Ryan Christian Recto, brother of Luis Manzano, has no plans of joining showbiz right now: "To dance or to appear with my kuya, it’s okey for me...A full-time TV show? Not yet, for now."

IMAGE Rommel Gonzales

Will 16-year-old Ryan Christian Recto follow in the footsteps of his father Senator Ralph Recto and enter politics? “Well, I don’t see myself doing that yet. But why not? We will see in the near future, after I finish school," he says.


Wala pa raw sa plano ni Ryan Christian Recto ang seryosohin ang showbiz.
Wala naman daw problema yung paminsan-minsan niyang paglabas sa TV shows, lalong-lalo na kung bakasyon siya sa eskwela.
“To dance or to appear with my kuya, it’s okay for me," sagot ni Ryan, na ang tinutukoy ay ang nakatatandang kapatid na si Luis Manzano.
"But a mainstay in a TV show, at this moment in time? It’s a big no! A full-time TV show? Not yet, for now."
Nakausap si Ryan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng guesting nito sa Kapamilya Deal or No Deal, kung saan host si Luis.


Si Ryan ay 16 na taong gulang at bunsong anak nina Batangas Governor Vilma Santos at Senator Ralph Recto.
Ano ang pakiramdam ni Ryan sa dami ng fans na tumili at nagpalakpakan sa “dance number” nila ng Kuya Luis niya?
“Well, I'm grateful and thankful to ASAP because they invited me and even celebrated my birthday on the show, even if I am not a regular mainstay," aniya.
Sa obserbasyon ng karamihan ay mas mananaig ang pagiging politiko kay Ryan kaysa sa pagpasok sa showbiz.
Susundan ba niya ang yapak ng amang si Senator Ralph?
“Well, I don’t see myself doing that yet. But why not? We will see in the near future, after I finish school."


COLLEGE PLANS. Kasalukuyang nasa third year high school si Ryan. Ano ang kursong pag-aaralan niya sa college?
“For sure, business management and economics,” ang sagot ng teenager.
Ikinuwento rin ni Ryan na exempted siya sa ilang subjects sa final examinations niya.
“Out of seven subjects, I am exempted in five subjects,” nakangiti niyang banggit.
“I am exempted in Algebra, Trigonometry, Pilipino, English and Christian Living."
Ano yung dalawang kinuha niyang exams?
“Well, chemistry and social studies,” sagot niya.


GIRLFRIEND. May girlfriend na ba si Ryan?
“Well, I'm still young," sabi ng sixteener.
Ayaw pa ba ni Ate Vi na magkaroon siya ng girlfriend?
“No naman. She still reminds me to be responsible, but I just want to go with the flow. I don’t want to start a relationship this early."
Totoo bang nahuli siya ni Ate Vi na may kasamang babae sa kwarto niya?
“Ikuwento mo kasi anak, sige na,” natatawang pakiusap ni Ate Vi sa anak.
“Well, I don’t need to lock the door naman, and they are just friends of mine. We were just waiting for her sundo naman,” paliwanag ni Ryan.
What time was that?
“Well, mga eight p.m. ng gabi," aniya.
“Of course not. But don’t worry, I will keep my mouth shut," singit naman agad ng inang si Ate Vi.
Ayaw naman sumagot ng bagets nang tanungin namin kung ano ang komento niya sa lovelife ng Kuya Luis niya.
Medyo natatakot daw siyang mag-comment sa lovelife ng kuya niya, nakangiti namang sabad ni Ate Vi.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN