PEP EXCLUSIVE (Part 1): Amalia Fuentes says Annabelle Rama was “not wanted” at Joey Stevens wake

IMAGE Noel Orsal

In an exclusive interview, Amalia Fuentes tells PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) that the mere presence of talent manager Annabelle Rama at the memorial mass for Joey Stevens, Amalia's husband, intensified the former movie queen’s distress.


Hindi ang pulang damit ni Annabelle Rama ang rason kung bakit nagkaroon ng eksena sa huling misa para sa asawa ni Amalia Fuentes na si Joey Stevens noong April 3.

Ito ang tinuran ng dating movie queen sa exclusive interview nito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong April 11.

Ngayon lamang inilabas ang kabuuan ng halos isang oras na panayam ng managing editor ng site na si Karen Pagsolingan dahil na rin sa pakiusap ni Amalia na antayin ang kanyang permiso.

Ang panimula ni Amalia, “The dress aggravated my feelings."

Matatandaan na noong Abril 3 ay nailahad ang bersiyon ni Annabelle tungkol sa naging sagutan nila ng dating kaibigan sa Santuario de San Antonio, Forbes Park.

Ayon sa talent manager, hindi naman daw niya intensiyon na pumunta sa naturang misa dahil “may ka-meeting” siya sa Rustan’s, na katabi lamang ng simbahan.

Kuwento pa ng maybahay ni Eddie Gutierrez, “Nagmimisa pa, pumasok ako. Nilapitan niya [Amalia] ako, sabi niya, ‘Bakit ka naka-red? Lumayas ka dito!’

"Orange ang suot ko, ‘Dong!”

(CLICK HERE for related article.)


NOT THE DRESS. Pero binigyang-diin ni Amalia na hindi siya ganun "kababaw" para paalisin ang isang tao sa burol ng kanyang asawa nang dahil lamang sa kulay ng damit.

“You must remember that I am feeling guilty about Joey. So, I was so sensitive about many things.

“Most of all, ‘wag mong bastusin ang asawa kong patay na. I am here to defend and protect him now.

“Pero ‘yong color is an aggravating factor.

“That orange is red, and ‘yong picture niya na three-fourths ‘yong damit niya, it's parang polo shirt na pula.

“You know, si Annabelle Rama, kaya laging napapahiya kasi pumapasok siya sa mga eksena na hindi niya alam.

“'Tapos ngayon, pinapalusutan niya ako na orange [yung] red, as if it matters!

“Kung sa color ‘yan, kahit naka-all black siya siguro... it is her presence, can you please establish that.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“She was the one na umuwi 'tapos nagpa-picture taking, naka-orange, like as if it matters!”

Marami raw siyang rason kung bakit ganoon na lang ang reaksiyon niya nung nakita si Annabelle sa loob ng simbahan.

Ang litanya pa ni Amalia: “Galit sa ’yo si Joey Stevens for so many years. Galit ako sa ’yo, galit si Liezl [Martinez]. Galit kaming lahat sa ’yo and everyone else there.

“And I will never allow her one more minute inside that place. She cannot step on that place.”

AMALIA’S VERSION. Paano ba nangyari yung kumprontasyon sa pagitan nila?

Dito'y inamin ng dating aktres na pinalayas nga niya ang talent manager.

“Bakit ka tatapak doon? After the night before lang nag-Twitter pa daw ‘yan,” pagsisimula ni Amalia.

“Ano ang gusto niyang maging reaction ko sa kanya? Ano, papalampasin ko ‘yon?

“Masusubukan niya ako ngayon because hindi pa nga niya ako kilala, okay?

“Hindi niya pa ako kilala.

“'Tapos nakialam ‘yong anak ko, ‘Ate Annabelle, lumabas ka na, you are not wanted, you are not gano’n, gano’n...’

“Sabi ko [kay Annabelle], ‘I will deal with you later.’”

Hindi napigilan ni Amalia ang kanyang emosyun habang dire-diretso niyang kinukuwento na, “If only for the sake also of my late husband that she wants to denigrate and pati ako, she wants... she wants to put me in a spot na magsalita ako ng masama na during... at the middle of the mass.

“'Tapos sasabihin niya nagalit ako dahil sa color, she’s trying to trivialize it!

“And she’s trying to bend me. I will not!

“Two years to go na lang, lawyer na ako sa Amerika, hindi ako tanga!”

TWITTER. Pero, siya nga ba ang may-ari ng Twitter account na @imamaliafuentes na sumagot sa mga sinabi ni Annabelle sa sarili nitong account na @annabellerama2 noong araw ding naganap ang kanilang kumprontasyon sa burol ni Joey?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Una nang itinanggi ng tinaguriang Elizabeth Taylor ng Pilipinas sa PEP na hindi siya, at maari raw na isang “sympathizer” ang gumawa nito na nais siyang protektahan mula sa kanyang “tormentor.”

(CLICK HERE for related article.)

Muli, iginiit niyang imposible na siya ang gumawa ng naturang account para makipagsagutan kay Annabelle.

“It couldn’t be me,” pagdidiin niya.

“Kasi ako, iPad lang ang dala ko, wala naman doon sa labas... ng wi-fi. Hindi ko magagamit iyong aking iPad because walang Internet connection doon sa patay.

“And kami ni Geric ang nagsasarado ng chapel, kami ang last na nagsasarado ng chapel.

“Everybody has gone home, kami ang last ng anak ko.

“Kasi nga, kung alam mo lang na para akong basang sisiw because mas masakit pa nga ‘yong nangyari sa akin, kasi nga wala nga kaming closure [ni Joey].”

Sinabi rin ni Amalia na bagamat hindi siya aktibo sa anumang social networking site, may mga kaibigan at kamag-anak siyang nagpaparating ng mga sinasabi ni Annabelle tungkol sa kanya.

“Di ba, sinabi ko sa ’yo, nasa patay ako, nandodoon ako sa wake?

“Hindi ko nababasa ‘yon dahil wala akong time, dahil two nights ‘yong wake na ‘yon, ano ka ba!

“Pero alam ko mga pinagsasasabi niya [Annabelle].

“May ibang magte-text sa akin, tulad ngayon si Chito Alcid [writer], nag-text sa akin na gano’n-gano’n, na sisiraan daw niya ako sa Twitter, sa FB [Facebook]. Kung ano ba ‘yong FB, wala ako no’n.

“So, patunay na nasa wake ako, ang daming dumadating do’n, pati si Liezl nga, sabi [sa] anak kong si Geric, ‘Napakasakit naman ng mga pinagsasabi ni Annabelle kay mama.’

“Lahat sila nag-uusap-usap doon."

Nabanggit din ang pangalan ni Gloria Diaz, na ayon kay Amalia, ay nadamay lang.

Dugtong niya, "Pati nga si Gloria Diaz, ang sabi [sa akin], 'Ako nga, na-involve, wala naman akong kasalanan. Inabot ko lang ‘yong telepono kay Eddie dahil ang sabi mo naman sa akin, iabot kay Eddie. E, hindi ko naman alam na Eddie has to ask for permission from Annabelle Rama to speak on the phone.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Balik sa networking sites, “waste of time” daw ang paggamit nito, lalo pa't may mga mas importanteng bagay pa siyang pinagtutuunan ng pansin.

“Mayro’n akong iPad na for books, mga magazines... everything na I need para hindi na ako lumalabas ng bahay to buy mga periodicals.

“Hindi ako nagwe-waste ng time sa mga Twitter na ‘yan na kabobohan.

“I have a lot of things to do in the house.

“I’m a housewife. I’m a homemaker, sa gabi lang ako nakakabasa,

"I have my TV. Ang dami kong source of information.

“Minsan akong nagbasa [ng tweets], pinabasa sa akin, it’s a waste of time itong mga pinagsasasabi ng mga walang pinag-aralan na ito. That was the impression that I got, and since that time, I stayed away.”

Ngunit kahit hindi siya aktibo sa mga social networking sites, hindi raw ibig sabihin na palalampasin niya ang mga patutsada sa kanya ni Annabelle.

Ani Amalia, “Maghaharap tayo!

“Hindi puwedeng hindi kita awayin ngayon. Hindi puwede!

“Hindi puwedeng hindi ko siya awayin!

"That, I promise you that.”

(CLICK HERE to read part 2 of the story.)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN