Julie Anne San Jose on ending up with screen partner Elmo Magalona: "Sa akin po—if it will come, it will come."

IMAGE Noel Orsal

Dalawang shooting days na lang ay matatapos na ang launching movie ng tambalang Julie Anne San Jose at Elmo Magalona, na pinamagatang Just One Summer. Ayon kay Julie Anne, sa pelikulang ito ay nakapag-bonding sila nang husto ni Elmo.


Last two shooting days na lang ang natitira at tapos na ang launching movie ng tween stars na sina Julie Anne San Jose at Elmo Magalona—ang Just One Summer ng GMA Films.

Sabi ni Julie Anne, “Excited na po ako dahil malapit na malapit na kaming makatapos at showing na namin sa August 15, nationwide.

“Ayaw po naming pa-pressure dahil gusto naman namin itong i-share ni Elmo sa aming mga fans, na matagal nang naghihintay ng movie.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Julie Anne sa pocket presscon niya noong Martes, July 17, sa Casa Filipino in Quezon City.

FIRST KISSING SCENE. Napangiti ang young singer-actress nang tanungin kung nakunan na ni Direk Mac Alejandre ang kanilang kissing scene at ano ang naging reaction nila ni Elmo rito.

“Yes po, naka-seven takes kami, pero isang kissing scene lang po iyon.

"Dumami lang ang takes kasi po, iba-ibang anggulo ang kinunan ni Direk Mac.

"Pinag-usapan naman po namin ni Elmo ang gagawin, with the help of our director.

"I hope magugustuhan po ito ng mga fans at suportahan nila ang movie namin.”

DIFFERENT EXPERIENCE. Naging memorable ba ang pagsu-shooting nila ni Elmo ng movie?

“Yes po, dahil dito kami talaga nakapag-bonding ni Elmo," sagot ni Julie Anne.

"Wala rin naman po kasi kaming time lumabas dahil pareho kaming very busy. Mas nakilala rin po namin ang isa’t isa.

"Nakakatuwa rin dahil first time naming napuntahan yung mga locations namin sa Batangas, Bulacan, Tanay... Na-experience namin for the first time na sumakay sa kalabaw at lumusong sa putik sa bukid.

"Masaya po, naiibang experience.

"Tapos, nakasama namin ang mga artistang ang iba ay hindi pa namin nakasama—like si Tita Cherry Pie Picache, si Ms. Alice Dixson, si Tito Buboy Garrovillo."

Kasama rin dito si Ms. Gloria Romero, na una nilang nakasama sa sitcom na Andres de Saya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

OFF-CAM PARTNERS. Hindi ba nila mapagbibigyan ang gusto ng fans na maging sila na ring dalawa off-camera? Di kaya may nanliligaw na sa kanya?

“Kung may nanliligaw po sa akin, wala akong alam, wala naman pong nagpaparamdam,” biro ni Julie.

“Pero isini-set aside namin ang ibang issues, kung meron man, ini-ignore na lang namin.

"Sa akin po—if it will come, it will come.

"I have my own life, he has his own life. Respeto na po lang namin sa isa’t isa.”

Kung may manliligaw ba sa kanya, kokonsulta siya kay Elmo? O hindi kaya magselos naman si Elmo?

“I cannot speak for him, siya lang ang makakasagot doon.”

Paano kung may ligawang iba si Elmo, masasaktan ba siya?

“Kung saan po maligaya si Elmo, susuportahan ko siya. Kasi sa ngayon po talaga, focus lang ako sa studies at work ko,” sabi ni Julie Anne.


IRREGULAR STUDENT. Irregular third year college student si Julie sa Angelicum College, kunsaan kumukuha siya ng kursong Communication Arts.

Tatlong subjects lang ang kinuha niya this sem at three days a week siya pumapasok—Monday, Tuesday, and Wednesday, from 8:30 a.m. to 2 p.m.

Hindi ba siya napapagod na pagkatapos ng klase ay nagtatrabaho naman siya?

Ani Julie Anne, “Physically, napapagod din po ako, but I enjoy what I’m doing.

"Masaya po sa school, may interaction ako sa mga classmates ko. I feel safe and secured. I feel like a normal student.

"Hopefully, after two years, tapos na ako ng course ko, na two majors ang tatapusin ko—Communication Theory at Mass Media Communications.”

Kuwento pa niya, kung minsan daw ay nahuhuli siya sa klase, lalo na kung maraming gustong magpa-picture sa kanya, na nahihiya naman niyang tanggihan.

SAM CONCEPCION. Bakit sa Twitter ay pinasalamatan siya ni Sam Concepcion? Matagal na ba silang magkakilala ng Kapamilya young singer-actor?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag ni Julie Anne, “Hindi po, first time lang naming nagkasama ni Sam sa OMG Awards.

"Duet po kami, pero hindi kami nakapag-rehearse nang sabay kasi may sakit siya noon. Kaya po sinalo ko na lang siya nang kumanta na kami, inalalayan ko siya.”

DEBUT ALBUM. Finally ay ire-release na ang self-titled album ni Julie sa August 5 from GMA Records.

Ayon sa singer-actress, “Pero hindi pa po sure kung kailan ang launch kasi wala pong Party Pilipinas sa August 5. 'The Best of Party Pilipinas' ang ipalalabas.

"Kaya nasa Cebu kami ni Elmo on that date para sa promo namin ng Just One Summer.

"Mauuna po kaming mag-promote sa movie namin sa July 28 sa SM Pampanga, at may schedule din kami sa Davao."

Binati rin namin si Julie sa tagumpay ng Sunday youth-oriented show nila ni Elmo, ang Together Forever.

Aniya, “Thankful po kami ni Elmo at ng buong cast sa success ng aming show.

"Wish naming magpatuloy ito para ma-extend kami after ng thirteen weeks.”

Nakikita ba niya ang kanyang sarili sa kanyang role dito bilang Toyang?

“Yes po, dahil sa story ay best friends kami at off-camera naman ay close kami talaga—dahil two years na kami as a loveteam," sagot ni Julie Anne.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN