NEWBIE: Benjamin Alves on showbiz comeback: “"Pupunta po ako sa workshops, willing to learn, willing to listen...”

IMAGE Noel Orsal

Benjamin Alves does not regret leaving showbiz for a while to finish his studies. Says the English major and summa cum laude: “Alam naman natin po na hindi forever ang showbiz. If you’re not be able to use it, basta masabi po nakapagtapos, iba pa rin po. I recommend it.”


Dalawang taong nawala sa showbiz si Benjamin Alves para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

Ayon sa bagong Kapuso actor, pinili niya munang tapusin ang kursong AB English sa University of Guam bago siya bumalik ng showbiz.

“I think it’s a good experience. Education, I highly recommend it,” sabi ni Benjamin nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa pictorial ng Guni-Guni kamakailan.

Hindi naging madali ang pag-aaral para kay Benjamin dahil aniya, “It really requires a lot of focus.”

Gayunman, masaya siya na natapos na niya ito noong Mayo 2012, at siya pa ang naging summa cum laude ng kanilang batch.

Kaya hinihikayat niya ang ibang artista na hindi pa nakakapagtapos ng pag-aaral na ipagpatuloy nila ito.

Katuwiran niya, “[Education] sets them up for a better a life after.

“Alam naman natin po na hindi forever ang showbiz.

“If you’re not be able to use it, basta masabi po nakapagtapos, iba pa rin po. I recommend it.”

Gamit pa noon ang pangalang Vince Saldaña, naging bahagi si Benjamin sa mga pelikulang Ang Cute Ng Ina Mo (2007) at Apat Dapat, Dapat Apat (2007).

Lumabas din siya sa mga TV shows na Closer To Fame sa ABS-CBN; at Posh sa dating QTV 11, na ngayo’y GMA News Channel na.

(CLICK HERE to read related article.)

GOING BACK TO SHOWBIZ. Bagamat naka-focus siya noon sa pag-aaral, hindi naman daw nawala sa isip niya ang showbiz.

Sa katunayan, plano raw talaga niyang magbalik showbiz pagkatapos niya sa kolehiyo.

“Hindi ko rin naman po maiiwasan, e,” sabi niya sa PEP.

“Nasa dugo po talaga kapag gusto n’yo po talaga, e.

“Actually, I left 2009, pero kinailangan ko po, e. Kinailangan ko pong matapos 'yong studies para mas magaan ang loob ko pagpasok ko sa showbiz ngayon.

“That’s why I’m thankful to God kasi ginawa niyang matapos muna ako sa school.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Right after my school graduation, two days later, I’m here and I’m doing this.

“No one could ever imagine that. It’s really a dream come true.”

Hindi pa man nakakapag-martsa sa graduation, nakatanggap agad si Benjamin ng movie offer mula sa Regal Films, ang Guni-Guni.

Nagkaroon na rin siya ng guaranteed contract sa talent arm ng Kapuso network, ang GMA Artist Center.

Isa rin daw ito sa mga dahilan kung bakit mas pinili muna niya ang showbiz sa halip na gamitin ang kanyang pinag-aralan.

“Actually, 'yong mga kaibigan ko sa Guam, this is something that they will never think of. Even for myself, I never planned this.

“Plano ko pong mag-masters at saka mag-PhD. Kaso nandito na po tayo, e.

"Nakakahiya naman po kina Ms. Annette [Gozun] na pabayaan ko po 'yong blessing na ganito.

“Bale po 'yong focus ko po sa school, 'yong nakuha ko pong summa cum laude, sana gano’n pa rin po ‘yong focus ko ngayon [sa showbiz]. Hopefully, that will result in more blessings.”

Dating nakakontrata si Benjamin sa Viva Film at madalas nakikita sa mga proyekto ng ABS-CBN.

Natanong namin kung bakit mas napili niya ngayong pumirma sa GMA-7.

Sagot ni Benjamin, “We were set to have a meeting with other networks.

“But when I went to GMA-7, hindi ko na po kailangang makipag-meeting sa iba, e.

“‘Yong excitement po nila and 'yong trust to just meeting me for one day, to be blessed with contract right away—bakit pa po ako aalis doon?"

May halong tawa, dugtong nito, "Baka po mag-iba ang isip nila, e.”

(CLICK HERE to read related article.)

Bukod sa kanyang regular na paglabas sa Sunday variety show ng GMA-7 na Party Pilipinas, nakatakda ring maging bahagi ng pelikulang Coño Problems si Benjamin.

Ito ang isa sa mga official entry ng GMA Films sa gaganaping Metro Manila Film Festival ngayong taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE NEXT LEADING MAN. Isa si Benjamin sa mga hinuhubog ngayon ng Kapuso network bilang leading man.

Kinakabahan man, tinatanggap ito ng binatang aktor bilang isang challenge sa kanya bilang artista.

Sabi ng 23-year-old celebrity, “Accepted ko na 'yon as a challenge, e.

“Three years po 'yong nasa kontrata ko.

“So, sa first year, siguro po pag-iigihan ko.

"Pupunta po ako sa workshops, willing to learn, willing to listen, especially to the directors I’m gonna work with.”

Dagdag pa niya, “May pressure po pero hindi po yung pressure... 'Yong nakakaano [motivate] po sa akin is 'yon pong gusto kong matuto.

“Gusto ko pong maging aktor, so doon po ako nagko-concentrate.

“Alam ko po na basta naka-focus lang po ako doon, all my worries will be taken care of, so okay naman po.”

COMPETING WITH UNCLE PIOLO. Dahil inihahanda na si Benjamin bilang susunod na prime actor ng Kapuso channel, maaaring magkaroon ng pagkakataong magkalaban sila ng proyekto ng tiyuhin niya, ang Kapamilya actor na si Piolo Pascual.

Natatawang naman ibinahagi ni Benjamin, “Actually, I just got an endorsement [deal] with Bench.

“Actually, that’s probably… Hopefully, we’ll probably work together.

“It may probably be just an ad pero exciting po if I’ll be able to work with him.”

Bilang sagot sa isa pang tanong, sinabi ni Benjamin: “To compete with him? Okay na po. Piolo is Piolo na, e.

“Kung ilalagay po ako sa competition na ganun ng GMA-7, I know that they have the confidence in me to be able to compete competently.

“Siguro by that time, handa na po ako.”

Hindi rin naman alintana ni Benjamin kung sakaling ikumpara siya ng mga tao sa kanyang tiyuhin.

“Hindi na po maiiwasan 'yon, e,” sabi niya.

“If I try to change who I am, all the good qualities na na-resemble po kay Kuya PJ, mawawala na rin po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I have not heard a bad resemblance from him to me.

“Kailangan tanggapin nila na kung ano po ‘yong nakikita nila na si Kuya PJ, that’s a good thing. It’s okay, it’s all right, hindi na po kailangang ibahin ‘yon.”

Katulad ng kanyang Kuya PJ, handa na rin daw si Benjamin harapin ang anumang intriga na ibabato sa kanya.

“If it comes with the territory, it’s okay.

“Ako naman po, okay lang naman sa akin po ang mga intriga, whatever kind of intrigues, pagdadaanan po natin ‘yan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN