PEP EXCLUSIVE Derek Ramsay on reported transfer to TV5: “There has been no contract signing yet but there is an offer.”

“There has been no contract signing yet but there is an offer. I will look into it deeply now. I just made a decision on [not to renew my contract] with Channel 2,” says Derek Ramsay about the news that he has decided to transfer to TV5.

ABS-CBN earlier announced in a press statement that “Derek Ramsay has decided to transfer to TV5.”


Pormal nang nagpaalam si Derek Ramsay sa ABS-CBN, ngunit hindi pa siya nakapagdedesisyon kung lilipat na nga siya sa TV5.

Ito ang naging paglilinaw ng actor-TV host nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa telepono ngayong gabi, Abril 2.

Nakatanggap kasi ng opisyal na statement ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong gabi rin, mula sa pinuno ng ABS-CBN Corporate Communications na si Mr. Bong Osorio.

Nakasaad sa maikling statement na nakapagdesisyon na raw si Derek na lumipat sa Kapatid network.

Ito ang kabuuang pahayag na naipadala sa PEP at iba pang media outfits sa pamamagitan ng e-mail:

“Nagdesisyon na si Derek Ramsay na lumipat sa TV5. Sa mga nakaraang buwan ay ginawa ng ABS-CBN ang kaya nitong gawin para makumbinsi siya na manatiling Kapamilya. Ngunit naging mahirap para kay Derek na tanggihan ang ini-alok na halaga ng TV5 sa kanya. Nais namin pasalamatan si Derek sa maraming taong inilagi niya sa ABS-CBN."

Subalit nang makausap ng PEP si Derek ay sinabi nitong: “I haven’t signed with TV5 yet. But we just mentioned to Sir Gabby [Lopez, ABS-CBN chairman and CEO] that we are not going to renew.”

“TOUGHEST DECISION.” Matagal na ring usap-usapan ang paglipat ni Derek sa ibang network.

Sa huling panayam kay Derek, na nagkataong huling araw ng kontrata niya sa ABS-CBN, sinabi niyang hihintayin muna kung may offer mula sa Kapamilya network bago siya gumawa ng susunod na hakbang.

(CLICK HERE to read related article.)

Nang magkaroon na ng offer, pinag-usapan daw ng kanyang pamilya kung ano ang magiging desisyon niya.

Sa huli, nagkasundo ang pamilya ng aktor na hindi na i-renew ang kontrata ni Derek sa ABS-CBN.

Sabi ni Derek sa PEP ngayong gabi: “You know, I’ve been with ABS-CBN for six years.

“In that six years, I gave them loyalty. I gave them all that I could.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I think I performed naman with all the projects that they gave me.

“But it was a roller coaster, there were ups and downs. It’s really nobody’s fault.

"But at the end, we thought it was time to change.

“Sadly, this was one of the toughest things I made in my life.

“But the family has come together and we decided that now maybe it’s time for change.

“We send that e-mail to Mr. Lopez saying that we’ll no longer be with Channel 2.”

Matatandaan na bagamat unang napanood sa telebisyon si Derek bilang video jock ng MTV, mas nakilala siya bilang artista at TV host sa ABS-CBN.

Una niyang proyekto rito ay bilang isa sa mga hosts ng weekly entertainment show na Entertainment Konek.

Pagdating naman sa pag-arte, nakita ang kakayanan niya sa mga teleseryeng Ysabella (2007), Habang May Buhay (2010), at Magkaribal (2010).

Noong nakaraang taon, kabilang si Derek sa cast ng dalawang pinakamalaking box-office hits—ang No Other Woman at Praybeyt Benjamin. Ito ay parehong co-produced ng Star Cinema at Viva Films.

Huling napanood si Derek sa pelikulang Corazon: Ang Unang Aswang, na gawa ng Skylight.

(Ang Skylight ay bagong sangay ng ABS-CBN para sa paggawa ng indie films.)

(Ang Star Cinema ay dati nang sangay ng ABS-CBN para naman sa paggawa ng mainstream films.)

MONEY AS DEAL BREAKER? Bagamat inanunsiyo ng ABS-CBN na lilipat na si Derek, itinanggi naman ito ng aktor, na nagsabing wala pang ganitong pormal na desisyon.

Sa halip, sinabi ni Derek na ang paglipat niya sa TV5 ay isa lamang sa mga kinukunsidera nila ng kanyang pamilya.

“That’s my other option,” sabi ni Derek.

“But no signing has been made to formalize."

Pero diin niya, “But we have given up an official letter to Mr. Lopez.

“We mentioned the offer they gave to us, and that we’ve weighed the scale, and the family said that it’s time for me to sort of change, that we’re not renewing with Channel 2.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa opisyal na pahayag na inilabas ng ABS-CBN, nabanggit dito na ang halagang inalok ng TV5 ay hindi matanggihan ni Derek, sa kabila ng pagkumbinsi ng Kapamilya network na manatili ang aktor sa kanila.

Pero itinanggi muli ito ni Derek, “It’s not that, e.

"Like I said, everyone is saying that it’s because of money. No, it’s not.

“Actually, the offer from TV5 is a project that they’re willing to give me.

“That will probably convince me because it’s designed with my personality, my interest—which I’m always looking forward to in Channel 2.

"Unfortunately, wala, no opportunity was given.

“Ang tagal ko na ring wala sa TV, sa Channel 2.

"So, we’ve decided na the best option here for now is for me to not sign.

“Then, the family will decide on what we’re going to do with my career after I get back over the week.”

Nakatakdang umalis ngayong gabi si Derek papuntang Australia para magbakasyon.

Nang tanungin ng PEP kung ano ang proyektong inialok sa kanya ng TV5 na natipuhan niya, sinabi nito: “They were mentioning the Amazing Race and the Olympics.”

Sabi pa niya, “You know, I think, in my six years with ABS-CBN, everyone knows how much of a sports fanatic I am.

“I’m not a 21-year-old anymore. These are just things that I’ve been wanting to do.”

Sa ngayon, masasabing hindi pa opisyal ang paglipat ni Derek sa TV5. Pag-aaralan daw muli niya at ng pamilya niya ang alok ng TV5 pagbalik ni Derek mula sa pagbabakasyon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN