Jose Manalo and Wally Bayola grateful to Dabarkads for success

IMAGE Gorgy Rula

Last Holy Week, Jose Manalo (left) and Wally Bayola (right) were in San Francisco, California, to perform with Dabarkads on Eat Bulaga.


Masayang nagbibiruan ang sikat na duo na sina Jose Manalo at Wally Bayola nang naabutan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Bacoor, Cavite.

May concert ang dalawa sa Alima Elementary School sa Bacoor, Cavite kaugnay sa 44th birthday celebration ni Congresswoman Lani Mercado-Revilla.

Ganado raw ang dalawa sa pag-perform sa mga ganung free concert dahil iyun daw talaga ang crowd nila na sumusubaybay sa kanila sa Eat Bulaga.

Bukod pa riyan, regalo na rin daw nila iyun kay Lani.

Ilag si Jose kapag tungkol sa kaso nila ni Anna Lyn ang pag-usapan. Kapag tungkol sa kaso, nakikiusap itong huwag na siyang tanungin dahil nasa piskalya na ito at wala siyang kasamang abugado nung mga oras na iyun.

Malaki ang pasasalamat niya sa mga Dabarkads niya sa Eat Bulaga dahil nandiyan ang suporta sa kanya, lalo na ang ka-partner niyang si Wally.

“Ang mga Dabarkads lagi naman nandiyan e. Ang suporta hindi nawawala, at nagpapasalamat na rin sa kanila, kasi siyempre sama-sama kami sa show.

“Alam n'yo naman pag nalulungkot ang isa, nararamdaman din naman ng bawat isa. Pero kahit ano pa man, lalo na kami ni Kalbo [tawag kay Wally], kung show, show kami.

"Kung ano mang may dumarating, kailangan, huwag na natin bitbitin sa trabaho, ” pahayag ni Jose.

Hindi naman daw nila gaanong pinag-uusapan ni Wally ang mga problemang hinaharap niya.

“Ang pinag-uusapan lang naman namin, yung kung ano pa ang puwede naming gawin sa show. More on trabaho ang pinag-usapan namin e,” sagot naman ni Wally.

“Alam naman niyang always support ako sa kanya e. Siya ang partner ko e. Basta moral support kahit na anong mangyari.”

PRAYER HELPS. Naniniwala si Jose na lahat naman daw na hinaharap niya sa ngayon ay idadaan na lang sa dasal.

“Kung may mga intriga mang dumarating, binigay ko na sa Kanya lahat iyun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung ano ang dapat. Kung ano ang ibibigay Niya sa atin, tatanggapin ko na lang. Hindi ka naman Niya bibigyan kung hindi mo makayanan e,” seryosong sagot nito.

“Basta puro na lang dasal na lang nang dasal. Sabi nga ang dami nating tao para intindihin.

"Nag-iisa lang naman ako, siguro kailangan lahat tayo nagpapasalamat, at kung ano mang darating sa atin tanggapin na lang natin.

Hindi naman tayo bibigyan kung hindi natin makakaya e,” dagdag niyang sagot.

HOLY WEEK IN U.S. Nung nakaraang Semana Santa ay nasa Amerika pa sila ni Wally at may mga ilang shows pa raw sila roon na ginawa pagkatapos ng show nila na Eat Bulaga sa San Francisco, California.

Kaya kahit nagu-observe ang mga kababayan natin sa Amerika ng Semana Santa, nakakapag-show pa rin daw sila roon.

Hindi naman daw nakakalimot si Jose sa pagdarasal kahit nagtatrabaho sila sa Amerika.

“Siguro pangatlong beses na naming nag-Holy Week sa abroad. Basta kung ano ang Friday natin dito sa Pilipinas, kung ibang araw man dun, sinasabay ko sa Friday nila,” pakli nito.

“Bago ako lumabas, kung saan man kami magpunta, lagi naman yung pagdarasal hindi mawawala.

"Lalo na pag Holy Week, may mga panata kasing hindi na nagagawa ngayon kasi may trabaho. Pero ipinagdadasal na rin, iyun naman ang importante e.

"Pasasalamat na rin sa lahat na biyayang binigay Niya sa atin at patuloy pa rin ang pasasalamat hangga’t nandito tayo,” seryosong pahayag ni Jose.

Mainit daw ang pagtanggap ng mga kababayan natin doon at hindi naman daw siya tinatanong tungkol sa mga isyung pinagdaanan niya rito.

NO COMMENT ON CASE. “Hindi naman kasi nila nakikita dun, e. Basta nagpunta sila dun sa Bulaga para panoorin kami para magsaya, at lahat naman sila sumuporta sa amin,” saad nito.

Iniiwasang sagutin ni Jose kung ano ang nangyari sa paghaharap nila ng asawa niyang si Anna Lyn sa San Juan Prosecutor’s Office nung nakaraang Miyerkules.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayaw na rin niyang magkomento tungkol sa mga napapabalitang pinapauwi siya ni Anna Lyn at ang tungkol sa suporta sa kanilang mga anak.

Hindi rin kami sinagot sa tanong namin kung may komunikasyon sila ng kanyang mga anak.

“Basta nagpapasalamat lang ako sa lahat na sumusuporta sa amin sa Eat Bulaga.

“At sa mga sumusuporta din sa akin kung meron man, isang masigabong palakpakan sa inyo at sa tulong sa pagdarasal.

“Kailangan mo na rin siguro maging masaya, kasi kung hindi ka masaya…yung trabaho kasi kailangan e. Huwag na natin bitbitin kung ano man ang problema,” pahayag ni Jose.

“Kailangan mag-move on. Sa aming dalawa na rin siguro para malayo pa ang aming marating,” napapangiting sagot ni Wally.

Sa April 25 ang susunod na hearing ng kasong isinampa ni Anna Lyn laban kay Jose sa San Juan Prosecutor’s Office.

Kailangang sagutin ni Anna Lyn ang counter-affidavit na isinumite ni Jose.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN