Gloria Diaz surprised by her involvement in Annabelle Rama-Amalia Fuentes rift

IMAGE Noel Orsal

Gloria Diaz on Annabelle Rama's tweets against her: “So, sa akin, balewala naman sa akin ‘yan, e. Hindi naman ako nagtagal this long in movies, in television, kung papatulan ko lahat. I think she just misunderstood. Pero okay lang. I still love her.”


Nagtataka ang aktres at dating Miss Universe na si Gloria Diaz kung bakit siya nasangkot sa alitan nina Annabelle Rama at Amalia Fuentes.

Matatandaang pinasaringan ni Annabelle si Gloria sa Twitter.

Ito ay dahil sa insidenteng nangyari sa Aria restaurant sa Global City, Taguig, noong gabi ng March 30, Biyernes.

Ayon sa kuwento ni Annabelle, kasama niya ang mister na si Eddie Gutierrez at ang anak nilang si Elvis na kumakain sa naturang restaurant. Nasa kabilang table naman daw si Gloria.

Nagulat daw si Annabelle nang ipasa ni Gloria ang cell phone nito kay Eddie para kausapin ang nasa kabilang linya—si Amalia.

Pasaring pa ni Annabelle tungkol kay Gloria, isa raw itong "beauty queen" na "ex" ng kanyang mister.

Sabi naman ni Gloria tungkol sa insidente: “Alam mo, I was really quite surprised kasi it was noisy… about 10 times noisier than here.

“Ni hindi ko nga maintindihan si Amalia, hindi ko rin maintindihan si… it was so noisy.

“I’m surprised that there was anything exchanged between the both of them.”

Nakausap ng media si Gloria sa presscon ng The Mommy Returns sa Emperor Room ng Imperial Palace Suites noong Lunes ng gabi, April 16.

WHAT IS IMPORTANT. Habang ini-interview si Gloria ay katabi niya ang panganay na anak nina Annabelle at Eddie na si Ruffa Gutierrez. Gumaganap silang mag-ina niya sa Mother’s Day presentation na ito ng Regal Entertainment, Inc.

Ikinuwento ni Gloria sa media kung paano niya nalaman na nagalit pala sa kanya si Annabelle nang ipasa niya ang telepono kay Eddie.

Aniya, “The first time I heard about it was when Ruffa called me and I said, ‘Ano ‘yon? Saan?’

“I said, ‘Yeah, I was there. So how did it happen? Talaga?’

“I was more surprised, I think, than she [Ruffa] was.

“And that was the end of the story ‘cause I left na for Japan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kabila nito, ipinagkikibit-balikat na lang daw ni Gloria ang pagtatampo sa kanya ni Annabelle.

Aniya, “More than anything, I really think at a certain age, one should behave more demure, properly…

“Especially because my daughter Isabelle is very, very concerned about little, you know, things like that.

“She gets very upset with me and all that—and that’s important to me.

“Not important what I have to say, more important is what she has to say—my daughter.”

Malapit na kaibigan ng anak ni Gloria na si Isabelle Daza ang mga anak ni Annabelle na sina Ruffa at Raymond Gutierrez.

Dagdag pa ng veteran actress, “You know, I’ve come to a point now… how old am I? Sixty-one?

“That's more important than fighting it out, proving who’s right, what really happened, more important is what Ruffa feels, what my daughter Isabelle—who’s very sensitive—will feel.”

SLIGHT MISUNDERSTANDING. Sa paniniwala ni Gloria, nagkaroon lang ng “slight misunderstanding” sa pagitan nila ni Annabelle.

Pero aniya, “I think medyo maayos na, at least in my mind, in Ruffa’s mind.

“And I really don’t know what happened next ‘cause I just arrived from Japan.

“So, sa akin, balewala naman sa akin ‘yan, e.

“Hindi naman ako nagtagal this long in movies, in television, kung papatulan ko lahat.

“I think she just misunderstood. Pero okay lang. I still love her.”

Nagkausap na ba sila ni Annabelle?

“Hindi pa nga, e. Kung gusto niya akong kausapin, okay lang,” sagot niya.

Tinanong din ng press si Gloria kung ano wish niya para kina Amalia at Annabelle.

Sagot ng dating Miss Universe: "One thing, I want very much, Amalia to lose weight—maybe nothing to do with it [rift].

“Maybe Tita Annabelle… wala, to continue what she is. Because kung magbago siya, hindi na siya ‘yon, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And for me, also to lose weight.”

TRANSGENDERS IN MISS UNIVERSE. Bilang kauna-unahang Pinay na nanalong Miss Universe noong 1969, kinuha rin ang opinyon ni Gloria sa desisyon ng Miss Universe organizers na payagang sumali ang transgenders sa naturang beauty pageant.

Ayon kay Gloria, “Yes, if the pageant says they are welcome, they’re welcome.

“But the thing is, are they going to allow them to win? And will the country want a gay people to represent them?

“So if the country wants, so do I. I mean, that’s the least of my problems.

“In fact, ako nga, before, they used to say, ‘What do you think of people who have… retokado or whatever?’ Sa akin, balewala ‘yan, e.

“Now, thank God I was not part of… during this time, because medyo mahirap din na kalaban na…

“The gay people, many of them are really gorgeous. Many of them are really maganda ang balat and everything…

“I’ve seen some that are really pretty.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN