Part 1 Derek Ramsay answers naysayers who question his box-office clout

IMAGE File photo

Derek Ramsay on box-office success of his recent films: "I'm not taking all the credit. I'm not trying to say success of this movie is not of my performance or my name. It's the performance of the body who work together—that's where you get chemistry. All the three movies, maganda nga yung pakikisama namin sa lahat. Lumabas sa resulta. Yeah, if that's what other people is saying na 'Si Derek kumikita lang ang pelikula niya dahil sa ibang mga kasama niya,' it's true. Fi


Ayon sa Star Cinema ay kumita ng P7 million ang pelikulang Corazon, Ang Unang Aswang, sa unang araw ng pagpapalabas nito.

Positibo rin ang feedback na tinatanggap ng horror-love story na pinagbibidahan nina Derek Ramsay at Erich Gonzales, mula sa direksiyon ni Richard Somes.

Sa kabila nito, patuloy pa rin ang pagbato ng isyu kay Derek, na kung kumita man daw ang mga pelikula niya noong isang taon—ang No Other Woman at Praybeyt Benjamin na dalawa sa highest-grossing films ng 2011—ay dahil daw sa mga kasama nitong mga kasamang artista.

At kahit na ibang leading man daw ang inilagay duon ay tiyak pa ring panonoorin ang mga ito.

Sa magandang ipinapakita naman ng Corazon sa takilya, patunay lang daw ito na kahit sinuman sa mga leading ladies na ipareha kay Derek ay kaya ng mga itong dalhin ang pelikula.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Derek noong Biyernes, March 16, mahinahon naman nitong sinagot ang matagal nang iniisyu sa kanya.

Tinanong namin kung sa pakiramdam niya ay vindicated siya sa magandang kinalabasan ng Corazon sa takilya.

Ayon kay Derek, "You know, everyone is entitled to their own opinion.

"May nagsabi nga na kumita lang naman yung mga pelikula na 'yan dahil sa mga co-artists ko.

"If that's the case, that's fine, that's their opinion, I respect their opinion.

"For me, yes, what they are saying is true.

"I'm working with great actors... Anne Curtis is the hottest leading lady now. Cristine Reyes, you just saw her umarte. Erich Gonzales, one of the most talented young actresses. And, of course, the cast of Praybeyt Benjamin, great lineup of great actors here—old and new.

"I consider myself very lucky na nasama ako sa mga ganung artista.

"But in my argument, I think I was able to give something to the movie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I'm not taking all the credit. I'm not trying to say success of this movie is not of my performance or my name.

"It's the performance of the body who work together—that's where you get chemistry.

"All the three movies, maganda nga yung pakikisama namin sa lahat. Lumabas sa resulta.

"Yeah, if that's what other people are saying, na 'Si Derek kumikita lang ang pelikula niya dahil sa ibang mga kasama niya,' it's true.

"Fifty percent, 60 percent, 70 percent of the film is because of the other artists.

"You can only give so much, but kung hindi mo ibibigay yung tamang role mo, hindi magiging maganda yung pelikula.

"I think I was able to give a little bit of the piece of the pie.

"If that's how they feel, it's fine with me.

"Basta for me, I know I was able to give something to make it a success."

Patuloy niya, "I don't feel vindicated, let's not forget this movie is CorazonCorazon is the character of Erich—and it will not make seven million [pesos] on it's first day if Erich and I didn't perform, and I think we both did.

"If Direk didn't give his 200 percent and the crew, hindi magiging ganito kaganda yung movie.

"I don't know why people have to say those kind of things. But if that is their honest opinion, and they're not kidding, then I will respect that."

Nagpahayag naman ng saya at pasasalamat si Derek sa mainit na pagtanggap ng mga tao sa Corazon, Ang Unang Aswang.

"I'm very happy na kumikita yung pelikula, the biggest project ko to date.

"Yung pinanood namin, sa nakita ko, yung cast, yung crew, ako, si Erich, we came up with a great project, 'tapos ngayon naa-appreciate din ng mga taong nanonood.

"Yes, I'm very, very happy. I'm not feeling the pressure na sinasabi nila na dapat maging blockbuster.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang daming humihirit... I'm feeling pressure because of the movies.

"No, every time I do a project, I don't want to think about that.

"Basta ang focus ko is I do my work, I gave my all sa character and sana lumabas ang isang magandang proyekto," saad niya.

FAVORITE MOVIE. Consistent din si Derek sa pagsasabing ang Corazon ang pinakapaborito niyang pelikula.

Saad niya, "Di ba, sinabi ko nga, gusto kong gumawa ng period movie?

"This is a period movie and I really had to step out of being Derek.

"It was shot after the war, when the Japanese left the Philippines.

"Hindi ko puwedeng ipakita yung modern, kailangan kong umarte kasi I can't have any signs of me—it's really my character."

MOVIE WITH BEA. Sa ngayon ay nagsisimula nang gawin ang pelikulang pagtatambalan muli nina Derek at Bea Alonzo.

Tinanong ng PEP ang hunky actor kung may pressure ba siya ngayon na halos lahat ng pelikula niya ay nagpakita talaga ng magandang resulta sa takilya?

"Pressure, kasi I'm working with Direk Olive [Lamasan], an amazing director. Yun lang ang pressure sa akin.

"It's more of I'm nervous, I'm excited.

"For me, hindi ko na iniisip kung ano ang magiging resulta sa box-office, I'm not looking at it.

"For me, mas nagpo-focus ako na mai-deliver ko yung gusto ni Direk kasi she has an amazing resumé of great movies, resumé of actors that she has worked with.

"For me, on my part, I'm so thankful na pinili niya ako and kailangan kong ipakita na hindi ko siya idi-disappoint, and kailangan kong ipakita na kaya kong i-deliver ang gusto niya.

"'Pag nagawa ko yun—whether kumita o hindi—'pag nakita ko yung approve sign ni Direk Olive, okay na sa akin yun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN