(UPDATED) Amalia Fuentes to deal with Annabelle Rama after Easter; says Twitter account @imamaliafuentes "may be a sympathizer"

IMAGE Noel Orsal / Mark Pimentel / Twitter

Was she wearing red or orange? The color of Annabelle Rama's outfit ignited a heated exchange between her and former friend Amalia Fuentes at the necrological Mass for the latter's ex-husband at the Santuario de San Antonio, Forbes Park, Makati City.

(Right) Annabelle posted a photo of her outfit on Twitter to prove that Amalia's claim was wrong.

(Inset) Annabelle and Amalia at the latter's 69th birthday party in 2009.


Kanina, nagbatuhan ng mga maaanghang na salita ang dalawang accounts sa Twitter na @imamaliafuentes at @annabellerama2.

Ang mga tweets ng dalawa ay tungkol sa naging mainit na bangayan nina Amalia Fuentes at Annabelle Rama kaninang umaga, April 3, habang ginaganap ang Misa para sa yumaong asawa ng una na si Joey Stevens sa chapel ng Santuario de San Antonio sa Makati.

Nakasaad sa description ng @imamaliafuentes, na naging active kahapon, April 2: "This is the real Amalia Muhlach Fuentes. I created this account to defend myself from Annabelle Rama's rants against my persona."

Narito ang ilan sa mga tweets na nagpakilalang "Amalia Fuentes."

“HOW DARE YOU COME TO THE WAKE OF MY HUSBAND THIS MORNING WHEN YOU KNOW YOURE NOT WELCOME. YOU COME WEARING A RED BLOUSE,RED BAG,RED PANTS...

“& RED LIPSTICK??? ANG KAPAL NG MUKHA MO. PAGKATAPOS KITANG PINAPALAYAS HABANG NAGMIMISA DI KA PA RIN NAHIYA AT DI KA PA DIN LUMABAS NG MISA."

Nag-post din ito ng cuss words, at inakusahan ang talent manager na nagpunta sa misa para raw manggulo.

Idinawit din ang asawa ni Annabelle na si Eddie Gutierrez.

“THIS IS THE LAST STRAW. BUONG MUNDO INAAWAY MO. MAY TAMANG LUGAR AT ORAS PARA DYAN...BAKIT KA HINAHAYAAN NG ASAWA MO? EDDIE WAKE UP!!

Maging ang yumaong si Fernando Poe, Jr. ay nasali sa mga tweet. Kasama ang pamilya Gutierrez sa mga dumalo noon sa pagtitipon ng "Mga Artista Para Kay FPJ" noong tumakbo ang King of Philippine Movies sa pagka-Pangulo noong 2004.

Sinabi rin sa @imamaliafuentes na pagkatapos ng Holy Week magsasalita umano ang dating aktres tungkol sa isyu.

"MY HYBERNATION WILL END SOON. I WILL COME OUT ON TV AFTER HOLY WEEK.”

ANNABELLE’S STORY. Samantala, gamit din ang kanyang personal Twitter account, sinabi ni Annabelle na napadaan lamang daw siya sa burol ng namayapang asawa ni Amalia dahil kaibigan daw nila ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ang sunud-sunod na kuwento ng talent manager sa pamamagitan ng Twitter:

“Nagpunta ako sa burol di para sayo [Amalia] at di para manggulo. Nagpunta ako dahil kaibigan namin ni Eddie si Joey.

“Wala pa yung kausap ko kaya nagpunta muna ako sa church to light candles.

“Suddenly may lumapit sa akin ang sabi may Mass sa likod, sa burol ni Mr. Stevens.

“Nakita mo ako at ang sabi mo, ‘Bakit ka naka-red,’ ang sagot ko ‘Wala akong balak duman [dumaan], may meeting ako sa starbucks.'"

Pinatunayan ni Annabelle na hindi siya naka-red sa pamamagitan ng pagpu-post ng larawan niya na nagpapakita ng kanyang suot nang pumunta siya sa burol.

Si Annabelle ay nakasuot ng orange na blouse at itim na pantalon. Sa tabi naman niya ay isang pulang bag.

“Then sabi mo, ‘Ano yung mga sinabi mo sa Twitter?’ I answered u, 'Pwede ba respetuhin mo yung patay at yung Mass, mamaya na tayo magusap.’

“Ang pinaka-worst minura mo ako during the Mass..."

(CLICK HERE to read related story.)

TRIGGER-TWEETING. Matapos ang pagkukuwento niya ng mga naging kaganapan sa burol ng namayapang asawa ni Amalia, nagpatuloy pa rin sa pagtu-tweet si Annabelle kunsaan tinitira pa rin niya ang dating aktres.

Pinagtuunan niya ng pansin ang isa sa cuss words na nabanggit ni Amalia.

Heto ang bahagi ng tweet ni Annabelle: "Ikaw, sino ka ba? Humarap ka nga sa salamin, itanong mo sa sarili mo kung sino ka!"

Aniya pa, “@imamaliafuentes bakit pareho lang naman ang trabaho natin ah, ginamit natin ang ating ganda di ba?

@imamaliafuentes Mas wise ka lang dahil nakakuha ka ng 18 houses sa lahat ng prime subdivisions. Nainggit ba ako? Hindi. Buhay mo yan!"

Naging defensive din si Annabelle pagdating sa kanyang mga anak.

@imamaliafuentes sabi mo kawawa mga anak ko? Bakit kawawa?"

Dito na idinamay ni Annabelle ang nag-iisang anak ni Amalia kay Romeo Vasquez na si Liezl Martinez. Nag-tweet ito tungkol sa napabalitang hidwaan ng mag-ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WHY AMALIA IS MAD AT ANNABELLE. Samantala, sa hiwalay na panayam ng PEP blogger na si Jojo Gabinete kay Annabelle, sinabi nito ang ugat ng alitan nila ni Amalia.

Hindi naman nagdalawang-isip si Annabelle na sabihin ang puno't dulo ng kanilang away.

"Una, galit siya sa akin dahil hindi ko sinabi sa kanya na may dalawang anak sa ibang babae si Joey," sabi ni Annabelle.

Nalaman daw ng talent manager na may anak si Joey sa ibang babae noong sumama siya sa kampanya noon ni dating Pangulong Erap Estrada.

"Maganda yung babae, malaki ang boobs, at mas bata kay Amalia," paglalarawan pa ni Annabelle sa diumano'y babae ni Joey.

Dagdag pa niya, "Hindi ko sinabi kay Amalia na nalaman ko na may anak si Joey dahil hindi ko ugali ang makialam sa relasyon ng ibang tao.

"Nalaman ni Amalia na alam ko na may anak sa ibang babae si Joey dahil sinabi sa kanya ni Daisy Romualdez."

Ang pangalawang rason daw, ayon pa kay Annabelle, ay dahil pinakasalan siya ni Eddie Gutierrez.

Dagdag pa ni Annabelle, "Si Amalia ang nagsimula ng away dahil nilait-lait niya ako sa asawa ko nang iabot sa kanya ni Gloria Diaz ang telepono.

"Hindi puwedeng hindi ako lumaban dahil hindi ako duwag.

"Siya naman ang nag-umpisa ng away, hindi ako.

"Lumalaban lang ako dahil hindi ako magpapaapi. Hindi ko siya uurungan."

GLORIA DIAZ. Sa mga naunang Twitter posts nina Amalia at Annabelle, mapapansin na nabanggit din ang pangalan ng dating Miss Universe na si Gloria Diaz.

Sa naunang artikulo ng PEP tungkol sa isyung ito, naikuwento ni Annabelle ang isang insidente nitong nakaraang Sabado, Marso 31, sa The Fort, Taguig City.

(CLICK HERE to read related article)

Hindi nagustuhan ni Annabelle ang ginawa ni Gloria kung saan pinakausap daw nito kay Eddie si Amalia sa telepono sa halip na pag-usapan ang pagkamatay ng asawa ng dating aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pinapasa mo ang phone mo para ipakausap ang mahadera mong kaibigan para siraan ako sa asawa ko.”

Ayon sa tweet ni Annabelle noong Sabado, pinigilan na lang daw niyang huwag magalit dahil “naalala ko yung disente at mabait mong anak na best friend ng mga anak ko.”

Ang tinutukoy niya ay ang anak ni Gloria na si Isabelle Daza, na malapit sa mga anak ni Annabelle—partikular na kay Raymond Gutierrez.

Taliwas naman ito sa naging pahayag ni @imamaliafuentes sa Twitter kahapon, April 2.

Aniya, “When Gloria handed u the phone and u knew I was on the other line, nawala ang tapang at yabang mo. Bkt ka nagagalit kay gloria kase di nya pinamanage syo ang anak nyang si @isabelledaza !

"Don't worry I will entertain all the interviews and questions after Holy Week.”

WHAT WILL HAPPEN AFTER HOLY WEEK? Pasado alas otso ng gabi nung nagpadala ng text message si Amalia sa managing editor ng PEP na si Karen Pagsolingan.

Aniya, palilipasin muna niya ang Holy Week bago harapin ang isyu:

"I just buried my husband. dis s a time 4 reflection on our mo[r]tality. pls give me a break. i wil deal w dis aftr easter."

Halos ganito rin ang sagot ni Annabelle sa Twitter:

Aniya, “@imamaliafuentes humanda ako after holy week? At sinong tinakot mo? Ako? Nakahanda ako anytime, anywhere!

@imamaliafuentes Lalabanan kitang bruhilda ka! Di kita uurungan!”

AMALIA'S "SYMPATHIZER." Samantala, sa tanong ng PEP tungkol sa mga "tweets" ni Amalia kay Annabelle, heto ang kanyang sagot:

"Abt d tweets d k pa alam. sh[e] startd d tweets mayb a s[y]mpathizer s defendin me fr my tormentor."

("About the tweets hindi ko pa alam. She [Annabelle] started the tweets. Maybe a sympathizer is defending me from my tormentor.")

Tungkol naman kay Annabelle, ito ang sinabi ni Amalia:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"lets jst pray 4 hr n hr lng suffring husband n children tnx."

("Let's just pray for her and her long-suffering husband and children.")

Lumalabas, ayon kay Amalia, hindi sa kanya ang Twitter account na @imamaliafuentes.

Additional reports from Jojo Gabinete


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN