Derek Ramsay on doing a movie with Vilma Santos: "Wow! Kung mayroon, go, game ako diyan! Vilma Santos 'yan, one of the best actresses of our time."

IMAGE Noel Orsal

Derek Ramsay confirms that he will play in the World Cup of Frisbee in Japan in July. “I think it’s gonna be on July 11-15, that’s the World Cup of Frisbee. We’re representing the country, may practice ako tonight for the Philippine team, and sana we do well when we go be there. After that, tapos na tapos na. It’s taking too much out of my body. It’s really beating me, di ko na kaya."


Sobrang flattered daw ang hunk actor na si Derek Ramsay nang makarating sa kanya ang balitang gusto siyang makatrabaho sa isang pelikula ni Governor Vilma Santos.
Na-interview si Derek ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong, Thursday, April 26, sa Annabelle's sa Tomas Morato, Quezon City, para sa pocket presscon na binigay sa kanya ng TV5.
Dito nagpahayag ang aktor ng kanyang excitement na makapareha ang Star For All Seasons.
“Wala pang offer, it’s just that I was told she'd love to do a movie with me and I said, 'Wow! Kung mayroon, go, game ako diyan! Vilma Santos 'yan, one of the best actresses of our time.'
"I watched her movie, Gaano Kadalas ang Minsan, and I watched yung pelikula nila ni John Lloyd and Lucky, yung In My Life.”
BB GANDANGHARI. Sa isang panayam kay Derek, nasabi rin niyang bukas siyang makatrabaho sa isang proyekto si BB Gandanghari.
At kung saka-sakali nga raw na magkaroon sila ng kissing scene ay di problema ito sa kanya.
Ipinaliwanag naman sa amin ng hunk actor na depende pa rin sa tatakbuhin ng istorya at eksena ang magiging desisyon niya.
“Yah, kung kailangan sa eksena, why not? Kundi naman kailangan, no. Di naman kailangan ng torrid kissing.
"I’m comfortable with who I am. I know I’m straight and I trust the director and I trust BB. I'd love to work with her.
"It doesn’t mean kailangan may kissing scene... Depende yun, I have to analyze the scene, if it’s not needed, bakit pa kailangan?”
SHARON CUNETA. Nag-guest din si Derek sa isang episode ng bagong show ni Sharon Cuneta sa TV5, ang Sharon: Kasama Mo Kapatid. Ipapalabas ang nasabing episode sa Mayo.
Aminado ang aktor na na-miss niya nang husto ang isa sa itinuring niyang malapit na kaibigan sa showbiz.
“Ang tagal kong di siya nakita, kaya nung nagkita [kami], higpit ng yakap ko sa kanya. Sinabi ko sa kanya, 'I love you.'
"We tweet each other naman, e. We text each other now and then and grabe yung mga binitawan niyang salita tungkol sa akin.
"I don’t know what to say, nanggaling sa ganung klaseng tao. She’s so sincere.
"Madali namang magbitaw nang ganung mga salita, pero I could feel the sincerity. When I was looking at her, I didn’t know what to say, how to act.
"Masarap lang na may mga taong ganun, na ganun ang iniisip sa akin, kasi nga ang dami ng mga negative na bagay na nangyayari."
Nagkatrabaho na silang dalawa sa Biggest Loser ng ABS CBN. Ayon kay Derek, kung bibigyan siya ng pagkakataon ay gusto niyang makatrabaho muli ang Megastar.
“Oo naman. Kasi sa Biggest Loser, di kami masyadong nagkikita, so sana mabigyan kami ng proyekto na magkakasama talaga kami.”
HOSTING MISS WORLD. Positibo ang feedback nang i-host niya ang 2011 Bb. Pilipinas Miss Universe.
Ngayong nasa TV5 na si Derek, siya ang magho-host ng Miss World beauty pageant.
“I hear a lot of good comments nung nag-host ako ng Bb. Pilipinas. Ako dapat uli ang magho-host nun, pero due to what happened, natanggalan ako ng pelikula, ng hosting.
"Pero the Lord gave me a new movie and a new hosting, so dun na yung focus.
“I’m gonna be the same guy in a different pageant, and I’m really excited. It’s gonna be in June, sometime in June, so grabe ang schedule ko.”
LAST FRISBEE EVENT. Sa kabila ng injury na natamo ni Derek nuong Nobyembre, kung saan naapektuhan ang kaliwang braso niya, kinumpirma nito sa amin na maglalaro siya sa darating na World Cup of Frisbee sa July sa Japan.
Pero ito na raw ang huli niyang pagsali sa nasabing tournament.
“I think it’s gonna be on July 11-15, that’s the World Cup of Frisbee. We’re representing the country, may practice ako tonight for the Philippine team, and sana we do well when we go be there.
“After that, tapos na tapos na. It’s taking too much out of my body. It’s really beating me, di ko na kaya.
"I have a three-year contract with TV5, I can’t afford to do something with my body again that can affect my responsibilties in TV5.
"I’m not turning my back on this sport. [I can use my] experience on teaching...I had my time.”
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN