Angelica Panganiban on Derek Ramsay's transfer to TV5: “Kung doon siya magiging happy, dun ko siya susuportahan, kami ng family niya."

IMAGE Noel Orsal

"Kung may lagi naman siyang ginagawang desisyon, lagi naman niyang pinaninindigan yun and happy ako for him. Nandito ako para suportahan siya at hindi yun makakaapekto sa relationship namin," says Angelica Panganiban about the transfer of boyfriend Derek Ramsay from ABS-CBN to TV5.


Ikinagulat ng marami ang naging desisyon ni Derek Ramsay na lumipat mula ABS-CBN papuntang TV5 pagkatapos ng limang taon.

(CLICK HERE to read related story.)

ANGEL NOT IN THE KNOW. Maging ang girlfriend ni Derek na si Angelica Panganiban ay nabigla sa kanyang desisyong lumipat.

Ito ang inamin ni Angelica nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema One News sa pagbalik niya ng bansa noong Lunes, April 9, mula sa Vietnam.

Nag-shooting si Angelica roon para sa pelikulang pinagtatambalan nila ni John Lloyd Cruz.

“Nagulat siyempre,” prangkang sagot ng aktres nang tanungin tungkol sa kanyang reaksiyon sa paglipat ni Derek sa TV5.

“Well, hindi naman puwedeng hindi niya nababanggit sa akin yun.

“Pero sa ganung aspeto kasi, as long as na hindi kailangan ang opinyon ko, hindi ko naman ibinibigay. Desisyon niya yun.

“Kung doon siya magiging happy, dun ko siya susuportahan, kami ng family niya.

“Work yun, e.

"Kung may lagi naman siyang ginagawang desisyon, lagi naman niyang pinaninindigan yun and happy ako for him.

“Nandito ako para suportahan siya at hindi yun makakaapekto sa relationship namin.

“Nung nakapag-decide kasi siya, nasa Vietnam na ako, so nakakagulat.

“Pero ganun kami katiwala sa isa’t isa na kahit anong decision mo, okay lang.”

Napansin ng PEP na sa buong panahong nag-iisip si Derek kung mananatiling Kapamilya o magiging Kapatid, ang nababanggit lang niyang kokunsultahin ay ang kanyang "pamilya" at "ama." Parating ito ang sinasabi niya sa mga interbyu.

Hindi niya nababanggit si Angel, na mga limang taon na niyang girlfriend.

MARIPOSANG DAGAT. May mga lumabas na balita na isang teleserye raw ang sisimulang gawin ni Angelica, ang Mariposang Dagat. Kinumpirma naman ito ng aktres.

“Oo naman, excited ako!” bulalas ni Angelica tungkol sa kanyang susunod na proyekto.

“Two years na akong hindi gumagawa ng soap, so nakaka-excite na nakakatakot dahil parang hindi ko alam kung ready na ba ako na mapagod nang ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero siyempre, iba, iba yung feeling na parang ang dami mong gustong gawin.”

Ang huling regular soap ni Angelica ay ang Rubi noong 2010, bagamat nagkaroon siya ng guest appearance sa 100 Days To Heaven at Walang Hanggan.

Totoo rin ba na dapat ay kasama si Gretchen Barretto sa Mariposang Dagat?

“Ha? Wala akong alam na may pagsasamahan kaming uli o may ginagawa, hindi ko pa alam,” nagulat na sagot ni Angelica.

“Nabanggit na siya sa akin, yes, pero walang sinabi sa akin na kasama siya.

“Pero if ever na kasama siya, wala namang problema.”

ALTA. Ang proyektong dapat talaga ay pagsasamahan nina Angelica at Gretchen ay ang teleseryeng Alta.

Pero hindi natuloy ang proyektong ito na tatampukan din sana ni KC Concepcion.

Aminado si Gretchen sa mga interbyu niya na nasaktan siya sa hindi pagkakatuloy ng Alta dahil napaghandaan na raw niya ito.

Sa kaso naman ni Angelica, sinabi niyang hindi sumama ang loob niya, pero nandun ang lungkot at panghihinhayang sa pagkaka-shelve nito.

“Well, hindi naman sama ng loob kasi may mga nangyayari naman talaga na puwedeng matuloy, puwedeng hindi, di ba?

“Pero malungkot lang kasi sobrang tagal namin siyang hinintay.

“Sana nagkaroon kami ng ibang chance na ibang work, pero okay lang naman yun, para naman yun sa ikakabuti ng lahat.”

EVERY BREATH YOU TAKE. Sa May 16 naman ay opening na ng pelikula nina Angelica at Piolo Pascual para sa Star Cinema, ang Every Breath You Take.

“Excited, sobra!” sambit ng aktres tungkol sa nasabing proyekto.

“Nakakatuwa naman… masaya siyempre kasi ang tagal naming ginawa yung movie.

“In a way, nakakalungkot din, kasi sobra na kaming bonded lahat, ‘tapos parang patapos na.

“Hindi na uli kami magkikita-kita kung gaano kami kadalas magkita-kita.”

Paano niya makukumpara sina Piolo at John Lloyd na pareho niyang katrabaho ngayon?

“Iba… Yung difference kasi, siyempre si Piolo kasi ilang beses ko nang nakatrabaho, so medyo kumportable na ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Lloydie, mas ngayon ko siya nakilala kasi nung Maging Sino Ka Man kami, kumbaga, medyo mabigat ang ginagawa namin, so wala kaming time para makapagkuwentuhan.

“At least dito, may kaunting bonding."

Dagdag pa niya, “Okay naman yung movie namin ni Lloydie, heto nga kagagaling lang namin ng Vietnam.

“Ang ginawa namin is for the 20th anniversary special ng Star Magic.

“Medyo may pagkaganun [romantic-comedy], pero part of story namin, hindi naman comedy.

“Iba si Lloydie! Sabi ko nga, grabe, nakaka-excite siyang katrabaho.

“Nakita ko kung gaano siya ka-professional, sobra! Para siyang hindi napapagod, automatic siya.

“Grabe yung passion niya sa trabaho niya,” saad ni Angelica.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN