Joross Gamboa blends his style with fashion trends

IMAGE Noel Orsal

-


How would you describe your fashion style?

Chameleon. Tina-try kong mag-blend kung ano ang uso at kung ano yung nasa surroundings ko.

Hindi pala chameleon, basta yung nag-e-experiment din at the same time. Mero'n din akong mga sinusundan na uso kahit may sarili akong style. Minsan kahit hindi specific na era, e.


Who are your fashion icons?
Idol ko si Johnny Depp, e. Kasi mahilig ako sa mga scarf lately, e. Mahilig ako sa mga bigo-bigote look, lalo na nung long hair ako. Iba-iba.

Minsan parang si [Ozzy] Osbourne ang look ko. Mga pirates. iniiba-iba ko din 'itsura ko. Depende din yun kung may balbas ako o wala. Sa hats, minsan I wear fedora, depende talaga, binabagay ko lang sa klima.


What’s your latest fashion purchase?

Siguro scarf. Binili ko sa Zara. Pero may secret ako, e – hindi sila common sa Zara, may mga nakatago sila sa mga cabinet doon na hindi naka-display.

May mga kaibigan ako doon na mga bantay doon, kasi alam nila na bili ako nang bili ng scarf. Minsan hindi ako dito bumibili, minsan sa ibang lugar.

Mga gusto ko yung mga walang masyadong kaparehas. Kapag may chance sa ibang bansa, bumibili din kami.


Where was the last country you shopped?

Sa Taiwan. Bumili ako sa So Nice – pangalan ng shop, kasi yung mga color combination nila medyo maganda din.


Are you a hipster?

Hindi, iba-iba, depende sa akin. Yung look ko kadalasan more on rocker.


Where did you get that jacket?

Kung saan-saan ako napapadpad, e. Kung ano lang yung mga napupuntahan ko.


What’s the most expensive piece of clothing you’ve ever purchased?

Hindi ako masyado sa mga mamahalin or branded; more on unique. Halimbawa yung mga kwintas ko na ginagamit mga H&M, sa Amsterdam, mga pasalubong, puro mga ganun yung nire-request ko kaya kakaiba yung mga 'itsura.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Those are cute sunglasses.

This is Ray Ban. Mga limited na 'yan, e. Mga old school, mga wala na dito. Mero'n kaming secret na mga lugar na binibilan.


What’s your fashion principle?

Basta yung babagay sa panahon, kasi minsan naka-bonnet pero ang init-init, di ba? Kailangan comfortable din siyempre, yun ang unang-una.


Top five fashion must have items

Sa akin, more on sa shirts. Sa akin kadalasan mga plain, mga binibili ko mga V-neck na iba-ibang kulay lang. Sa scarf ka na lang magi-iba ng combination, e.

Siguro iibahin ko na lang sa shades – marami ako ng John Lennon and Ozzy Osbourne na shades.

Sa hats, sa akin depende mero'n pa nga akong pang-painter, yung parang kay Mario. Kapag may araw akong makita yun, doon ako nag-e-experiment.

Ngayon ang look ko parang nagmo-motor, parang goon. Goon na colorful ang peg ko ngayong araw na ito.


Do you have any grooming regimens?

Maghilamos ka lang sa gabi bago ka matulog! Actually kung ano yung ginagamit ng girlfriend ko yun na lang – mga scrub-scrub na lang.

Hindi naman yung mga facial na pambabae, mero'n siyang pinapagamit mga nabili namin, yung Jericho – mga pampalambot ng balat daw. Tina-try ko parang hindi naman lumalambot, makapal pa din ang mukha ko.


How about hygiene?

Pinaka-importante sa akin is mabango ka, maligo ka. Mahilig ako magpabango, malakas ako magpabango. Okay na yung dirty look ko basta mabango ako.


What’s your favorite fragrance?

Lacoste Red and Kenneth Cole Black. Mero'n pa pero wala na yun limited lang, e. Yung lumang CK Summer, yung lasang dalandan.


Can you give a quick hairstyle tip?

Iniiba-iba ko ngayon yung mga 'itsura ko sa buhok. Actually bine-base ko din sa buhok yung damit ko, e. Katulad ngayon simula nang maging long hair ako, dun ako nagsuot ng mga scarf at shades kasi mas bagay, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kapag clean cut ka naman, I wear malalaking shades para good boy clean look naman. Ngayon nga dapat nakalugay ako kaya lang ang dumi tignan kanina, e, kaya ngayon Japanese style na lang.


Do you go to the salon?

Oo, kailangan, e, dahil katulad dito sa Intoy Syokoy sobrang dry ng hair ko dito, hindi ako nagpapa-treat. Bagay naman sa character, e.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN