Musical performances gild launch of real estate company’s latest projects

IMAGE Noel Orsal

Isa si Christian Bautista sa mga nag-perform sa launch ng mga bagong proyekto ng Vista Land, isang real estate firm. Kasama rin ni Christian ang iba pang celebrities gaya ni Erick Santos, Cris Villongco, Chacha Cañete, at Senator Manny Villar.


Isang hapon na puno ng kantahan at sayawan ang sumalubong sa mga brokers at agents ng real estate firm na Vista Land kahapon, July 26, sa launch ng bagong proyekto ng kompanya.

Nabigyang aliw ang humigit-kumulang sa 1,000 bisitang dumayo sa NBC Tent sa The Fort, Taguig, upang masilayan ang ilang musical performances na inihandog para sa kanila.

Bigay-todo sa pagho-host at pagkanta si Christian Bautista, bagamat kare-recover pa lamang nito sa sakit na pharyngitis.

Kasama niya ang Goin Bulilit star na si Chacha Cañete—na unang nakilala bilang bida sa isang commercial ng isang residential project ng kompanya.

Mahusay na inawit ng 7-year-old performer ang kantang “Someone Like You” ng English singer-songwriter na si Adele, at sumayaw din ito sa saliw ng YouTube hit song na “Call Me Maybe” ng Canadian teen singer na si Carly Rae Jepsen.

Nag-perform din ang musical theater star na si Cris Villongco. Kinanta niya ang “The Climb,” awitin ni American pop star Miley Cyrus, at ang “The Sound of Music” na hango mula sa Rodgers and Hammerstein musical na may parehong titulo.

Si Cris ay gumanap kamakailan bilang Fraulein Maria sa pagtatanghal ng naturang musical sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World Manila.

Isa rin sa mga umawit sa programa ay si Erik Santos. Kinanta niya ang “Just The Way You Are” ni Filipino-American singer-composer Bruno Mars, at ang “This is The Moment” na siyang nagpasikat sa kanya.

Inawit ni Erik ang naturang kanta sa singing contest show na Star In A Million (2003), kung saan siya ang hinirang na grand champion at tinalo ang mga kalaban, kabilang na si Christian.

Humanga naman si Christian sa husay sa pag-awit ng kanyang kaibigan at nagbiro pa na, “Ngayon alam niyo na kung bakit ako natalo.”

Kasabay ng mga performances na ito ay isa-isang ipinakilala ang mga bagong condo home projects ng kompanya—ang 878 España, Crown Asia Residences Wack Wack, Brittany Alpine Village, at ang The Hudson sa Bonifacio Global City, Taguig.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dumalo rin sa pagtitipon ang may-ari ng kompanya na si Senador Manny Villar, na nagbigay ng maikling speech para sa kanyang mga empleyado.

Namigay din ng ilang iPads, iPhones, at isang Macbook Air laptop sa raffle portion ng programa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN