Amalia Fuentes explains why she hasn't done TV or a movie in ages: "Madali akong ma-low-bat."

IMAGE Screen grab from Net 25

Amalia Fuentes spends her time traveling. She says, "At my age, kailangang mag-enjoy na lang ako. Gusto ko ngayon yung travel nang travel. Last week, nasa India ako at alam niyo ba na sinubukan ko yung elephant riding. Yes, sumakay ako sa elepante. Ang tapang ko kasi puwede akong mahulog sa bangin kapag nagkamali ng direksyion yung elepanteng sinasakyan ko."



Taglay pa rin ang kutis porselana at magandang mukha nang humarap si Amalia Fuentes sa taping ng show ni Gladys Reyes sa Net 25, ang Moments noong March 1.

Halos limang dekada na rin ang lumipas pero napapanatili pa rin ng beteranang aktres ang mala-Elizabeth Taylor na mukha na minsan ding hinangaan at pinagkaguluhan.



Marami ang nakakapansin na tuluyan nang nanahimik ang career ng batikang aktres.

Hindi ba siya naiinggit o nakakaramdam man lang ng panghihinayan dahil ang mga kasabayan niyang sina Gloria Romero at Susan Roces ay active pa rin ngayon? Anu nga ba ang dahilan sa biglang pagkawala niya sa sirkulasyon?

"May mga offers sa akin. Hindi sa tinatanggihan ko pero kasi sa panahon ngayon, lalo na sa aking age, ay madali na akong ma-low-bat.

"Ibig ko sabihin kung gagawa ako ng teleserye, hindi ko kakayanin yung pagod," ang sabi ng aktres.

"Sabi nga sa akin ni Vic del Rosario, puwede naman daw akong mag-demand ng cut-off time na hanggang ganito lang o ganyang oras lang ako puedeng mag-taping.

"Sabi ko, di ko talaga kakayanin kasi paano kung halimbawang isa o dalawang oras pa lang ay na-low-bat na ako, at di pa umabot sa cut-off ng oras ko?

"E, di ba ang laking abala nun sa production, sa staff at sa mga artista?

"Ayokong mangyari yun. Ayokong masisi.

"Yun ang reason kaya tini-turn down ko yung mga offer sa akin lalo na kung teleserye," aniya.

"Kung nagagawa man iyun ni Susan, masaya ako para sa kaniya dahil nakakaya pa niya.

"Pero minsan kapag nag-uusap kami,marami na rin siyang nararamdaman sa katawan niya tulad ko.

"Madalas niyang idaing sa akin yung kaniyang likod. Sabi ko sa kaniya, wala tayong magagawa kasi matanda na tayo at hindi na tayo tulad ng dati," sabay tawa pa ng beteranang aktres.

Dahil sa hindi niya pagiging aktibo sa showbiz, maraming oras ay inilalaan na lang niya sa pagta-travel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ginagawa niyang ito, pakiramdam niya ay lumalakas ang kaniyang katawan.

"At my age, kailangang mag-enjoy na lang ako. Gusto ko ngayon yung travel nang travel. Last week nasa India ako at alam niyo ba na sinubukan ko yung elephant riding.

"Yes, sumakay ako sa elepante. Ang tapang ko kasi puwede akong mahulog sa bangin kapag nagkamali ng direksyion yung elepanteng sinasakyan ko," ang sabi ni Tita Amalia.

"Pinagbawalan nga ako ng kaibigan ko na huwag nang sumakay pero umandar ang katigasan ng ulo ko kaya hindi niya ako napigilan at sa awa naman ng Diyos wala namang nangyari sa akin.

"Next week, pupunta naman ako ng Baguio para iba namang atmosphere.

"Ito na yung time na dapat nagre-relax na lang ako tsaka feeling ko kasi sa pamamagitan nito ay gumagaan ang aking pakiramdam," aniya.

Bukod sa pagta-travel, abala rin si Tita Amalia sa kinahihiligan niyang pagpipinta, pag-aayos ng bahay at pagluluto.

"Pag nasa bahay ako madalas akong magluto tapos nakahiligan kong i-design ang bahay. Gustung-gusto kong ayusan ang bahay ko.

"Ayoko nang makalat. Gusto ko nasa ayos lahat.

"Sa bahay ko wala kang makikitang plastic na bulaklak at halaman. Gusto ko natural, totoo kasi gusto ko positive.

"Negative ang dating sa akin ng mga plastic na bagay.

"Nagpipinta rin ako lalo na pag wala akong ginagawa, pinipinturahan ko ang mga upuan, mga paso at yung mga bagay na puwede kong pagandahin ay pinapaganda ko."

May isang personang lagi na lamang ikinakabit sa aktres at ito ay ang pagiging mataray daw niya. Totoo nga bang mataray siya?

''Kung ang pagiging totoo ko ay sasabihan akong mataray, sige mataray na ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN