniling ba siyang regalo mula sa kanyang daddy?
“Hmmm... wala naman po. Gusto ko lang po nandito siya. Binigyan naman po nila ako ng party kaya okay na po ito.
“'Tsaka dumating po lahat ng friends ko sa school at mga kasama ko sa show. Kaya thank you po na naging masaya ang birthday ko.”
Ano naman ang birthday wish niya?
“Wish ko po... laging maraming manood ng My Daddy Dearest. Tapos marami po akong gawing shows at lagi ko pong kasama ang mommy at daddy ko.”
Unang na-introduce si Milkcah bilang bida sa telefantasya ng GMA-7 na Iglot noong August 2011.
Siya ang gumanap sa papel ni Luningning na naging kaibigan ang isang batang Unggiko na tinawag niyang “iglot.”
Pagkatapos ng project na ito'y nakasama siya ni Jillian Ward sa Daldalita.
Ngayon, siya ay si Daisy, na nag-wish sa isang pixie na maging mommy ang kanyang daddy.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN