Part 1. Sam Pinto does not mind being second lead to Solenn Heussaff in Boy Pick-Up Movie

IMAGE Melo Balingit

"My role as Neneng B, it’s gonna be weird na kung ako yung magiging leading lady, kasi ako ang pini-pick-up-an ng lahat ng mga lalaki, ‘tapos mapupunta ako sa kanya?” says Sam Pinto about her role in Boy Pick-Up The Movie.


Nilinaw ni Sam Pinto sa presscon ng Boy Pick Up: The Movie kagabi, May 27, na wala silang gap ni Solenn Heussaff.

Si Solenn kasi ang leading lady ni Ogie Alcasid sa pelikulang ito ni Dominic Zapata para sa GMA Films/Regal Entertainment, Inc., na ipapalabas na sa mga sinehan sa June 6.

Sa Bubble Gang kasi, si Sam ang bidang babae sa naturang pick-up segment bilang si Neneng B.

“Wala, wala,” sinabi ni Sam referring sa isyung may awayan sila ni Solenn.

Wala rin si Sam sa trailer ng Boy Pick Up: The Movie na ipinalabas during the presscon; ang nandun lang ay sina Ogie, Solenn, at Dennis Trillo na siyang kontrabida sa pelikula.

Okay lang daw kay Sam iyon.

Saad niya, “Actually, from the very beginning naman, sinabi sa akin na yung buong movie, based on Boy Pick-Up’s life outside the pick- up world.

"And kaming mga Bubble Gang cast, nasa loob lang kami ng pick-up world niya.

“So, iyon, umiikot talaga siya sa outside world, so okay lang.”

Wala siyang kahit na kaunting tampo na si Solenn ang leading lady ni Ogie sa pelikula?

“Wala naman. At saka for me naman, my role as Neneng B, it’s gonna be weird na kung ako yung magiging leading lady, kasi ako ang pini-pick-up-an ng lahat ng mga lalaki, ‘tapos mapupunta ako sa kanya?”

Mas bida si Solenn kaysa sa kanya.

“Oo nga which is good ‘coz it’s a Regal Films so…”

Contract star ng Viva si Sam.

“Mabuti nga po pumayag sila na gawin ko ito kasi nga Regal ito.”

Paano siya pinayagan ng Viva?

“Kinausap ni Kuya Ogie si Boss Vic [del Rosario, Viva’s head].”

Mahaba naman ang role ni Sam, as in mapapanood siya sa kabuuan ng movie.

“Lahat ng major battles nandun ako.”

RUFA MAE QUINTO. Natanong naman ng PEP.ph si Sam tungkol kay Rufa Mae Quinto, na kasamahan niya sa Bubble Gang at lumipat na sa TV5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Sam, “Actually, ang tagal na naming hindi nagte-tape, mga three Mondays na kaming hindi nagte-tape [ng Bubble Gang].

“Kasi advance na kami, kasi si Kuya Bitoy [Michael V] went to the States.

“Bukas [May 28] pa lang kami ulit magte-tape.”

Wala raw siyang alam sa pag-alis ni Rufa Mae sa GMA-7.

“I have no idea po, wala po akong alam.

“Nakikita ko lang siya sa TV5, but I didn’t know her plans, I don’t know what’s gonna happen to her.”

Chika naman daw sila ni Rufa Mae.

“We’re okay but I don’t know, for some reasons, we really don’t talk about that.”

Ikalulungkot daw niya kung tuluyan ng ngang mawawala si Rufa Mae sa Bubble Gang.

“Umalis na ba talaga? Sinabi na ba niya?” balik-tanong niya.

“We’ll see tomorrow kung nandun pa siya, then siguro yung Bubble Gang na lang ang show niya sa GMA.”

SOLO SHOW. Bukod sa Bubble Gang ay napapanood din si Sam sa Party Pilipinas.

Hindi ba siya humihiling sa GMA-7 na bigyan na siya ng solo show o drama series na siya ang bida?

“Actually, for me kasi, I’m not also ready yet dahil me, I want to grow more, I want more workshops... I want to improve in everything.

“Until maybe my mentor or whoever gives the go signal.

"And if I feel like I’m ready, that’s when I’m gonna, ‘Push ninyo naman ako ng sarili kong show!’

“Kasi feeling ko, sobrang mapi-pressure ako kung may sarili na akong show now. I might die!” sabay tawa ni Sam.

Nagwu-workshop siya ngayon kay Beverly Vergel na itinuturing niyang acting mentor.

“Oh, my God, I love her! I learned so much for her,” sabi ni Sam.

Hindi pa raw siya ready acting-wise, pero sa Tagalog ay bihasa na siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang galing ko na mag-Tagalog, ‘no!” at tumawang muli si Sam.

PICK-UP LINES. Dahil tungkol sa pick-up-an ang pelikula nila, natanong si Sam kung may insidente na bang nasa bar siya at na-pick-up na siya?

“Now that I’m Neneng B? Everywhere! Lahat sila, oo.

“Just a while ago, I bought Starbucks, sabi ng barista, ‘May dala ka bang payong?’

“Sabi ko, ‘Bakit?’

“Sabi niya, ‘Umuulan kasi ng kagandahan e!’” at tumawa nang tumawa si Sam.

Wala pa naman daw nambastos sa kanya.

“Yung pinakabastos yung mga green na pick-up.

“Kunyari mall show, ‘Pick-up, pick up naman diyan!’

“Tapos, ‘Ganyan-ganyan ka ba?’‘Bakit?’ ‘Kasi hinahanap ka ng hotdog ko!’

“Yung ganun!” ang muling natatawang sinabi ni Sam.

Sa mga bar?

“Hindi na ako lumalabas.

“Before, but now, parang I’m so lazy to go out. Parang I think I also have this like imaginary wall, walang lumalapit sa akin.”

Na-intimidate siguro.

“Yeah, I think so, and I’m always surrounded with my friends so hindi makalapit yung mga tao.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN